Chapter 20

620 33 2
                                    


She's change

Kenchee POV

Patuloy lang ang party na para bang walang nangyaring kaguluhan kanina. Merong nagsasayawan, nag-uusap sa gilid, nagtatawanan at meron ding ibang katulad ko na nakatulala na parang hindi pa naka get over sa nangyari kanina.

Kanina pa ako naka upo at hindi man lang nagawang tumayo. Hindi parin matanggap ng utak ko ang mga nalalaman ko kanina lang.

Gayun din sina Tan at Rhyz na kasama ko.

"Nakauwi na sila Heven, pre" baling saakin ni Rhyz kaya tumango lang ako. Hindi ko alam kung kaya kung kausapin si Rhyz ngayon sa aking nalalaman.

Alam kung wala siyang kasalanan pero kapag nakikita ko siya ay pumasok sa isip ko si Heven. Na kahit alam kung pinsan lang siya at walang siyang alam sa mga pinaggagawa ni Heven.

"Pre? Kanina mo pa ako hindi pinapansin" napatingin ako kay Rhyz "Alam kung nagagalit ka sa pinsan ko pero huwag mo naman akong idamay" lungkot niyang sabi, nakunsensya tuloy ako.

"I'm sorry pre. Hindi ko lang talaga matanggap yung mga narinig ko" pag amin ko.

"Ako din naman ah, hindi ko akalaing magagawa yun ng pinsan ko"

"Ang bait kasi niya pagtayo ang kasama" napatingin kami kay Tan ng nakisali siya sa usapan "Pinapakita niya na mabait siya dahil sayo" diretsong tingin sa akin ni Tan "Pero hindi natin alam na masama siya dahil ayaw niyang malaman mo" turo pa sakin ni Tan.

"Bakit ako?" litong tanong ko.

"Dahil gusto ka niya" tila na guilty ako na parang ako ang may gawa nun. Dahil sa akin ay nagkaganun si heven.

"Wow pare, improvement. Ang haba ng salita mo ah" birong sabi ni Rhyz.

"Tss.. Kasali kasi siya" lito akong napaharap kay Tan.

"Ha?" sabay naming tanong ni Rhyz

"Si Joyce" diretsong sabi niya.

"Bakit?" agaran kung tanong. "Anong meron kay Joyce?" na curious tuloy ako.

"Nasa kanya na lahat" walang ganang sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin na may—"

"May gusto ako sa kanya" putol niya kay Rhyz.

Nagulat ako ng diretso niyang sinabi iyon habang nakatingin sa harapan kung saan nandun sina Joyce, nag-uusap kasama ang dalawa niyang kaibigan at si Tita Lou and Tito Lester.

"Matagal ko na siyang gusto" sabi niya pa ulit at humarap sa akin "Okay naman sayo diba? Wala na naman kayo diba?" tila parang may tumusok sa aking dibdib sa aking narinig at naramdaman ko ang sakit.

"H...ha? ahh Oo" utal kung sagot.

Wala na talaga kami, Naalala ko pa nung ako mismo ako nakipaghiwalay sa kanya nung gabing nangyari ang insidente.

Sobrang tanga ko

"Balak ko sanang ligawan siya" sabi pa niya na nakatingin sa pwesto nila joyce.

The Innocent RevengeDär berättelser lever. Upptäck nu