Chapter 11

563 38 0
                                    


Black Lady

Matty POV

Sobrang sakit nang mawalan ka ng kaibigan. Diko alam kung bakit ganito?

Sobrang bait ni Joyce at hindi ako naniniwala na kayang gawin ni Joyce ang manakit ng tao.

Alam kong mag iisang taon palang kaming nagsama at nagkakilala ni Joyce pero sa loob ng dalawang taon napaka bait niya parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

Kahit na lagi siyang binubully ng mga kaibigan ni Heven hindi sya lumalaban.
Alam kong hindi yun gagawin ni Joyce dahil bago palang sila nagkita ni Heven.

Alam kung may ginawa si Heven kaya si Joyce ang napagbintangan, alam kong may alam sya na hindi namin alam, lalabas at lalabas din ang katotohanan. Not now but soon.

Baka may ginawa na nman tung kalokohan, kilala ko na siya dati pa since grade 7 at kilala siya bilang isang Bully.

Sikat siya sa School dahil anak siya ng nag mamay-ari ng Eastwood kaya isa sa dahilan yan kung bakit ang lakas niyang mambully ng mga estudyante.

Lahat takot sa kanya baka isang araw ay paalisin sila sa Eastwood ang sino mang magtangkang lumaban kay heven. Spoiled brat

Nasa Memorial Park kami ngayun, naka white lahat. Huling araw na kasi ni Joyce at ililibing na siya.

Inilibing padin namain siya kahit sunog na ang katawan. Hindi nagawang ipaabo ni tita si Joyce dahil ayaw ni joyce. Ito ang laging sabi niya nung panahong busy pa siya. Ayaw niyang magpa-cremate.

Kasalukayan akong nasa harap ng mga bisita para mag speech para sa kaibigan ko.

"Napakabait ng kaibigan ko at hindi ako naniniwalang magagawa niya yun" iyak kong sabi "Kahit mag iisang taon palang kaming nagsama ay nakilala ko siya ng lubusa. Napakabait at mapagmahal niyang kaibigan." hindi ko na alam kung ano na ang itsura ko ngayon "Naalala ko pa nung una, kung pano niya ko tinulungan nung na depressed nako sa mga nagsunod sunurang proyekto namin." nung grade 11 pa kami lagi niya akong chini-cheer up "Napakamatulungin niyang kaibigan kaya hindi ko matanggap na ganito ang sinapit ng kaibigan namin" hindi ko na tinapos dahil hindi ko na kaya, tila nanghihina ako.

Sunod pumunta sa harap ay si Syrinne hanggang sa natapos lahat mag Farewell Speech ay walang tigil ang iyak ko ganun din si syrinne na nasa tabi ko na.

Nang matapos ang libing ay umuwi na yung iba, mga malalapit nalang kay joyce ang naiwan dito.

Nakuha ng atensyon namin ang kararating lang na sasakyang mercedes benz. Agad akong tumayo ganun si syrinne.

Nag-init bigla ang ulo ko ng makita kung sino ang palabas lang ng sasakyan.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito" salubong ko kay Ken ng makalapit ako, tinignan ko kung sino ang kasama niya "At talagang nagdala ka pa ng bruha dito?" tukoy ko kay heven.

"Matt?"

"Bakit? Bruha naman talaga siya. Siya ang dahilan kung bakit wala na si Joyce" sabi ko sa kanya kaya napuyuko siya "Ano? igaganti mo siya? ha?" sigaw ko.

"Pasalamat nga siya dahil di ko siya sinaktan nung sinaksak niya ko" singit ni heven ng ikinakulo ng dugo.

"Sinaksak? Really? Alam nating dalawa kung sinong kriminal sa inyong dalawa" hindi nakapagsalita si heven sa sinabi ko.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now