Chapter 21

563 34 0
                                    


New life

Joyce POV

"Banyo lang ko, guys" paalam ko sa dalawa kung kaibigan. Tatlo nalang kasi kami sa table namin kasi daddy at mama ay inasikaso ang mga bisita naming mayayaman.

"Sige" ngiting sabi ni syrinne at tumayo na ako.

Nakailang hakbang pa lang ako ng makasalubong ko si Ken pero nagpatuloy parin ako sa paglakad na parang hindi siya nakita.

Nang magtagpo kami ay kita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kakaiba.

Nangmalampasan ko siya ay hindi ko akalain tatawagin niya ako gamit aking pangalan. Akala ko'y hindi niya ako papansinin.

Hindi ko alam pero tumindig ang balahibo ko ng tawagin niya ako sa aking pangalan.

Napahinto ako at nilingon siya. Sinalubong ang kanyang tingin.

"Yes?" nakataas kung kilay na tanong. Hindi pinapahalata na naaapektuhan parin ako sa presensiya niya.

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Parang gusto ko siyang yakapin dahil dati paman ay ayokong nakikita siyang malungkot.

Mas lalo akong nag alala ng makita ko ang sugat na may kaunting dugo sa labi niya. Gusto kung tanungin kung okay lang ba siya.

Pero nangingibabaw ang galit ko nang maalala ang gabing iniwan niya ko.

Tama, galit ka sa kanya joyce. Galit ka at wala ng iba.

"What?" tanong ko ulit ng hindi siya nakapagsalita.

"Ano.." nakataas ulit ang kilay ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano?" irita kung tanong. Ang lakas ng loob tawagin ang pangalan ko pero ng kausapin ay tulala naman.

"Look, my time is important and I don't want to waste it. Now, if you're not going to say something then excuse me." naiihi narin talaga ako at wala akong oras makinih sa sasabihin niya. Hindi na importante iyon sa akin.

Nagmadali akong lumakad patungong banyo hindi pa ako nakapasok ay biglang nanghina ang tuhod ko.

Muntikan na akong matumba at buti nalang ay napahawak ako sa door knob.

Pumasok na ako at dumiretso sa malapit na cubicle. Nang matapos ay lumabas na ako at naghugas ng kamay.

I miss him.

Hindi ko maitatangging namiss ko siya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako bumalik at nagpakita.

Bumalik ako para ipakita sa kanila na hindi basta basta ang binabangga nila. Ipaparanas ko sa kanila ang pagkapahiya ko nung gabing napagkamalan akong kriminal.

Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa aming table. Nakita ko agad doon sina mama at daddy na nakaupo sa dati nilang pwesto.

"Let's go, anak? Uuwi na tayo" salubong ni dad sa akin at tumayo na kaaunod si mama.

"Mauna na kami ng daddy mo sa sasakyan, hintayin ka nalang namin dun" sabi naman mama.

"Sige po" umalis naman agad sila at naiwan kaming tatlo.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now