Chapter 08

497 38 0
                                    


Frame Up

Joyce POV

Tumayo ako at tumakbo palabas para habulin si clark pero paglabas ko palang ay sinalubong na ako ng sampal ng isang babae.

Napatigil ako sa sobrang gulat tila hindi ko maramdaman ang sakit ng sampal niya ng dahil sa aking naramdaman ngayon. Manhid.

"How dare you! Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko sa sariling pamamahay namin" sigaw niya sa mukha ko. Mommy ito ni heven, I guess.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong ibang nasabi kundi "sorry" nalang na parang inako ko lahat, na parang ako ang gumawa nun.

Tumakbo nalang ako palabas ng bahay at hindi ko inaasahan ang ginawa ng mga taong nakasaksi sa pagsampal sa akin ng mommy ni heven.

Pinagbabato nila ako ng pagkain. Pero patuloy parin ako sa pagtakbo sabay sabi ng kung ano anong masasakit na salita.

Sana hindi nalang ako pumunta.

Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa labas na pala ako ng bahay nila. sobrang labo ng paningin ko dahil sa mga luha. Gusto ko nang umalis dito.

Sana hindi nalang talaga ako pumunta, sobrang sakit ng aking naramdaman ngayon parang gusto ko nalang magpakain sa lupa.

Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil ang kaisa isa kung pinagkalatiwalaan ay tinakwil ako, ni hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag.

Bakit na ang hirap sa kanya ang magpaliwanag? Pag siya yung magpaliwanag ang bilis kung makinig, samantalang siya ay aabutin pa ng isang lingo.

Ang bilis niyang kampihan ang ex niya kahit hindi pa niya alam ang totoong ng yari.

Sobrang sakit lang na nagmahal ako ng isang lalaki na parang rebound lang ako, na parang hinihintay ang pagdating ng ex niya.

Kapag dumating na, ako yung laruan niya na kay bilis iwanan.

Nakita ko agad yung sasakyan ni Tan na sinakyan namin kanina. Tumakbo ako sa sasakyan niya para imaneho ito ng biglang may lumabas na driver.

"Maam, ihahatid ko na po ba kayo? Yun po kase yung bilin ni Sir Tan—" diko na siya pinapatapos magsalita at pumasok nalang ako. Pumasok naman din siya.

Gusto ko na talaga umalis sa lugar na 'to. Patuloy lang bumuhos ang luha ko, wala akong pakialam kung mag mukha na akong tanga sa harap ni kuya drayber.

Hindi ko na sinabi kung saan ako nakatira siguro namang alam niya baka sinabihan siya ni Tan.

Sa kalagitnaan ng byahe biglang nagsalita si manong driver na ipinagtaka ko

"Maam, sorry" sabi nung driver ng ikinagulat ko. "Sorry kung gagawin ko 'to, maam. Napag-utusan lang po talaga ako" sabi niya na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko.

"Ano bang pinagsasabi mo kuya?" takang tanong ko sabay punas ng luha ko. Biglang nawala yung luha ko at napalitan ito ng kaba dahil sa inasta ni kuya drayber.

Hanggang sa buksan niya yung pinto ng sasakyan sa bandang kiliran niya "Sorry, maam" huling sabi niya at tumalon.

"Omyghad, TULONGGG!" sigaw ko ng wala ng mag drive ng sasakyan, gusto kung ipagmaneho kaso hindi ko alam kung paano dala ng pagkagulat at kaba.

Ti-nry kung buksan ang pinto ng sasakyan sa bandang kiliran ko pero ayaw bumukas ng pagtingin ko isa harap ng sasakyan ay pabubunggo na ito sa may poste ng kuryente.

Kinabahan na ako ngsobra at hindi mapakali sa gagawin, sa sobrang taranta ko ay nalaman ko nalang na nabunggo yung sasakyang sinakyan ko.

To be continued . . .

The Innocent RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora