Halos mag iisang oras na ng lumabas si doc agad sinalubong sila ni tita.

"Nagkaroon siya ng Vertigo, lagi siyang nahihilo kapag napapagod or maraming iniisip. Siguro nauntog na ang ulo ng anak niyo ng hindi pa nangyari ang insidente" lahat nakinig sa sinabi ni doc "Mukhang matagal na ito at hindi naagapan kaya ngayon she's experiencing retrograde amnesia" diretsong sabi ni doc at walang sumingit sa sinabi niya. "Nakalimutan niya lahat ang kanyang alaala simula pagkabata hanggang dun sa aksidenteng nangyari." sabi ni doc.

"Pero mababalik pa naman yung alaala niya diba?" tanong ni tita.

"Of course, pero kung maaari huwag niyong sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit siya naaksidente at huwag niyo ring ipilit na paalahanin siya dahil isa yun sa posibleng dahilan na hindi mababalik ang kanyang memorya" sabi ni doc.

"Okay doc, salamat" namhihinang sabi ni tita.

"Pwede narin siya makalabas mamayang hapon, maiwan ko muna kayo" tumango lang si tita at pumasok na sa loob ng kwarto ni joyce.

Sumunod din kami. Naabutan naming nakahiga si joyce kaya napaupo siya ng makita kaming papasok.

"Are you okay?" tanong ni tito at tumango lang si joyce.

Nakatayo lang ako sa bandang pinto pinapanood silang masayang nag-uusap.

Napapangiti ako kapag tumatawa si joyce dahil sa kwento ni matt. Medyo na sanay na si joyce sa presensiya ng dalawang kaibigan.

Sobrang saya niyang tingnan na para bang walang siyang problema.

Naiwan kaming tatlo sa loob para bantayan si joyce dahil may pupuntahan lang daw muna sila tito.

Umupo ako sa kabila sa gilid ng kama ni joyce. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya habang nakikinig kay matt.

Maya maya pa ay napagdesisyonan ng umalis ang dalawa dahil may pasok pa sila. Hindi ako pumasok, ayokong pumasok.

"Ikaw? bantayan mo to kundi malalagot ka sakin" bilin ni matt at napatango nalang ako.

"Mauna na kami, joyce. Pagaling ka ha?" tumango lang si joyce sa sinabi ni syrinne

Tuluyan na silang lumabas ni syrinne at naiwan kaming tahimik ni joyce.

"Bakit hindi ka pumasok?" basag niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.

"Babantayan kita" sabi ko.

"Hindi ka pa nga naligo" bigla tuloy akong nahiya pero inamoy ko ito sa harapan niya.

"Hindi naman mabaho ahh"

"Kahit na, maligo ka parin" pilit niya

"Dati nga kahit hindi ako naliligo gusto parin yung amoy ko" natigilan siya kaya napangiti ako.

"Hindi ko naman sinabing di ko gusto ang sakin lang maligo—"

"So gusto mo?" nakangiti kong biro.

"Anong?... wala akong sinabi uy" sabay iwas niyang tingin kaya mas lalong napangiti ako.

"Pero parang ganun yun eh"

"Ewan ko sayo... huwag ka na ngang maligo"

"Sige, sabi mo eh" ngiti paring sabi ko.

Napahinto ako sa pangungulit niya ng bumukas ang pinto at pumasok si Tan.

"Tan?" gulat kong sabi.

"Andito ka na pala?" tanong niya at tumango ako

"Si Rhyz?"

"Nasa school nag cut lang ako" bumaling naman siya kay joyce "Hi joyce, for you" sabay abot niya sa dala niyang bulaklak, nagdadalawang isip pa itong kunin ni joyce pero tinanggap niya ito "Kamusta ka na?" hindi sumagot si joyce kaya hinarap ko si Tan.

"Wala siyang maalala" gulat namang napabaling saakin si Tan.

"Ano?"

"Retrograde Amnesia"

"So hindi niya tayo naalala?"umiling lang ako. "Hindi mo ko naaalala?" baling niya kay joyce.

"Hindi"

"Ako si Tan, Ystan Ley" pakilala niya sabay abot ng kamay pero hindi iyon tinanggap ni joyce kaya napahiyang ibinaba ito ni Tan "Manliligaw mo ko" nagulat si joyce ng sabihin ito ni tan kaya napatingin saakin si joyce na nagtataka. Tumango lang ako sa kanya.

"May manliligaw pala ako?" di makapaniwala niyang tanong.

"Oo at ako yun" sabi niya kaya napatayo ako at akmang lalabas na para bigyan sila ng oras mag usap pero hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa labas, mag usap muna kayo" sabi ko .

"Dito ka lang" kumalabog bigla ang dibdib ko. "Sabi mo babantayan mo ko, baka mabatukan ka ni matt pag di mo ko binantayan" ngusong sabi niya kaya hindi ko napigilang ngumiti.

"Nandiyan naman si Tan, babantayan ka niya"

"Pero ikaw ang gusto ko" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Please" pacute pa niya

"Sige, dito lang ako sa sofa" pumayag naman siya kaya hinayaan ako.

Nagkwentuhan lang sila habang ako ay nalatingin sa kanila, panay ang sulyao ni jouce saakim at di ko pamigilang makaramdam ng saya. Sana hindi na ito magbago.

Masayang sila nagkwentuhan, naging magaan ang pakilitungo niya kay Tan dahilan para makafocus ang tingin niya kay Tan.

Hindi na niya nagawa sulyapan ako kahit ilang beses, panay ang tawa niya. Kita ko sa mata niya na masaya siyang nakipagkwentuhan.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos. Napaupo ako ng tuwid ng mag tanong si Tan.

"Pwede mo na ba akong sagutin? Sabik na akong maging girlfriend ka eh" napangiti si joyce sa sinabi ni tan dahilan ng pagtayo ko.

Napatingin sila sa akin pero agad akong lumabas dahil ayokong marinig ang sagot ni joyce. Hindi ko kaya, hindi ko kayang makita siyang masaya sa iba.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now