"Kamusta ang tulog mo?" tanong niya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Binalot na naman ako ng kahihiyan.

"May masakit ba sayo" tanong niya ng nagsimula ng umandar ang sasakyan, napairap ako. Obviously, masakit talaga.

"Anong gusto mong gawin natin" gulat akong napatingin sa kanya "Oh, my bad" sabi niya na makitang gulat ako "I mean, what do you want to do first? Watching movie? Playing?—"

"Kumain muna tayo, nagugutom nako" putol ko.

"Okay babe"

"Bakit ang sweet mo ngayon?"

"Bakit bawal ba?"

"Hindi ako sanay" sabi ko at nag play ng music.

"Favorite ko yan" tukoy niya sa kantang Someone you loved ni Lewis Capildi.

"Hindi porket may nangyari sa tin ang tayo na" natigil ako ng mapagtanto ang sinabi ko. Napatingin nalang ako sa aking gilid at patagong tinampal ang aking bibig. Pahamak.

"Kaya nga may date tayo eh" napatingin ako sa kanya "Sabi mo kagabi gusto mo ko and I'm still inlove with you kaya may date tayo" ngiting sabi niya kaya uminit ang mukha ko."I'm going to court you. I will be your suitor" kumabog ng mabilis ang aking dibdib sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa pumasok kami sa mall. Nauna akong maglakad, nahihiya ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.

"Hey? babe, wait for me" sigaw niya kaya yung ibang tao ay napalingon samin. Nakaramdam ako ng hiya.

Bat ba bigla siyang nagkaganun? Kagabi galit siya tapos ngayon ang sweet niya. Ganun ba talaga kapag may nangyari. Ang clingy?

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang siya kung umasta.

"What do you want to eat?" tanong niya ng makaupo kami sa loob ng Jollibee.

Nag crave ako kasi ako parang gusto kung kainin lahat.

"Kung anong pagkain mo yun ang akin. Tyaka sundaes please ahh pwede dalawa? Chocolate flavor hehe" pacute kong sabi.

"Alright. Stay here, babe, I'll be right back" sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.

Gusto ko siyang paluin pero tumawa lang siya habang papunta ng counter. Ano bang nakain nun? Bat ang clingy masyado?

Masyadong mataas ang pila kaya hindi pa nakabalik si Ken. Nagpalinga linga ang tingin ko hanggang sa masulypan ko ang isang lalaking naka cap at all black ang damit.

Nakatingin siya sakin pero agad umiwas ng tingnan ko siya.

"Nandito na" napabaling ang tingin ko kay ken na nakangiting inilapag ang tray "Kain na tayo" kinuha ko ang dalawa kong sundaes at binigay niya naman saakin ang isang plato na may kanin at manok.

Susubo na sana ako ng napadaan sa gilid namin yung lalaking nakatingin saakin.

Napasulyap ako kay Ken pero kumakain lang siya kaya binalingan ko ulit yung lalaki.

Ganun nalang ang gulat ko ng nakatingin ito sa akin ng nakakatakot bago lumabas.

Parang nawalan ako ng ganang kumain dahil nakaramdam bigla akong ng takot.

Pero hindi ko pinahalata kay ken kaya naubos ko rin ang aking pagkain. Maya maya ay nagyaya siyang manood kami ng sine.

Pinanood namin yung movie ni Aldin Richard at Kathryn Bernardo na Hello, Love Goodbye.

Sobrang ganda ng movie, may chemistry talaga sila. Tapos ang galing pa nilang umakteng.

"Arcade tayo?" tanong ni Ken ng makalabas kami sa sinehan.

"Sige" patakbo kaming pumasok sa loob ng arcade. Pumunta muna siya sa cashier para bumili ng Arcade coin.

Hindi ko mawari pero parang may nagmamasid sa akin. Kaya lumilinga linga ako.

Ganun nalang ang gulat ko ng makita ang lalaking nakita ko kanina sa Jollibee na nakatingin sa akin.

"Let's play" napatalon ako sa biglang sulpot ni ken. "Are you okay?" alala niyang tanong. Napatingin ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina pero wala na siya.

"Ye...yeah" sagot ko ng mapatingin pabalik sa kanya.

"Okay, laro na tayo" kaya nagsimula na kaming maglaro.

Marami kaming nilaro like racing, baril barilan at iba pa. Last spot namin yung sa basketball.

"Bilisan mo malapit muna maabutan yung high score" sigaw ko. Ako yung taga cheer niya dahil hindi ko alam kung paano larunin iyon.

Nang matapos ang time ay pagod siyang napaupo sa sahig. Lumabas naman ang maraming ticket galing sa machine.

Dumiretso agad kami sa ticket booth para bilhin yung nagustuhan kung teddy bear.

"Yung pink po please" turo ni ken sa teddy na pink. Binigay naman ito saamin. Lumabas na kami ng arcade.

"Nag enjoy ka ba?" tanong niya.

"Sobra"

"Let's go? Umuwi na tayo?" tumango nalang ako at dumiretso na kami sa parking lot. Nang makarating kami sa parking lot ay biglang tumunog ang phone niya.

Napakunoy ang noo niya habang nakatingin sa caller.

"Sagutin ko lang to" sabi niya at lumakad palayo sa akin.

Tiningnan ko lang siya na kausap yung nasa phone habang nakatalikod saakin. May ilang metro ang kalayuan saakin.

Ganun ba ka private yung kausap niya kaya ayaw niyang marinig ko?

Maya maya ay natapos ang tawag niya at inilagay sa bulsa niya ang phone. Kasabay ng paglingon niya ay bigla ko itong sinagot.

"Hello?" sagot ko ng hindi tinitignan ang caller

"Joyce?" si syrinne pala.

"Baket?" tanong ko habang nakatingin kay ken. Nakatayo parin siya run at nakangiti sa akin.

"Papunta kami—" hindi ko na narinig ang sinabi ni syrinne dahil nabitawan ko ang aking cellphone.

Nanlaki ang mata ko ng may tumakip sa bibig ko. Agad akong nanghina ng maamoy ko ang nakakahilong pantakip sa ilong ko.

Umikot ang paningin ko dahilan para mapapikit ako. Hanggang sa umitim ang paningin ko at mawalan ng malay.

To be continued . . .

The Innocent Revengeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें