The Innocent Revenge

1.1K 52 18
                                    


Prologue

"ANONG gagawin natin dito?"

"Gagawa tayo ng mango graham"

Kanina pa ako nagtataka eh! Birthday Party niya ngayon pero nandito kami naglalakad patungo sa kitchen nila dahil gagawa kuno daw kami ng graham?

Kulang pa ba yung mga handa niya sa labas?

Medyo nakita niya ang pagtataka saking mukha kaya nagsalita siya.

"Look, Joyce! If you're wondering kung bakit ginagawa natin to it's because of your boyfriend, Ken?" paliwanag niya pa ng makarating kami sa kusina.

Yeah, I remember. Favorite dessert 'to ni Ken, my boyfriend. Pero ang pinagtataka ko,

Bakit kailangan niyang gawan si Ken?

"Wait? Did my boyfriend ask you to make a graham?" taka kung tanong

Well, lagyan talaga natin ng boyfriend kasi ang babaeng kasama at kausap ko ngayon ay walang iba kundi si Heven.

Ang ex-girlfriend ng boyfriend ko!

"N...no" alinlangan niyang sagot habang inihanda ang mga mangga.

Then why? Tss, bahala na nga

Kukunin ko na sana yung isang mangga para ako na mags-slice pero agad niya itong kinuha.

"Ako na nito, mahilig kase ako mag slice ng mango" alinlangang tumango ako ng marahan.

Hindi ko alam kung anong nakain nito at biglang bumait.

Kanina lang kasi kami nagkakilala nung nabunggo ko siya tapos sobrang maldita.

May pasabi pa ng "Alam kung maganda ako kaya huwag muna akong titigan"

Maganda naman talaga siya. Kulang pa ang salitang perfect para sa kanya kaso medyo may pagkamasungit.

"So, ilang buwan na kayo ni Ken?" pagbasag ni heven sa katahimikan.

"Almost eight months" I said.

Last year lang naging kami ni Ken nung September 24.

"Hmm, medyo matagal tagal na ahh" manghang sabi niya while holding the knife.

"Yeah, kayo ba ilang buwan naging kayo noo?" tanong ko naman. Curious lang.

"Not months but years" sabi niya na ikinagulat ko. Napahinto kao sa ginawa ko.

"3 years and a half" gulat akong napatingin sa kanya.

Ganun ka tagal? Pero bakit sila naghiwalay.

"Ang tagal, right?" sabi niya kaya napatango ako.

Habang in-open ko yung mga graham biscuit ay diko maiwasang mapatingin sa ginagawa niya.

Nagce-cellphone?

Mas marami pa siyang time na naconsume sa pagce-cellphone kesa sa pag slice ng mango.

Nakatingin parin ako sa kanya habang siya ay nakapindot parin sa phone at hindi ako napansin.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now