Chapter 05

506 37 0
                                    


The Heiress

Joyce POV

"Alam niyo na ba?"

"Ang alin?"

"Na nakauwi na si Heven"

"Talaga?"

"Oo, kahapon lang dumating"

Pagpasok ko palang sa gate ng school ng Eastwood ay yan na agad ang bumungad saakin. Mga nagchichismisang estudyante.

Kay aga aga.

Today is our first day of school, for sure walang masyadong klase ngayon kase unang araw palang. Baka may mga bagong mukha at mapupunta yan sa Introduce yourself.

Hindi ko na sana pansinin at magpatuloy nalang sa paglakad sa oval field.

Ngunit nahinto ako sa paglakad ng marinig ko ang pangalan ko at ng boyfriend ko.

"Pano na yan? Pano na sina Ken at Joyce?"

"Ewan ko lang"

Anong panong kami? Ano bang sinasabi nila? Hindi ko maintindihan.

Gusto ko sanang magtanong sa kanila kaso nung paglingon ko ay wala na sila sa likuran ko. Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad papunta ng sa aking silid.

Naalala kung hindi pa masyado magkaklase yung mga teacher ngayon kaya pumunta muna ako ng locker para ilagay itong mga librong dala ko.

Naisipan kung dalhin nalang ngayon ang mga libro ko upang ilagay sa locker para hindi ko makalimutan pag naging toxic na ang klase.

Hindi pako nakarating sa locker ay tumilapon yung mga librong dala. Dun ko lang naramdaman ng may nabunggo pala ako.

Agad ko naman itong pinulot ng magsalita yung nabunggo ko.

"Tumingin ka kase sa dinadaanan mo" sabi niya at napatingin ako sa kanya habang nakatayo ito sa harapan ko.

Tila parang isang artista ang nasa harap ko ngayon, sobrang ganda.

"I know na maganda ako, di mo naku kailangang titigan" sabi pa niya.

Dun ko lang napagtanto kung sino tung kaharap ko. Si heven. Ang ganda pala niya pag sa malapitan.

Nang matapos kung pulutin lahat ng libro kung nagkalat sa field ay tumayo ako para harapin siya.

"Sorry" yun lang ang nasabi ko na parang takot sa kanya dahil sa pagtaas ng kanyang kanang kilay.

Nakita kong tumingin siya sa ID ko kaya napatingin rin ako dito.

"So, ikaw pala si Joyce?" hindi ko alam kung bakit parang kilala niya ako.

Siguro nai-kwento ako ni Ken sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti.

"Huwag kang mag-assume, hindi ka ikinuwento sa akin ng boyfriend mo" sabi niya pa na parang nababasa yung nasa isip ko kaya bigla napawi yung ngiti ko.

"By the way, I'm Heven. Hevendyze Eastwood" sabi niya sabay ngiti. Tila parang nabilaukan ako sa huling sinabi niya kahit wala naman akong kinain.

Wait, Eastwood? So means...

"Yes, you're right" sabi pa niya ng makita ang itsura kung gulat. Mind reader ba siya? "I'm the heiress of Eastwood University." sabay ngiting sabi niya.

Grabe! Hindi lang siya maganda, mayaman pa.

"Ahh" wala akong masabi, sobrang gulat sa narinig.

"If you're wondering kung bakit kilala kita or kung bakit kilala ko si Ken ay dahil ex-girlfriend niya ako." hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

ex-girlfriend siya ni k...ken?

"In short, ako ang first crush niya, ako ang first love niya and he promise me na siya ang magiging last ko" sa ikalawang beses ay hindi ako nakapagsalita.

Hindi ko alam na may ex palang napakaganda si Ken. Kung siya ang una, so means ikalawa ako? Bat parang hindi ko alam ito.

Tila buong estudyante na sa Eastwood ay alam, sabagay anak siya nang may ari nitong school at 1 year palang ako dito. Hindi kasi ako dito nag junior high.

Kung ikukumpara lang kami, tiyak mas angat siya. Anong laban ko na mahirap lang ako, hindi pa sing ganda. Marami naman nagsasabing maganda ako pero hindi ako kumbinsado.

"Siguro hanggang dito nalang yung role mo" sabi niya pa na ikinatigil ko sa pag-iisip.

Ano daw?

"Ha?" taka kung tanong.

"Hiwalayan muna si Ken" napatingin ako sa likod ni heven at nakita ko doon si Fam na kasama si Sheka.

So? Magkaibigan sila?

"Yeah, we're friends. Any problem with that?" nataas na kilay na tanong ni sheka. Umiling lang ako.

"Good. As what I said. Makipagbreak ka na kay Ken" ulit pang sabi ni Fam.

"Why?" lakas loob kung tanong.

Bakit ako makipaghiwalay, baliw ba siya?

"You can't see? Dumating na si Heven lastweek tapos wala man lang kayong communication ni Ken. And I think alam mo na kung bakit?" sabi ni sheka.

Bakit nila alam? Paano? Sinabi ba ni Ken?

"Dahil kung hindi mo siya hihiwalayan, kami ang gagawa ng paraan" nagulat ako sa pagkasabi ni fam nun.

"At bakit naman ako makipaghiwalay sa kanya?" matapang kung tanong.

"Because I'm back" napatingin ako kay Heven ng sabihin niya iyon na ngayon ay nakangiti na parang may pinaplano "And I'm here to get what's mine" dugtong niya pa na mas lalong ngumiti at tila kinilabutan ako sa ngiting iyon.

To be continued . . .

The Innocent RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora