Chapter 02

671 40 0
                                    


Sorry

Joyce POV

"Joyce? Anak? Gising na"

"Hmm...hmm"

"Anak? bumangon ka na jan" rinig kong sigaw ulit ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Mamaya na po, inaantok pa ko" reklamo ko na inaantok pa.

"Lumabas ka na jan, may bisita ka" agad akong napatayo sa sinabi ni mama "Nandiyan si Ken" dugtong pa ni mama na dahilan ng pagkawala ng antok ko.

Anong ginagawa— ahhh!

"Sabihin mo, ma. Umalis na siya" sigaw ko pabalik kay mama

"Anak? Huwag kang ganyan. Kanina pa siya naghihintay dito ohh"

"Hayaan mo siya, ma. Pauwiin mo na" sabi ko sabay taklob ng kumot.

"Ako na po bahala, tita" kahit mahina alam kung si Ken yun. Mas lalo kung kinumotan ang aking sarili.

Bahala siya, dun siya sa babae niya.

"Babe?" rinig kong tawag ni ken sabay katok. Buti nalang nakalock yung pinto, ang hilig pa man nun pumasok agad.

"Babe? sorry na" sabi niya pa ulit pero di ako umimik. nagtatampo ako, hmp!

"Babe please, mag-usap tayo" di pa rin ako nagsalita.

"May dala akong Chuckie" naimulat ko bigla yung mata ko sa aking narinig.

Chuckie?

Tss. Alam niya talaga yung kahinaan ko. Ahh basta, bahala siya jan basta nagtatampo parin ako.

"Babe?"

bahala ka jan

"Baaabeee?"

nagtatampo ako

"Chuckie"

bwesit

"May chuckie ako"

bwesit talaga

"Marami akong chuckie'ng dala" tinakpan ko nalang ng unan yung tenga ko.

"Sayang naman ng mga chuckie na 'to" napaupo ako bigla sa aking kama. "Ayaw ni babe" tumayo nako at dumiretso sa pinto "Iuuwi ko nalang, akin nalang to—" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng buksan ko yung pinto.

"Baket?" mataray kung tanong na nakapamewang pa.

"I'm sorry" pacute niyang sabi.

Hindi ako nagsalita kaya inilahad ko yung kamay ko. Nilagay niya naman ang isang supot namay lamang chuckie at agad kung sinara yung pinto.

Bago pa ako makaupo sa Kama ko ay sumunod siyang pumasok at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry na" di parin ako nagsalita at uminom nalang ng chuckie.

"Hey, pansinin mo naman ako" di ko parin siya pinansin at patuloy akong umimon ng chuckie.

"Sino ba jowa mo?" tiningnan ko pa siya ng may pagtataka.

The Innocent RevengeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt