Chapter 18

588 38 0
                                    


The Revelation

Kenchee POV

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Ang daming tanong na pumasok sa utak ko na gustong masagot agad.

Tinignan ko si heven. Sa mukha niya palang ay kitang kita na hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Si joyce ba talaga yan? Gusto kung matuwa dahil buhay siya pero hindi ko magawa dala ng sobrang gulat.

Nang matahimik ang lahat. Kinuha ni joyce ang microphone na hawak ni Tito Lester at nagsimulang magsalita.

"Hello my dear sister" sabi ni joyce na nakatingin kay heven kaya nagsimula na namang magbulong bulungan.

"Nagulat ba kita, sister?" tanong niya pa pero si heven ay parang na estatwa at hindi maka galaw sa kinatatayuan.

"Halata nga sa mukha mong nagulat kita" nakangiti niya pang sabi "By the way, happy birthday my dearest sister sayang nga lang eh. Birthday mo pero saakin napunta ang regalo mo" sabay tawa niyang sabi.

Kinilabutan bigla ako sa tawa ni Joyce. Nag iba na siya. Pati kasuotan niya at mas lalo siyang... gumanda.

"Huwag ka masyadong magulat, save it. Marami pang mas nakakagulat na regalo ko" sabi niya at lumakad papunta kay heven.

"Pumili ka kung saan yung uunahin natin?" pagkasabi nun ni joyce ay may biglang lumabas sa LED kaya napatingin kaming lahat doon.

Dalawang litrato ang nandun. Isang kutsilyo na may pulang ribbon at isang sasakyan na may pula ring ribbon.

"Pumili ka sa dalawa, sister" ulit ni joyce pero hindi nagsalita si heven.

"PUMILI KA?" sigaw ni joyce sa mismong mukha ni heven pero hindi parin nagsalita si heven.

Nagbago na talaga siya.

"Ayaw mo talagang pumili?" inis ng tanong ni joyce. "Ayaw mo talaga?" tanong niya pa ulit pero wala siyang natanggap na sagot.

Napatingin si joyce sa kamay ni heven kaya napatingin din ako dun. Kita ko kung paano manginig ang kamay ni heven.

"Oh? bat nangingig ka? Gusto mo tumawag ako ng doctor? Parang maya maya mamatay ka na eh." sabi pa niya sabay hawak sa baba ng mukha ni heven "Huwag ka munang mamatay, hindi mo pa nga nakita yung regalo ako eh" gulat namang tumingin si heven kay joyce.

"Hindi ko pa nga napakita yung regalo ko, kinakabahan ka na. Masyado kang excited sister" sabi niya pa na palakad lakad sa stage.

"Okay! Dahil mabait ako. Ako nalang ang pipili. hmm" sabi niya na parang nag-iisip.

"What if unahin natin yung una mong ginawa mo, what do you think?" nakangiting sabi niya kay heven na parang okay sila kung mag-usap. Tulala parin si heven.

"Silent means yes" natatawang sabi niya. "Open the first picture, please" utos ni joyce at biglang bumukas ang larawang kutsilyo na may ribbon at nag play ang isang video na kuha sa CCTV.

Tutok ako sa panonood. If I'm not mistaken. Kitchen nila heven ito.

"Please s–stop" nanghihinang sabi ni heven na kaming nasa harap lang ang makakarinig pero hindi ito pinansin ni joyce at patuloy lang ang lahat na nanonod.

Maya maya pa ay lumabas sa video sina heven at joyce na parang nag-uusap habang may ginagawa.

Si joyce ay parang may inasikaso habang si heven naman ay nag s–slice ng mango.

Pero mas nagulat ako ng biglang hinawakan ni heven ang kamay ni joyce at ipinahawak ng kutsilyo at diretsong sinaksak ang sarili. Kasabay nun ang paglabas ko sa video.

Tila nanlambot ang tuhod ko sa aking nasaksihan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Patuloy lang nag play ang video hanggang sa dumating ito nung oras na tinulak ko si joyce.

I'm sorry. Gusto kong sabihin yun pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Sana hinayaan ko siyang magpaliwanag.

"Ang ganda ng scene diba?" sabi ni joyce ng matapos ang video. "So, sino ang kriminal na sinasabi niyo?" napayuko ako ng itanong iyon ni joyce.

"Hindi ko nga alam eh, kung bakit galit na galit kayo sa akin nun kahit hindi niyo pa alam ang buong nangyari. Alam niyo ba kung paano niyo ko pinahiya? Alam niyo ba kung paano niyo ko tinapunan ng mga pagkain?" sigaw niya sa lahat ng nandidito, kita kung napayuko sila.

"Hinding hindi ko malilimutan lahat ng nangyari nung gabing iyon." napaangay ako ng tingin sa kanya "Simula nung pinagtabuyan ako" sabay galit na tingin sa akin "Hanggang sa binabato ako ng pagkain" galit na sabi ni joyce habang nakatingin sa lahat ng tao sa loob.

"Alam niyo ba kung sino ang kriminal dito?" tanong niya. "Kayong lahat" sigaw niya kaya nagulat ako "Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit muntik na akong mamatay" parang naiiyak ng sabi ni joyce. "At ang babaeng ito" turo niya kay heven "Ang mastermind niyo" sigaw niya.

"Nang dahil sa inyo muntikan na akong mamatay, sa pagbabato ninyo sa akin. Nung pinagmukha niyo kung kriminal. Takbo ako ng takbo nun para makaalis at hindi marinig ang sinasabi niyo kaya kayo ang dahilan kung bakit napadpad ako sa sasakyang iyon" diretsong sabi niya "Kayo ang kriminal" sigaw pa niya at wala ni isa ang sumunok magsalita. Tila tahimik ang lahat sa loob na parang walang tao.

"Isa lang ang nagplano ng lahat ng ito" sabi niya sabay harap kay heven "Ang babaeng nasa harapan niyo" nagbubulong bulungan na namn lahat ng tao.

"P–please joyce s–stop this" nagmamakaawang sabi ni heven.

"What? Stop?" tanong ni joyce sabay tawa "Anong tingin mo saakin, tanga? Excuse me lang ha? Let me tell you that I'm Brazen Joyce Eastwood and no one can stop me. Not you biatch" sabi niya sabay tingin sa mga estudyante at bumalik kay heven. "Hindi mo ko pwedeng utusan sapagkat isang akong tunay na Eastwood, samantalang ikaw?" hinto niya sabay tingin kay heven mulanulo hanggang "Anak ng nanay mo sa ibang lalaki" mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"Ano daw?"

"Anak sa ano?"

"Sa ibang lalaki?"

Nagsimula na naman magbulonh bulungan ang mga estudyante pati ako sobrang naguguluhan na. Ang dami kung nalalaman ngayon.

"But before that panoorin muna natin to" sabi niya kaya biglang nag play ang panibagong video sa LED kung saan nandun si sheka, famela at heven na nag-uusap:

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now