Chapter Forty Four

23 0 0
                                    

KAZUMI

Napapikit ako nang itininulak nila sa Cleo.

Ang mga bisita ay nataranta rin pero wala rin silang magagawa. May nakatutok kasing baril sa aming lahat.

"Kazumi!" sigaw ni Cleo kaya napadilat ako.

Nakita 'kong buhat ni Alistair si Cleo. Napangiti ako, they're just in time. I knew they won't fail me.

Tumingin ako kay Heaven at kitang kita ko ang galit sa mukha niya.

Agad niyang tinutok ang baril niya sa gawi nina Alistair.

Agad binaba ni Alistair si Cleo at kinuha rin ang baril niya at tinutokan din si Heaven.

Heaven shouted in anger. She was very furious.

"Tutukan siya!" turo niya kay Alistair kaya ngayon lahat ng baril ay nakatutok kay Alistair.

Kinakabahan ako para sa pinsan ko, but I know he knows what to do.

Lumapit si Heaven kay Ali.

Agad akong tumingin kayna Jazz at Angel at tumango, nakatingin din sila sa akin at tumugon sa tango ko.

Siniko ko ang dalawang lalaking nakahawak sa akin kaya napasigaw sila sa sakit at lumuhod.

Tumingin naman sa gawi ko si Heaven at bigla niyang pinaputok ang baril niya papunta sa akin. Agad akong dumapa para hindi ako matamaan.

Dahil sa ingay namin, ang mga baril na nakatutok kay Ali ay ngayon nakatutok na sa akin.

"Don't shoot, or else I'll shoot her," turo ni Alistair kay Heaven.

Kitang-kita ko ang pag-iba ng aura ni Alistair. Ganyang-ganyan ang aura ko kung galit na ako.

Sinipa ko pa ulit ang dalawang lalaki bago tumakbo palapit kay Heaven at agad na hinablot ang kanyang baril.

Hindi siya nakaiwas sa akin kaya agad 'kong hinawakan ang braso niya at inikot 'yon. Agad ko siyang idinapa sa sahig.

Napasigaw naman siya sa sakit.

Ang buong katawan niya ay nakaharap sa sahig, habang hawak ko ang isa niyang kamay sa likod. Umupo ako sa likod niya.

Lalapitan na sana ako ng mga kasamahan ni Heaven.

"Don't go near us," tinutokan ko si Heaven ng baril. "Or else."

Agad naman silang napatigil sa paglapit sa akin.

"Why did you do this, Heaven? Ano'ng kasalanan ko sa'yo?"

I heard her sobbing. "I want to end you, para matuon naman ang atensyon ng nanay ko sa akin. We barely see each other. Parating ikaw ang bukambibig niya tuwing uuwi siya. Kung mawawala ka, ako na ang makikita ni nanay. Hindi namin kailangan ng pera niyo para mabuhay! May ibang lugar kung saan pwede mamasukan! Hindi kailangan sa inyo!"

I was confused with what she is saying. Don't tell me anak din siya ni Mommy?

Charot!

I mean, it's possible right?

"What are you trying to say?"

Hindi niya ako sinagot, nagtaka naman ako dahil tumahimik siya bigla.

Tumingin ako kay Cleo na nakatingin lang sa akin, sinusubukan niyang tanggalin ang taling nasa kamay niya.

Nakatingin lang si Cleo sa akin ng biglang sumigaw siya. "KAZUMI!"

Nagtaka naman ako pero agad ko ring nalaman kung bakit siya sumigaw.

"Fuck!" I winced in pain. Sinaksak ako sa binti ni Heaven. Tinulak niya ako at kinuha ang baril na hawak ko at tinutok na naman 'yon sa akin.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now