Chapter 36

355 28 1
                                    


Traitor

Joyce POV

"Ikaw?... Ka..kasabwat ka?" nanginginig kung tanong at nginisihan niya lang ako. Hindi ako makapaniwala.

Pagkatapos niyang akong nginitian ay bumaling siya kay heven at napakunot ang noo.

"It's Tan, not Ken" irita niyang sabi.

"Oww, my bad. Namiss ko lang siya"

Yes, kasabwat si Tan.

Ang lalaking manliligaw ko ay kasabwat sa magkidnap sakin.

"Kamusta ka na joyce?" kinulabutan ako ng itanong saakin ni Tan iyon. Hindi ako nakapagsalita.

"I'm asking you" hindi ko parin siya sinagot.

"I think, she's okay na. Kaya pwede narin natin siyang saktan para makabalik na siya sa ospital. What you think?" kinabahan na namn ako sa sinabi ni heven. Napatingin sa kanya si Tan at napangiti.

"That's a good idea" manghang sabi niya.

"I know right. So, shall we start?"

"Okay then"

"Bakit mo ginawa to, Tan?" singit ko.

"Ask yourself"

"Hindi ko alam"

"Binusted mo ko" natulala ako sa pag amin niya "Lagi akong nandiyan sayo nung panahong nasaktan ka pero mahal mo parin ang lalaking nanakit sayo" naguluhan ako "Wala pang babaeng nambasted saakin, ikaw lang." napalingon naman siya sa mga lalaking kasamahan nilang lalaki "Boys kayo na bahala" sabay talikod at lumakad palayo.

"Goodluck, joyce" nakangiti pang sabi ni heven"Idikit niyo na sa kanya yung Bomba" at sumunod na siya kay Tan.

Kinabahan ako ng kunin ng isang lalaki ang bombang na sa gilid nila. Time bomb?

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko ng dahan dahan silang lumapit sa akin.
Nang makalapit ay agad itong idinikit malapit sa aking pwesto.

Tumunog ito ng maidikit hudyat na nagsisimula na ang pag ubos ng oras.
Napasilip ako sa dalawa na ngayon ay may hawak ng lubid.

Sinubukan akong paluin ng lunid nung naka bonnet pero umiwas akong nanginginig.

"Please maawa kayo, pakawalan niyo ko" pagmamakaawa ko.

"Pasensya na miss pero hindi kami marunong maawa" sabay palo sa binti ang lubid na hawak niya, napatili ako sa sakit.

Hanggang sunod sunod na nilang hinawa iyon, walang tigil, walang awa.

Tili lang ako ng tili sa sobrang hapdi ng pagkapalo, iniinda ang sakit, nanghihina na ako ng tumigil sila.

Dun ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Napapikit ako sa sobrang hapdi ng pasa sa mga katawan ko.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now