Chapter Seven

114 2 2
                                    

Kazumi

First day of school na at kasabay ko sila ate na nag lalakad sa hallway.

Okay na kaming tatlo. Okay na okay na. Tanggap ko na ring hindi na maibabalik ang buhay ni ate pero hindi dapat ako makulong sa past, I need to move forward.

If you're asking me what happened with me and Lucas? Well, hindi ko pa rin matanggap na mag pinsan kami. Ayaw kong maniwala dahil hindi ko naman alam na may kapatid pala si Mommy.

Bakit niya kasi inilihim, diba?

Meron yun nung summer—

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa mga bulong-bulungan.

"Diba anak sila sa labas? Bakit mukhang okay lang kay Kazumi?"

"Uy friend ano ka ba! Syempre, sa tingin ko umaarte lang yan sila."

"Shh! Ang ingay mo."

"Rinig ko rin na sila ang pumatay kay Kazami. Haynako, nakakatakot at nakaka-awa."

"That's it." Bulong ko sa sarili ko at napatigil sa paglalakad at hinarap ang dalawang babaeng walang tigil ang bunganga.

"K-Kazami." Takot na sabi niyang dalawa.

"Stop talking nonsense about my sisters! You don't have the rights to judge me too. Hindi ako nakikipag plastikan sa mga kapatid ko because I genuinely love them. Tsaka wala akong pake kung half sisters lang kami dahil magkapatid pa rin kami. So now, tell me, bakit mukhang mas big deal pa yun sa inyo keysa sa akin?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Yumuko naman sila. "S-Sorry."

"Walang magagawa yang sorry nyo. Next time na may marinig pa akong bagay na ayaw ko, I'll make sure that you'll experience hell."

Hinawakan ako sa balikat ni Ella. "Kazumi, that's enough." Mahinahon niyang sabi.

"Pero ate! They're talking nonsense. Walang silbi and they're spreading rumors that aren't true!"

"It's okay. Hindi naman big deal sa amin yung pag sabihan ng gano'n ng iba. Basta't alam namin mahal mo kami, okay na kami doon!" Nakangiting sabi ni Elle.

Tumango naman ako at ngumiti. "Hmm, tara!" And we left those silly girls there.

"Ate, wag kayong maniniwala sa mga sinasabi ng mga tao, ah? I love you both and I forgive you already. Alam ko namang napatawad na rin kayo ni Kazami and I'm pretty sure na mas nauna pa siya sa akin."

Napaiwas sila ng tingin. "Kung hindi lang sana kami nabulag sa galit, edi sana magkakasama pa tayong apat ngayon." Malungkot na sabi ni Ella.

"Ano ba kayo! Cheer up! Pag nakita tayong malungkot ni Ate, magagalit 'yon. Tsaka, I forgive you na man na. May pagkukulang din kami sa inyo kaya let's just forget the past and start a new." Nakangiting sabi ko. Nagulat naman ako dahil bigla nila akong niyakap.

"U-Uy! Pinagtitinginan na tayo!" Natatawang sabi ko dahilan para mas lalo nilang higpitan ang yakap nila sa akin.

"Yieee! Nahihiya ang bunso namin! Napakasweet mo kasi!" Natatawa ring sabi ni Elle.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now