Kabanata 10

73 25 24
                                    

Louie

Ngayong araw na ang pagbabalik ko ng Pilipinas. Hanggang ngayon na kahit nandito na ako at naglalakad palabas ng NAIA, hindi pa rin mawala sa isip ko si mama. Mali man ang sumuway sa matagal na niyang hinihiling para sa akin pero alam ko namang hindi ko rin iyon matutupad if I stayed. This is a new start. For me and for my dreams. Ang ginagawa kong ito ay ang bagong simula ng aking paglalakbay patungo sa pangarap ko.

Nasa labas na ako at paikot-ikot na ang aking paningin para hanapin si Kris. Nadaanan na ako ng ilang mga taxi na nagsasakay ng ilang pasehero at may ilan na ring mga nagbalik-bayan na nagyayakapan kasama ang mga kamag-anak nila pero heto ako't naka-crossed arms habang hinihintay pa rin ang late kong pinsan. Sabi na hindi iyon maaasahan sa pagiging punctual.

Napabuga na lamang ako ng aking hininga at saglit na naupo. Paulit-ulit kong tinitingnan ang wrist watch ko hanggang sa lumipas na ang halos thirty minutes pero wala pa rin si Kris.

Ilang minuto pa ang dumaan.

Napatayo na lamang ako nang makita ang dalawang lalaking mabilis na tumatakbo sa pagitan ng ilang mga tao habang papunta sa direksyon ko.

"Putspa ang traffic sa Manila!" Pambungad ni Kris na puno na ng pawis ang mukha. Katabi niya ay kung hu-hulaan ko siya si Nico.

"One hour late?" Nakataas ang isang kilay ko habang nagtatanong.

Tumawa lamang siya kaya napangiti na rin ako. Akma niya akong yayakapin pero hindi ko muna iyon tinanggap.

"Basang-basa ka ng pawis ha!"singhal ko sa kanya. Sa sinabi kong iyon ay napanguso na lamang siya. Para laging bata."Ang bantot mo na."

Kita ko naman ang matipid na pagtawa ng lalaki sa tabi niya.

"Bakit ka natawa Mars?"Paling niya kay Nico. Mars talaga ang tawagan nila ha. Napatawa naman din ako sa mga pinaggagagawa ni Kris. Inakbayan ko na lamang siya dahil doon.

"Na-miss kita!"saad ko at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.

"Tulungan na kita sa mga bagahe mo." Nabigla akong napatingin kay Nico na nakalahad na ngayon ang kamay sa akin. Inalis ko muna ang pagkakaakbay ko kay Kris. Dahil mabait ako tinanggap ko na ang tulong niya. Ang sweet ng Mars ni Kris ha.

Dumiretso na kami sa sasakyan ni Kris at nagsimula nang bumyahe pabalik ng Batangas. Napupuno na ngayon ang loob ng kotse ni Kris ng pagkanta naming dalawa samantalang tahimik lamang na nakaupo sa passenger seat si Nico. Hawak nito ang cellphone ni Kris na kakahiram lamang niya kanina dahil maglalaro raw siya ng Cooking Mama. Wala ata sa mood kumanta. Buti na lamang at sweet siya kanina. Napakaseryoso niya kasi ngayon e habang nakatutok sa phone. Baka malapit nang ma-out.

"Oy!"panimula ni Kris pagkatapos nitong mapagod sa pagkanta."Stop-over muna tayo, may madadaanan tayong Jollibee rito."

"Sige," pagsang-ayon ko tutal magtatanghalian na rin naman 'tsaka gutom na rin ako.

Mayroon ngang isa rito at doon muna kami tumigil. Pagkababa namin ay dumiretso kami sa counter ni Insan habang si Nico naman ay nauna nang maghanap ng mauupuan namin dahil si Kris na ang o-order para sa kanya. Nakaka-miss ang tunog sa loob nito iba rin talaga kapag mismong nasa Pinas kana mas ramdam mo ang saya. This feels home for sure.

Universe:The Unparalleled FateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora