Chapter Four

133 8 6
                                    

Kazumi

Nagising ako dahil sa katok na nanggagaling sa pinto.

"Mm..." sabi ko pa habang nakapikit pa rin.

I still want to sleep.

*tok tok tok*

"Wahhh! Pumasok ka na lang bukas yan!" Malakas na sigaw ko at tinakpan ng blanket ang boung katawan ko, kasali na rin ang mukha ko!

Inuyog uyog niya ako! Takte!

"Hindi mo ba nakikita't natutulog pa ako?!" Inis na sabi ko habang umupo. Pagkadilat ko ay agad namang nanlaki ako mata ko.

"Cleo! Gia!" Masayang bati ko sa kanila!

"Kazumi!!" Sabay na sabi nila at agad akong dinambahan at niyakap.

"Ahh! Ang bigat niyo! Alis nga dyan." Natatawang sabi ko.

"Hahaha! Sorry naman. Naexcite lang kaming makita ka ulit!" Hyper na sabi ni Gia.

"Pansin ko nga! Hahaha." Natigilan naman ako. Ang aga-aga. Ba't andito na sila? Tsaka bihis na bihis sila ah. Mukhang fresh na fresh. "Ba't pala kayo napadalaw?" Takang tanong ko kaya nag tinginan naman sila. Uhm, so what's with the look?

Tumaas naman ang kilay ko sa ginawa nila.

"Don't tell me..." makahulugang ani Cleo.

"What?" Curious ko pa ring tanong.

"Ngayon ang ano..." naiilang na sabi ni Gia, nag-iwas pa ng tingin ah! Ano naman kaya 'yon?

"Anong ano?" Takang tanong ko.

"Kazami's funeral." mahinang bulong ni Cleo.

Now I know. Kung bakit ilang sila sa kung ano'ng meron. I should've known! Tsaka kaya pala pareho silang naka black.

Nakablack dress si Gia at si Cleo naman ay naka ripped jeans tapos blouse na black.

Ba't naging slow ako agad?

I tried to smile but I know I failed. "It's okay... I'll uhm." Natigilan ako at lumunok. Pinipigilan kong humikbi at feeling ko ay barado ay lalamunan ko. "I'll just change... Hintayin niyo lang ako dito ah?" At walang sali-salita akong pumasok sa cr.

May robe naman na ako don kaya 'di ko na kailangang mamroblema.

Nakikita ko ang efforts na ginagawa nila para malibang ako. Hindi naman ako manhid, alam kong pinakikiramdam pa rin nila ako.

Haysss, I've made my decision, iiwasan ko na muna sila. I know it's a stupid move pero sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari sa kanila!

Alam kong na trauma sila sa nangyari kaya ilalayo ko muna sila sa akin.

I need time to think. I need time for myself. Kailangan ko ng oras para matanggap ko ang lahat ng nangyari. Kung magagalit sila sa akin ay okay lang, hindi ko naman sila mapipigilan eh.

Baka kasi, pag patuloy silang andyan para sa akin, baka sa kanila ko mapag buntungan ang galit ko. At baka isisi nila ang lahat ng nangyari kay Ate sa kambal, when in fact, it was all my fault. Kung alam ko lang talagang kapatid ko sila, sana ay hindi na nangyari 'to.

Hindi naman ganoon kalalim ang galit ko sa dalawa para maging masaya ako dahil may ibang taong galit sa kanila bukod sa akin. Tama na 'yong ako lang ang galit at wala nang iba.

Alam kong ayaw ni Ate 'yon pero hindi ko mapigilan eh.

Agad akong natapos sa pag ligo at agad na dumeretso sa walk-in-closet ko at nag bihis.

Nag suot ako ng fitted black dress at nag converse lang ako.

Lumabas ako at sinalubong naman nila ako ng napakatamis na ngiti at binigyan ko naman sila ng masyadong halatang pilit na ngiti.

Mamaya ko na lang siguro gagawin 'yong pinaplano ko. Ayaw kong masira ang moment eh. Mukha pa namang masaya sila at ayaw kong maging dahil para hindi sila maging masaya. Masyado na akong nagpapakaimportante.

"Tara na?" Yaya ko sa kanila at tinignan ang oras.

11:09 A. M. na.

Ng nasa baba na kami ay tinignan ko ang lugar kung saan ko huling nakita ang kabaong ni Ate, wala na nga ito.

"Andoon na sila." Sabi ni Cleo ng mapansin niya atang nakatingin ako doon sa lugar na 'yon.

Tinignan ko naman siya at tumango.

"Kita na lang tayo doon!" Nakangiting sabi ni Gia at sumakay na sa kotse niya.

Nagkatinginan muna kami ni Cleo bago ako pumasok sa kotse namin.

"Kuya, sa Bright Haven po." Sabi ko sa driver namin.

"Yes ma'am." At nag simula na siyang mag drive. Hindi nag tagal ay dumating na rin kami doon.

Napabuntong hininga naman ako bago lumabas.

"Thanks." At sinara ko na ang pinto.

Dumeretso na ako sa tent at nakita ko ang mga taong bakas ang awa sa mukha ng makita ako.

Tss, I don't need them to pity me!

"Staring is rude." Sabi ko sa mga nakatingin—bahala na kung sino'ng matamaan, kaya agad silang napa-iwas ng tingin.

Sinalubong naman ako ni Mommy at agad akong niyakap.

"It's good to see you here." Malumanay na sagot niya.

"Yeah, wouldn't miss a chance to be here." At nilagpasan ko siya at pumunta sa kabaong ni Ate.

Napangiti ako ng malungkot.

"Ate..."

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now