Si syrinne panay hampas sa balikat ni rhyz at perting nakakunot ang noo. Kinikilig ako sa dalawa. Bagay sila.

"Baka magkatulayan kayo niyan" natigil sila ng sabi ko iyon at mabilis nag iwas ng tingin. Napangiti ako.

Halatang may gusto sa isa't isa.

Napawi ang ngiti ko ng maalala ko si Ken. Kung buhay pa kaya siya, ganiyan din ba kami ka sweet?

Napabuntong hininga ako sa aking isipin.

"Nakakatawa yung palabas tapos umiyak ka diyan?" tanong ni matt kaya napahawak ako sa pisngi ko.

Basa ito, umiiyak na namn ako.

"Hindi, napuwing lang ako" pagsinungaling ko.

"Hays, mamasyal na nga lang tayo" yaya ni matt.

"Sige" sang ayon ni syrinne.

Kaya umakyat ako saking kwarto para magbihis. Gusto ko ring libangin ang sarili ko para mawala sa isipan ko si ken kahit saglit lang.

Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na ako, nakatayo na silang lahat sa sala hinihintay ako.

Lumabas agad kami ng makarating ako sa sala. Si Rhyz ang nagmaneho katabi niya si syrinne nasa backseat kaming dalawa ni matt.

Nagkwentuhan lang sila at sinikap makisali pero di ko maiwasang mapatulala.

Di naman kalayuan ang Mall na pupuntahan namin kaya nakarating kami agad.

Dahil busog kami ay dumiretso na kami sa Arcade para maglaro. Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang mga ginawa namin ni Ken dito.

Napatingin ako sa car racing

Naalala ko pa kung paano kami nagkarera. Yung tawa niya saakin dahil lagi akong nababangga.

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang luhang bumabadya.

Sumunod lang ako sa kanila. Ngumingiti ako kapag tumitingin sila sa akin. Hindi pinahalata na nalulungkot ako dahil may alaala kami ni ken dito.

"Dito tayo" turo ni matt sa isang room na may kantahan. Maganda ang boses ni matt kaya lagi siyang kumakanta.

Pumasok naman kami, si matt agad yung unang naghanap ng kanta habang si syrinne at rhyz naman ay bumili ng makakain namin.

Napakunot ang noo ko ng marinig ang kantang unang kakantahin ni Matt.

Yun yung kanta na paborito ni ken, naalala ko pa nung tumugtog iyon sa sasakyan niya.

Diko nanapigilang tumulo ang luha ko. Pinahid ko agad para hindi makita ni matt. Sinenyasan ko lang si matt na lalabas lang ako.

Nakasalubong ko naman sila syrinne na may bitbit na pagkain.

"Oh? San punta mo?"

"Maglalaro lang" sagot ko kay syrinne kaya tumango lang siya. Nginitian ko lang si rhyz at nagtuloy na paalis.

Naglaro ako ng bumper car. Lagi akong binubulyawan ng iba dahil nababangga ko.

Humihingi lang ako ng sorry. Wala ako sa sarili nagmaneho ng bumper. Lagi akong nabununggo.

Matapos ang oras ay lumabas na ako sa area'ng iyon. Napadaan naman ako sa basketball.

Dun nako napaiyak ng maalala ko kung paano ko sini-cheer si Ken.

"Umiiyak ka na naman" narinig kong boses ni syrinne sa likod, hindi ako lumingon at dali daling pinahid ang luha ko.

"May mga alaala ba kayo dito?" tumango lang ako "Bat di mo sinabi? sana di nalang tayo pumunta rito. Dapat happy ang araw na to" napayuko ako "Tatawagin ko lang sila matt" pipigilan ko na sana siya pero umalis na ito pabalik sa karaoke room.

Naghintay lang ako saglit at lumabas naman din sila. Walang imik kaming lumabas ng mall at nagtungo sa parking lot.

"Saan na tayo ngayon?" tanong ni rhyz ng makapasok kaming lahat sa sasakyan.

"Okay na daw, pumunta na tayo dun" napatingin ako kay syrinne.

"Saan tayo?" tanong ko at ngumiti siya.

"Malalaman mo rin mamaya" tumango ako. Napalingon ako kay mayt sa aking tabi ng hawakan ang kamay ko.

"Kung ano man ang mangyayari. Huwag kang aalis agad ha?" naguluhan man ay tumango nalang ako sa sinabi ni matt.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila. Hindi nalang ako nagtanong, pupunta naman kami doon.

Tahimik kaming bumyahe. Walang nagsasalita. Maya maya pa ay tumigil ang sasakyan sa isang parking lot sa harap ng Park.

Bumaba na sila at nahuli akong bumaba. Sinunod ko sila ng maglakad sila papunta sa park.

Kumabog ang dibdib ko ng makatapak sa bermuda grass ng park.

Nagulat ako ng may biglang nagbigay sa akin ng rosas na lalaki. Kinuha ko iyon kahit naguguluhan.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang mga kaibigan ko pero wala na sila roon.

Patuloy parin silang nagbibigay ng pulang rosas saakin. Hindi ko mabilang kung ilan na dahil nagtataka parin ako.

Hanggang sa si rhyz na ang nagbigay.

"Ano to?" nginitian niya lang ako at hindi sumagot. Sumunod sa kanya si Matt.

"Ano ba tong kalokohan niyo?" tanong ko kay matt pero nakangiti din at hindi sumagot. Sumunod naman sa kanya si Syrinne.

"Ano ba tong pakulo niyo?" natatawa kong sabi. Niyakap niya lang ako at bumulong.

"Please, listen to him" yun lang at umalis na. Naguluhan akong sinundan siya ng tingin.

Nang maibalik ko ang aking tingin sa harapan. Napawi ang ngiti ko at nagulat dahilan para mabitawan ko ang bulaklak na bigay nila saakin.

Sunod sunod na naglandas ang luha ko. Di ko napigilang humikbi. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon.

"Joyce" tuluyan na akong napahagulgol ng banggitin niya ang pangalan ko.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt