Chapter Forty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akala ko ba gusto mo ang kanta na ito?" Kunot-noong tanong ko saka muling humarap sa kanya.

"Yes. I said that. Regardless of the inane message of this song, maybe somehow I'm craving for this kind of emotions; this kind of love."

"Hindi ba at girlfriend mo si Elisha?" Tila may mga patalim na lumabas sa bibig ko kasabay ng pagsambit ko ng tanong na iyon.

"What we have was convenience. Pure sex. No emotions attached." Mabilis na sagot nito na tila ba nahimigan niya ang konting kirot at selos sa tono ng pagtatanong ko kanina. "Business can be a lonely world sometimes. We just happened to find oasis in one another because of our compatibility and because we're both pitifully lonely like that."

"Pero mukhang gustong-gusto ka niya."

"She do... just like how she like the rest of us," sagot pa ni Eros na tila ba hindi niya gustong pinapaliwanag ang bagay na ito—o baka ayaw na niyang pag-usapan namin si Elisha dahil ang oras at pagkakataon na ito ay dapat sa aming dalawa lang.

"What do you mean?"

"She loves playing with us, Monique. She loves the Mondragon the way she loves her dresses and shoes. Most of the time, she's just after the sex. Sometimes, the company. I just happened to be the one who's been in a longer relationship with her because we're business partners and our free time often matched."

"Paano ka naman nakaka-siguro?" May pag-aalangan na tanong ko.

Dahil kung ako ang tatanungin, iba ang tingin at atensyon na pinapakita ni Elisha kay Eros. Hindi iyon ang mga tingin at atensyon ng simpleng nakikipaglaro lang.

"To put your mind at ease, we broke up the other day. And she's bisexual. So, be careful not to be on her good graces or you'll be her next play thing."

"B-bi... Bisexual?! You mean, gusto niya parehas babae at lalaki?"

"Man, woman, gay, lesbian, transgender, queer. As long as she likes you, she'll have you. She even told me that love is love after all."

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napanganga doon sa lahat ng nalaman ko tungkol kay Elisha.

She's too beautiful to be interested with the other sex or gender.

O, baka kaya siya gano'n dahil iyon na mismo ang personality niya.

You can't help but admire her and like her because she's amazing just like that.

Hindi gaya ko...

Naputol ako sa malalim kong iniisip nang muli kong maramdaman ang pag-angat ng baba at tingin ko pabalik sa mga asul na mata ni Eros saka ko nakita ang muling pagbagsak ng labi niya sa akin at nakita ang sarili ko na tumutugon doon.

Muli akong napaungol nang maramdaman ko ulit ang pagdantay ng mga daliri ni Eros sa likod kong naka-expose, saka iyon dahan-dahang bumababa, sinusundan ang kurba ng likod ko, pababa hanggang sa ibabaw ng aking balakang at pa-akyat ulit.

Muling nawala ang lahat ng rason at pag-aalangan sa isip ko dahil na rin sa pagiging distracted noon sa ginagawa ang mga daliri ni Eros sa likod ko at ng labi niya sa labi ko.

"I miss you," muling sabi ni Eros sa pagitan ng mga halik namin. "I'm madly missing you, Monique."

Lumalim ang hininga ko nang dumausdos pababa ang mga halik niya sa gitna ng leeg ko na naging dahilan para mapaliyad ang ulo ko at mapakapit nang mahigpit sa ulo nito.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon