Chapter 17

577 33 2
                                    


She's back

Kenchee POV

"Brazen Joyce Eastwood" dugtong ni tito na nakatingin sa entrance ng gymnasium.

Brazen Joyce? Akala ko si heven lang ang anak nila tito?

Lahat kami nakatingin sa entrance ng gym. Nakita kung may pumasok na dalawang tao na nakusuot pareho ng itim na silk fitted shirt at silk fitted pants.

Nang mapagtanto ko kung sino ang dalawa iyo ay bahagya akong nagulat.

Si Syrinne at Matt? kunot noo kung tanong sa aking isipan.

Lumakad silang dalawa sa red carpet at maya maya pa ay huminto din ang dalawa ng makarating sa gitna red carpet at pumwesto sa gilid.

Lahat ng mata ay nasa kanila.

"Is that syrinne?"

"Si matt ba yung isa?"

"Bakit sila andiyan?"

Rinig kung bulungan ng nasa paligid. Tiyak na nalilito rin kagaya ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Napatingin ulit kami sa entrance ng tumingin din ang dalawa doon.

Biglang may lumabas na usok sa may entrance kasabay nun ang pagpasok ng isang babae.

Nang mawala ang usok ay dun namin nakita ang kabuuan ng babae.

She's wearing a black dress na kumikinang. Kitang kita ang kanang paa nitong kay puti.

Nang tingnan ko ang mukha niya ay may suot itong black maskara na mata lang niya ay natatakpan at makikita ang kanyang mapupulang labi.

That lips.

"Sino siya?"

"May anak pa pala si Mr. Eastwood?"

"May kapatid pala si Heven?"

"Akala ko nag iisang anak lng si Heven?"

"Sh*t pare ang hot"

"Tiyak na maganda to pare"

"Siguro, ang sexy eh"

Bulong bulungan ng mga estudyante sa paligid at biglang nag-init ang ulo ko sa hindi malamang dahilan ng marinig ang mga lalaking nagbubulungan.

Tiningnan ko si heven sa kanyang kinaroroonan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat ganun din ang kanyang ina na nakataas pang ang kanang kilay.

Tinignan ko rin ang lahat ng tao sa loob ng gym, nakatuon lang sa babaengay suot na maskara ang atensyo ng lahat pero si tito lester ay kita ko sa mukha niya ang sobrang saya.

Binaling ko ang atensyon ko sa babaeng naka maskara. Tumindig lahat ng balahibo ko sa aking katawan ng ngumiti ito.

That's smile.

Maya maya pa ay lumakad ito at umakyat sa stage. Nilampasan niya lang si heven na parang hindi niya ito nakita.

Nang makarating sa stage ay sinalubong ito ng yakap ni Tito Lester. Tahimik parin kaming nanonood. Ang kaninang ingay ay napalitan ng sobrang tahimik.

Nang matapos ang yakapan ng dalawa ay pumwesto ang babae sa stage sa harap namin. Dahan dahan niyang tinanggal ang maskarang nakasuot sa mukha niya.

"Oh my god?"

Halos pareho ang reaksyon ng lahat ng matanggal ang kanyang maskara.

Laking gulat ko ng makita ko na ang kabuuan ng kanyang mukha at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Sumilay sa magandang labi niya ang nakakalokang ngiti. Tila mas lalong nanindig ang balahibo ko sa ngiting iyon.

Halos hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Gusto kung sapakin ang sarili ko kung nanaginip lang ba ako pero kahit kamay ko ay hindi ko magawang igalaw.

"I thought she's dead"

"Is this real?"

"Oh my ghad! Tumayo lahat ng balahibo ko"

Lahat kami hindi makapaniwala sa nakita. Ang akala naming patay ay nasa aming harapan ngayon at nakangiti sa aming lahat.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now