Chapter 38

431 29 2
                                    


Baby

Joyce POV

"Magpahinga ka muna anak"

"Okay na ko ma, kailangan kung puntahan ang puntod ni ken. Gusto kung alamin kung totoo ang sinasabi niyo" walang pigil ang sa pagluha

"Anak, bawal kang mapagod" giit ni mama.

"Okay na ko, ma" tatayo na sana ako ng hawakan ni mama ang kamay ko.

"Buntis ka" napatakip ako sa aking bibig sa gulat ng sabihin iyon ni mama.

"Ano?"

"Two weeks kang buntis" si dad na ang nagsabi.

Kaya pala dalawang araw na nila akong hindi pinapalabas ng bahay simula nung makauwi kami galing ospital.

Naalala ko ang nangyari sa amin ni ken ng gabi iyon. Napahawak ako sa aking tiyan at napaiyak ng husto.

Ang baby ko.

"Anak please magpahinga ka muna, dadalaw tayo dun kapag nawala na ang kirot sa sugat mo" napahiga nalang ako.

"Kailangan ko munang mapag isa"

"Anak?"

"Lumabas muna kayo nay" umalis naman din sila at naiwan akong mag isa.

Nagsisimula naman akong umiyak. Hindi ko kayang lumaki ang anak ko ng walang ama.

Bakit ngayon pa?

Napahawak na naman ako sa tiyan ko. Magiging ina nako.

Lumipas ang ilang araw pero hindi ako pinayagan nila mama lumabas ng bahay.

Para daw sa aking kapakanan. Gusto kung pumunta sa puntod ni ken pero wala akong magawa.

Ayoko pati ang anak ko ay madamay dahil ito nalang ang tanging alaala sa akin ni ken.

Masakit man ang pagkawala ni ay tinanggap ko nalang iyon kahit mahirap. Wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ang lahat.

"Anak nasa sala ang mga kaibigan mo" napatayo ako agad sa aking kama at bumaba ng hagdan, inalalayan naman ako ni mama.

Nakita ko agad ang dalawa kung kaibigan sa sala at kasama din nila si rhyz.

"Kamusta ka na?" tanong ni matt ng makaupo ako.

"Okay lang, kayo ba?" tanong ko pabalik.

"Okay kami kapag okay ka" napakunot ang noo ko.

"Okay naman ako no"

"Alam kung hindi ka okay" napayuko akong sabihin iyon ni matt.

"Magiging okay ka rin" si syrinne habang hinahaplos ang balikat ko.

Nagtutubig ang mata ko pero pinigilan ko iyon, ayokong umiyak. Ayokong ma stress.

"Mag enjoy ka nalang tayo" sabi ko nalang na ikinangiti nila.

Nanood kami ng movie, sinugro nilang papanoorin namin yung comedy para hindi daw malungkot.

Nag order rin ako ng maraming pagkain, hindi kasi ako masyadong kumakain sa mga nakalipas na araw.

Ako lang masyado ang nanonood ng movie. Si matt panay cellphone parang may ka text or baka nagsocial media na naman.

Si syrinne naman. Ayun, kinukulit ni Rhyz. Napapangiti alo sa kanilang dalawa sa tuwing makikita ko si rhyz na nangungulit kay syrinne.

The Innocent RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon