Chapter 12

563 38 2
                                    


Match

Syrinne POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nailibing na si Joyce.

Hindi mawala sa isip ko nung araw ng libing ni Joyce nung na nakita namin yung babaeng naka all-black.

Sa tuwing iisipin ko yun bigla akong makakaramdam ng kaba, nagbabakasakaling siya yun. Lagi kung iniisip na yung babaeng nakita namin ay si Joyce.

Kasi yung likod niya ay joyce na joyce talaga. Ang pinagtataka ko lang.

Kung si Joyce nga yun, eh sino yung nilibing? Tyaka kita naman namin na sa kanya talaga yung mga gamit na nasa box.

Hindi ko alam pero may kutob ako, parang may mali. Parang buhay pa si Joyce.

Sumasakit yung ulo ko sa tuwing iisipin ko yun. Pareho kami ng kutob ni matt, nagbabasakaling si Joyce yun.

Pagkapasok ko palang sa Eastwood ay  bulong-bulungan agad yung narinig ko.
Hindi parin mawala sa isip nila ang mga nangyari simula nung Welcome Party ni heven.

Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na sa loob ng aking silid. Wala pang guro ng makarating ako kaya dumiretso nalang ako sa aking upuan kung saan nandun si matt.

Napatingin ako bigla sa upuan ni joyce. Sobrang miss ko na siya. Halos isang linggo akong di pumasok, hindi ko parin tanggap ang pagkawala ni joyce.

"Are you okay?" tanong ni matt ng makaupo ako. Ngumiti lang ako sa kanya bilang ganti.

I'm not okay. Hindi ako kagaya ni matt na napakamasiyahin, alam kung kagaya ko ay di rin niya matanggap ang nangyari.

Pero masiyado siya magaling magtago ng emosyon. Hindi kagaya ko na sobrang dinibdib ang nangyari. Tulala lang ako hanggang sa dumating ang aming guro.

"Goodmorning Class" bati ni miss nang makapasok kaya bumati din kami pabalik "Alam kung nakakalungkot dahil nawalan kayo ng isang kaklase pero sana maka focus kayo sa study niyo" sabi ni Miss na kota sa mukha niya ang kalungkutan.

"Tss, buti nga sa kanya yun" biglang komento ng isang kaklase naming babae na agad nakuha ng atensyon ko. Sisigawan ko na sana siya ng naunahan ako ni matt,

"Anong sabi mo?" sabay tayong sabi niya napalitan agad ng takot yung mukha niya ng makitang galit si matt sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan siya ng ganyan. Bakit? hindi ka ba niya tinulungan noong oras na nahihirapan ka sa ibang leksyon?" sigaw ni matt nung hindi siya nakapagsalita, agad naman siyang yumuko dala ng kahihiyan.

"Ang paplastik ninyo" sigaw ulit ni matt. Galit na galit na talaga siya.

"Mr. Capistrano, sitdown!" pigil ni Miss at agad na umupo si matt.

"It's okay" sabi ko kay matt sabay hawak sa kamay niya kaya napatingin siya sakin.

"No, it's not" pigil sigaw niyang sabi. Ngumiti nalang ako para hindi na uminit pa ang ulo.

Natahimik ulit ang klase at nagsimulang ng magdiscuss si miss pero wala sa kanya ang atensyon ko dahil hindi parin ako mapanatag pagkatapos ng nangyari.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now