Chapter 01

867 45 4
                                    


Other girl

Joyce POV

"Wooooohhhh, party... party..." rinig kung sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Bat ba ang ingay jan, babe? nasa bar ka ba?" tanong ko kay ken.

"Yeshhh, babes come herrreee pleashhh"

"San ka ba? lasing ka na ah?" alala kong tanong.

"Hinde pako lashenggghaha"

nababaliw na tung lalaking 'to

"San ka ba? ha?" inis na tanong ko.

"Galit ka babes? hwag kang magalit babes" malambing niyang sabi.

"Nasaan ka nga?" galit na talagang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit naglalasing tong mokong na to. Wala namang sinabi na nasa bar siya at maglaklak ng alak.

"Nasha...shaa, shan nga tayo pre?" rinig kong tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa Vistal Bar tayo pre, wala na lasing nato haha" tawang sabi ng kasama niya, kung hindi ako nagkakamali ay si Rhyz iyon kaibigan ni Ken.

"Ah babes, nasha—" hindi ko na tinapos ang sabihin niya dahil narinig ko naman iyon kay rhyz kaya pinatay ko na.

Agad akong nagbihis ng simpleng damit lang. Pinaresan ko ng flat shoes para hindi ako mahirapan sa pag akay sa lasing mamaya.

Pasado alas diez na ng gabi, kaya pala di tumawag o text ang kumag dahil naglasing na pala. malilintikan ka talaga sa akin mamaya.

"Manong, sa Vistal Bar po" sabi ko ng makapasok sa loob ng taxi.

Di naman nagsalita si manong at agad pinaandar ang sasakyan. Walang namang imik si manong driver ng makarating kami sa V-bar.

"Bayad po, manong. Salamat" pagkasabi ko nun ay agad kong inabot ang bayad at hindi na inintay ang sasabihin ni manong ay nagmadali na akong bumaba.

talagang nagtitimpi nako sa lalaking yon.

Hindi man lang akong nakapagpaalam sa nanay ko ng dahil sa lalaking iyon, buti nalang tulog na si inay.

Nang makapasok ako sa V-bar ay bumungad sa akin ang ingay ng party music at ilaw na iba't ibang kulay na nakakahilo.

Hindi ito yung unang punta ko dito pero di parin ako sanay sa baho ng mga alak sa loob.

Well, hindi naman kasi ako umiinom.

Agad akong dumiretso sa table nila kung saan palagi sila naroon. Ngunit wala si ken doon. Tatlo lang sila, si Rhyz namay katabing babae at si Tan na may tinitipa sa phone niya.

Napaka womanizer talaga nitong si rhyz, buti nalang matino yung boyfriend ko at si Tan.

Nakauwi na pala si Tan? Galing kasi itong Japan nagbabakasyon. Wala man lang pasalubong.

"Nasan si ken?" tanong ko sa dalawa na halatang nagulat sa presensya ko.

"A...ahh kasi joyce—"

"Nasaan?" sigaw ko na ikinagulat nilang dalawa lalo.

"Who's that girl?" tanong nung isang babae na nakapulupot sa braso ni Rhyz. Malandi.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now