Chapter 16

579 38 0
                                    


Birthday Party

Kenchee POV

Pagkatapos ng tatlong linggo nung pagkamatay ni Joyce. Nagsisi ako kung bakit hinayaan ko siya at hindi ko maitanggi sa sarili ko na namimiss ko ang dati kung kasintahan.

Isa din sa dahilan kung bakit hindi ko kayang makipagbalikan kay heven dahil kay Joyce. Siya parin ang laman ng puso ko.

Laging sinasabi ng kaibigan ko na bakit hindi ko buksan ang puso ko na magmahal muli? o bakit hindi ko nalang daw ligawan si heven.

Hindi ko alam pero kahit wala na si Joyce ay nandito parin ito sa puso ko. Na kahit wala na siya ay nagbabasakali akong hindi pa patay si Joyce.

Palagi akong pumupunta sa puntod niya at laging humihingi ng tawad. Pinagsisihan ko ng sobra kung bakit pinagsalitaan ko siya ng ganun.

Sana hindi ko nalang siya iniwan, sana nakinig nalang ako sa explanation niya. Sobrang nagsisi talaga ako parang hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa kagagohang ginawa ko.

Kung saan ka man ngayon Joyce sana mapatawad mo ako kahit alam kung malabo mangyari yun.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos. Today is the Birthday Party of heven kasabay nadin doon ang pag anunsyo na siya na ang magiging tagapangalaga ng Eastwood.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunod ito, may tumawag. Sinagot ko na agad ng hindi tinitignan kung sino ang caller, alam ko naman kung sino ang tatawag saakin.

Wala namang ibang tatawag sa akin palagi kundi siya nalang.

"Hello heven?" sagot ko.

"Are you ready, babe?" tanong niya sa kabilang linya.

Sanay na akong tawagin niyang babe. Para ko siyang girlfriend pero hindi, hinayaan ko nalang siyang tawagan akong babe. Nasanay naman din ako.

"Of course, this is your night kaya sobrang ready na ako" sabi ko pa na nakangiti.

"Yiee, so paalis ka na?"

"Yeah, ikaw ba?"

"Not yet, nagpaganda pa ko ng todo" napatawa nalang ako.

"No need na, maganda ka na kahit walang effort"

Yeah it's true, maganda naman si heven. Maganda ang katawan, alagang - alaga. Pero hindi ko maiwasang maikumpara sila ni Joyce, Iba yung ganda ni Joyce. Pinay beauty siya at napaka dalagang pilipina.

"Bolore" rinig kong sabi kiya sa kabilang linya.

"No, I'm telling the truth" ngiti kong sabi. "By the way, gusto mo ako na susundo sayo?"

"Huwag na, may driver naman ako tyaka para hindi ka na mahirapan"

"If you say so, okay. mag ingat ka nalang"

"I will, you too. See you"

"See you" sabi ko tyaka binaba na.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now