Chapter 32

375 27 2
                                    


Retrogade

Kenchee POV

Nagising ako kinabukasan na nakatulog sa tabi ni joyce. Nakita ko siyang nagising na.

"Goodmorning" biglang bati niya sabay ngiti kaya binati ko rin siya pabalik. "Napanaginipan kita kagabi" napatitig ako sa sinabi niya. "Na kinasal daw tayo, tapos may anak daw tayong babae" masaya niyang sabi. Parang may humaplos sa puso at napangiti.

"Huwag kang ngumiti, panaginip lang yon" sabi niya pero di mawala ang ngiti sa labi ko.

Namiss ko ang ganitong joyce. Ganitong ganito siya nung kami pa yung wala pa kami problema.

"Kumain ka na?" tanong ko.

"Kanina pa, alas otso na kaya" sabi niya laya napatingin ako sa orasan. Tagal kong nagising.

"Alas sais palang nagising naku, kanina pa kita minamasdan habang natutulog" napakagad ako sa labi ko para pigilan ang ngiti "Ang gwapo mo pala kahit tulog" hindi ko na napigilan kaya napangiti na ako ng tuluyan.

"Joyce? gising ka na?" biglang sigaw ni matt ng makapasok sa loob kasunod si syrinne.

Napatingin naman sa akin si joyce na parang nagtatanong. Napaiwas siya ng tingin saakin ng yakapin siya ng dalawa.

"Thank god at okay ka na" syrinne said.

"Sino... sino kayo?" nanlaki ang mata ng dalawa sa tanong ni joyce.

"Hindi... hindi mo kami kilala?" tanong ni matt at tumingin saakin. Umiling lang si joyce at sinabing hindi.

"Huwag mo nga kaming lokohin babae ka, pasalamat ka at nakahiga kapa jan baka nabatukan na kita" loko pa ni matt.

"Hindi ko talaga kayo kilala"

"Totoo?" tanong ni syrinne saakin at tumango lang ako.

Kaya napatakip silang dalawa ng kanilang bibig.

"Oh my ghad, bakit?"

"May amnesia sya, hindi niya tayo naaalala" sabi ko.

"Omyghad, posible pa bang mabalik ang memory niya?"

"Hindi ko alam, Ite-test pa siya mamaya" pero sana talaga hindi na bumalik ang alaala niya dahil ayokong bumalik ang galit niya.

"Kaibigan mo kami" sabi ni matt.

"Anong pangalan niyo?" tanong ni joyce.

"Ako si matt"

"Ako naman si syrinne"

"Bakit ba nangyayari pa to sayo?" alalang tanong ni matt sabay lapag sa mga dala nilang prutas.

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Fortunato kasunod sila tita.

"Goodmorning joyce. Kailangan ka na namin ipa-test" bungad ni doc at tumango lang si joyce

Lumaba muna kaming lahat ay naghintay sa labas habang sinimulan na ang pag eexamine kay joyce.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now