Chapter 26

414 26 0
                                    


Rematch

Joyce POV

Tanghali na ng magising ako. Absent tuloy ako sa morning class ko. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kung nagising.

Ito ang kauna unahan na ang tagal kong nagising. Ang naalala ko lang kagabi ay sumakit ang ulo ko.

Si daddy daw ang nagdala saakin sito sa kwarto ko sabi ni mama.

Biglang tumunog ang tiya ko sentalwa na walang laman, naligo nalang muna ako dahil papasok ako ngayon.

Pagkatapos ay bumaba na ako at nagsimulang kumain sa kusina. Wala sila papa sa bahay dahil may nilakad. Si mama naman ay nasa likod hindi ko alam kung anong ginagawa

Pagkatapos kung kumain ay naisipan kung pumunta na sa school. Nagpahatid ulit ako sa aking driver.

Nang makarating ay dumiretso na agad ako papasok sa loob ng Easwood.

Habang palakad ako sa corridor papunta sa classroom ay dumilim agad ang paningin ko ng makita ko ang grupo ni Heven na may binubully na naman.

"Tignan mo yung damit ko, alam mo ba na mahal to ha?" sigaw ni heven dun sa babae.

Lumapit ako sa kanila at nanonood kung paano magdrama ang isang demonyo.

"Sorry po" paumanhin ng babae.

Sinilip ko ang damit ni heven na natapunan ng kunti ng Juice. Ang arte parang kunti lang.

"What's going on here?" patay malisya kong tanong.

"Hindi ko po kasi—

"Shut up!" pigil ni heven sa babae at tumingin saakin "Tinapunan niya po kasi ng Juice yung damit ko po" sabi niya na diinian ang salitang po sa isang mataray na paraan. Biatch.

"Hindi mo ba alam na ang mahal nitong damit na 'to?" baling niya sa babae.

"Sorry po talaga"

"Matatanggal ba ng Sorr—"

"Magkano ba yan?" putol ko kay heven. Masyadong maingay eh, ang talinis ng boses.

"Tss.. Para ano? pabida ka na naman" sabi niya.

"Ang ingay mo kasi eh.. pera lang naman ng daddy ko ang gamit mo pambili ng damit na yan" sabi ko at hindi sya nakapagsalita.

"Ha? Ang kapal—"

"Saan na ba yung pera kung binigay sayo?" putol ko.

"Ano?"

"Mukhang hindi ka nakabili ng salamin eh.. hanggang ngayon di mi parin ang alam na mas makapal yang mukha mo" mataray kong sabi.

"Anong sabi mo" galit niya sabi at akmang lalapit na saakin.

"Opss... nasa teriyoryo kita" banta ko kaya natigil siya.

"Bakit ka kasi nangingialam" pasigaw niya sabi.

"Paaralan ko to at wala kang karapatang mangbully dito" taas kilay kong sabi.

"Naging mayaman kalang akala mo kung sino ka na"

"Dami mong satsat, magkano ba yan ng mabayaran ko at maitikom mo na yang bunganga mo" sabi ko sabay kuha ko sa aking wallet.

"Here" abot ko sa kanya "Isang libo lang, masyado kasing cheap ang damit mo" kukunin na niya sana ang pera pero tinapon ko sa mukha niya na ikinagulat niya.

"Opss... Sorry ang bagal mo kasi nangangalay na yung maganda kong kamay." sabi ko sabay ngiti pinulot naman niya.

Tss... mukha talagang pera.

"Ikaw" baling ko sa babaeng may dalawang mango juice "Bakit ka ba nagdala ng ganyan, bawal magdala ng pagkain o inumin sa room" sabi ko.

"Inutos po kasi ako ni Miss Manalinding" that biatch.

"Give me that" inabot namn niya saakin ang basong may kaunting laman pa ng mango juice

Nagulat si heven ng binuhos ko sa kanya ang damit na iyon.

"Inubos ko na kasi may natira pa, sayang" sabi ko at gulat parin siya... magsasalita na sana siya pero inunahan ko na "Huwag ka ng mag inarte binayaran na nga kita diba" ngiti kung sabi at ibinalik ang baso sa babae "Kumuha ka ulit ng panibagong juice at ibigay mo sa akin" utos ko at umalis naman siya.

"Alam mo ikaw—"

"Umalis ka na ang baho mo na" putol ko at sumunod dun sa babae. Naiwan naman siya nakatunganga.

Naghintay lang ako sa labas ng canteen hanggang sa dumating siya ay kinuha ko na ang bitbit niyang bagong mango juice.

"Anong room siya ngayon?" tanong ko.

"Sa C34 po" sagot niya kaya pumunta nako sa C building at nag elevator papuntang 3rd floor.

Nang makarating ako sa tapat ng C34 ay napahinto si Miss ng makita ako.

"Here's your order Miss" nakangiti kong inabot sa kanya ang juice at gulat na tinanggap naman niya iyon.

"B..bakit ikaw ang nagdala nito?" tanong niya

"Magpasalamat ka nalang, umakyat pako dito para mahatid yan"

"S..salamat"

"Tyaka, para sabihin din sayo na bawal magdala ng galing sa canteen dito sa room" sabi ko.

"Nauuhaw kasi ako" sabay inom niya sabi.

"So? Ang rules pa ang mag adjust?" sabi ko at dun ko lang nalaman na nasa amin pala ang tingin ng mga GAS Students.

At nakita ko si heven na kakapasok palang at nakapalit na ng damit. Dito pala room niya. Lumabas nalang ako.

Pagdating ko sa tapat ng elevator ay nasa 8th floor pa. Kaya naisipan ko nalang maghagdan nalang papuntang 5th floor kung saan naroon ang classroom ko.

Nasa 4th floor palang ako sa hagdan papuntang 5th floor ay nahilo na naman ako at nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.

Hindi ko namalayang napaupo nalang ako at naramdaman ko nalang na may humawak sa akin. Narinig kong nagsalita ito pero hindi ko na marinig dahil tuluyan ng umitim ang aking paligid.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now