Chapter 30

420 30 1
                                    


Three words

Kenchee POV

Pagkaalis ng doctor ay bahagyanf nanghina ang aking katawan matapos niyang sabihing dadaan sa operasyon si Joyce.

Hindi ko matanggap ang sinapit niya, napakuyom ako saaking palad ng maisip ko si heven. Nag init ang ulo ko at gusto kong saktan siya sa ginawa niya.

"Nasaan ang anak ko?" biglang sigaw ni tita ng makapasok sa hospital kasunod si tito.

Napatayo agad si syrinne at matt upang salubungin sila.

"Tita, nasa loob po si joyce kakacheck lang. Kakausapin po daw kayo ng doctor" hindi na nagsalita si tita at dumiretso sa pintong tinuro ni syrinne para silipin si joyce.

"Saan ang doctor na sinasabi mo?" tanong ni tito.

"Dito po, sir" sabi ni matt at nauna ng maglakad. Sumunod naman si Tito ganun din si tita.

Naiwan kaming nakaupo sa hallway, naghihintay sa usap nila.

"Kinakabahan ako para kay joyce" biglang salita ni syrinne kaya napatingin kami sa kanya.

"Huwag kang mag alala, matapang si joyce" pagpapalakas sa kanya ni rhyz habang hinahaplos ang balikat. Napatingin naman si syrinne ng masama sa kanya.

"May kahinaan din si joyce, bakit kasi nangyayari pa sa kanya to" lungkot niyang sabi. Gusto ko ng umalis at hanapin si heven.

"Saan ba kayo kanina nung nag away sila? Bakit di niyo kasama si joyce?" takang tanong ni Tan at napayuko naman si syrinne.

"Kasalanan namin to" biglang sabi niya.

"Ha?" hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

"Kung hindi sana namin iniwasan si joyce, edi sana hindi mangyayare to sa kanya" papaiyak ng sabi ni syrinne.

"Bakit?" tanong ko.

"Nagtampo kami sa kanya, iba na kasi siya kesa sa dati" naguilty ako sa sinabi niya na parang kasalanan ko kung bakit siya nagbago.

Simula nung iniwan ko siya ay nagbago na ang pakikitungo niya sa paligid niya. Sobrang nag-iba na siya.

"Huwag mo munang isipin yan, kailangan nating ipagdasal si syrinne na magiging maayos ang kalagayan niya" pagtahan sa kanya ni rhyz.

"Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala na naman siya ulit at mapupuno na naman ng galit at paghihigante ang puso niya"

"Shh... kumalma ka nga"

"Paano ako kakalma kung ang kaibigan ko ay nakahiga pa?" galit na sabi niya kay rhyz at tumingin saakin na nakasalubong ang kilay "Ngayon palang itago muna ang babae mo baka makapatay ako kapag nakita ko ang pagmumuka niya" gusto kung magprotesta na hindi ko siya babae ngunit hindi ko nagawa dahil alam kung may kasalanan ako.

Pasado alas dos na ng hapon ng bumalik sila tito't tita kasunod si matt.
Nakita rin namin ang mga nurse nagmamadaling pumasok sa kwarto saaming harapan kung saan naroon si joyce.

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now