Chapter 23

468 29 0
                                    


Hurt

Joyce POV

Gulat naman silang napatingin sa akin.

"A..ahh Cr lang ako" mahinang sabi ko na dahil parang mababasag na ang boses ko at magsisimula ng mag init ang mata ko.

Dali dali akong pumasok sa Cr. Hindi pa ko nakapasok ay tumulo na ang luha ko. Natulala namang nakatingin ang dalawang babae ng makita ako.

Hindi ko nalang pinansin at agad pumasok sa cubicle. Tahimik na pinatulo ang mga luha ko.

Anong bang nangyayari sayo joyce.

"Si Joyce ba yun?" rinig kung tanong ng babae.

"Oo"

"Akala ko ba patay na siya?"

"Hindi ka nga pala nakapunta nung party"

"Bakit anong ganap nung party?"

Hindi ko nalang sila pinipigilan at hinayaan nalang magsalita.

"Kung nandun kalang girl, sigurado akong pati ikaw ay magugulat"

"Bakit nga?"

"Frame up lang pala lahat yung pagsaksak kay heven"

"Talaga?"

"Oo tapos yung pagsabog nung sinakyan ni joyce ay planado din lahat yun, hindi ko nga lang alam kung sino yung inilibing"

"Sinong nagplano?"

"Si heven"

"Nakakatakot naman siya. Pano na yan eh siya pa naman ang tagapagmana ng Eastwood"

"Hindi siya ang tagapagmana kundi si Joyce. Siya ang totoong anak ni Mr. Eastwood at anak sa ibang lalaki ni Mrs. Eastwood si Heven"

"Really? Ang lito naman"

"Sobra. Tyaka ito pa. Kaya pala pinakasalanan ng mama ni heven si Mr. Eastwood ay dahil sa pera"

"Grabe, napaka gold digger naman"

"Sinabi mo pa—"

Natigil lang ang kanilang pag-uusap ng may bumukas na pinto.

"At talagang dito pa kayo nagchismisan ha?" sabi ng isang babae na pamilyar ang boses.

Wala naman akong narinig mula sa mga babaeng nag uusap kanina kaya pinunasan ko ang munting luhang pumatak kanina.

"Ano magsalita kayo" sigaw ni heven kaya narinig ko ang mga paang nagtatakbuhan.

Lumabas na ako ng mawala ang mga yapak na nagtatakbuhan.

"Bat ka nagagalit?" tanong ko ng makalabas "Totoo naman ang sinabi niya ah? Tyaka sinabi niya lang sa kaibigan niya para ma aware siya sa kademonyuhan mo" sabi ko.

"How dare you" akmang sasampalin sana niya ako pero pinigilan ko siya.

"Don't you dare to slap me with your dirty hand" sabay patapon kung bitaw sa kamay niya "Hindi mo alam kung gano ko pinapahalagahan ang mukha ko" sabi ko.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now