Chapter Thirty Three

12 0 0
                                    

KAZUMI

Nagising ako nang mag e-eight na.

Dali-dali akong pumasok sa cr at agad na naligo.

Pagkalabas ko, nagulat ako dahil ando'n pa rin si Miss Em. Hindi rin siya naka bihis.

Wait? Ano'ng nangyayari rito? Ang alam ko ay may activities pa kami ngayon dahil ito ang last day?

Hindi naman bilang 'yong araw at gabi nang una naming pagdating dito dahil wala naman kaming ginawa.

"Kazumi, nagmamadali ka ata?" tanong ni Miss na naging dahilan kung bakit nabalik ako sa realidad.

"Today is the last day for activities, right?" I asked. Nanlaki naman ang mata niya. Sabi na nga ba!

Napuyat kami kagabi dahil sa pagstar gazing sa labas at hindi na namalayan ang oras. Pati si Miss Em ay napuyat din kaya hindi siya maaga nagising.

Nagmadali siyang pumasok sa cr at narinig ko na lang ang pagbukas ng gripo at tubig kaya alam kong naliligo na siya.

Napagdesisyonan ko namang bumaba.

Halos lahat ay nasa sala na. Nakita ko rin ang mga kapatid at kaibigan ko roon kaya nilapitan ko sila at tumabi ng upo.

"Oh, himala't nalate ka, Kazumi?" tanong ni Elle sa akin at tinignan ang likod ko na para bang may hinahanap siya.

"Sinong hinahanap mo?"

Napa-iling siya at tinignan ako ulit na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya.

"Wala pa rin si Miss?" tanong niya ulit. Umiling naman ako.

Hindi umiimik sina Gia dahil inaantok pa ang mga ito.

Hindi nagtagal, dumating na rin si Miss.

Basang-basa pa ang buhok niya.

Napangiti naman siya ng makita niya kami.

"Sorry class at pinag hintay ko kayo. Hindi ko nasabi na kahapon ang last day and night ng activities. Sorry at nagising pa kayo ng maaga. Kung hindi pa kayo nakapag-almusal ay kumain na kayo."

Nagulat kami dahil sa sinabi niya. Akala ko ba three days and two nights ang activities for retreat? Eh bakit two days and one night lang?

Magtatanong na sana ako ng may nauna nang mag tanong ng gusto kong tanungin.

"Ay, no'ng dumating tayo, kasama na 'yon sa mga activities niyo. Doon ko binase ang mga grouping dahil minonitor ko muna kung sino ang palaging magkasama at close, gano'n."

Kaya pala. Hindi na kami nagtanong pa dahil na rin ata sa gutom. Dumeretso kami sa dinning room at kumain na. Pagkatapos ay pumunta kaming lahat sa kwarto nina Elle.

"Matulog muna tayo ng saglit, inaantok pa ako eh," sabi ni Gia ng nakapikit na ang mga mata. Agad siyang nahiga sa kama at mukhang nakatulog na agad.

Sumang-ayon naman sila at humiga na.

Pinag-sabay namin ang dalawang kama para lahat kami ay magkasya. Malaki-laki rin naman kasi ang kama kaya nagkasya kami.

Pero parang ang tanga rin 'noh? May sariling kwarto naman kami, hindi kailangan makipagsiksikan pero andito kami, tinitiis ang kasikipan ng slight.

Hindi na ako nakaangal pa sa ginawa nila at humiga na lang sa tabi ni Angel dahil do'n na lang ang may space. Hindi nag tagal ay nakatulog din naman ako agad.

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Alam ko kung kaninong boses yan eh, kay Gia!

Tumatawa sila habang nakaupo sa sahig.

Tulog pa si Angel at Cleo.

Nag-usap usap pa kami ng saglit ang ng magising na ang lahat, nag-aya naman silang mag swimming.

Bumalik ako sa kwarto ko at nakita roon si Em na sumusukat ng bikini.

"It suits you," I commented and when she heard me, agad niyang kinuha ang panakip niya at namula. Halatang nahihiya siya.

Naka yellow siya na bikini na mas lalong nagpapahighlight sa morena niyang balat.

"K-kazumi, andyan ka pala. H-hindi ko naman 'to magagamit sa labas," nahihiyang sabi niya.

"You should. You look very beautiful." Mas namula siya sa sinabi ko at ngumiti na lang.

Hinayaan ko na lang siya at kumuha rin ng bikini. Black naman ngayon.

Kumuha lang ako ng blazer panakip at nag slippers at lumabas na.

Naabutan ko sila nasa buhangin na naglalaro.

"Kazumi! Tara!" tawag sa akin ni Cleo habang tinuturo ang hindi kalayuan na shop.

May rental ng jet ski. Pumunta kami ni Cleo do'n at kami lang dalawa. Apparently, ayaw ng iba.

Tag four hundred pesos per hour ang rental. Isang oras lang ang hiningi ko. Sabi ko mamaya na ako magbabayad dahil nasa kwarto ko 'yong wallet ko at pumayag naman sila. Pero sabi ni Cleo libre niya na daw kaya ayon, pumayag na rin ako. Hindi ako sure kung nagbayad ba talaga siya dahil kanila naman ata lahat ng 'to.

Pagkatapos namin mag inquire, bumalik muna ako kung nasaan si Anne at Angel dahil nag babasa si Anne ng libro habang nag-c-cellphone naman si Angel. Iniwan ko sa kanila ang blazer ko at inaya silang maligo dahil naka bikini rin sila pero umayaw lang sila. Hindi ko na sila pinilit at nag jet ski na.

Tawa lang kami ng tawa ni Cleo at naiinis siya sa akin dahil tuwing dadaan ako sa kanya ay natatalsikan siya ng tubig kaya ngayon ay basang basa na siya.

Tumawa ako at hinawakan ang tyan ko. Tinuro ko siya gamit ang isa kong kamay. "Mukha kang basang sisiw!" Dahil sa tawa, naiyak ako kaya nang pinunasan ko ang mata ko, bigla na lang binangga ni Cleo ang jet ski niya sa jet ski ko kaya napasigaw ako ng malakas kasabay ng paghulog ko sa tubig.

Buti na lang at marunong akong lumangoy, kaso may naramdaman akong may humawak sa bewang ko kaya napasigaw ako at nagsimulang magwala kaya nabitawan naman ako.

Pagtalikod ko para tignan kung sino 'yon, nainis naman ako agad sa pagmumukha niya.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now