Chapter Thirty Nine

15 0 0
                                    

KAZUMI

"Lucas," lumapit ako sa kanya ng bitawan ako ni Angel sa pagyakap. Nasa tabi niya pala si Kyle na ngayon ko lang napansin.

Hindi ako sure kung masaya ba siya, malungkot o galit. Hindi ko rin alam kung bakit ako lumapit sa kanya at parang biglang may nag urge sa akin sa loob loob ko na mag explain sa kanya.

Imbes na salubungin ako, tinalikuran niya naman ako. Halatang nagulat din si Kyle sa kinilos ni Lucas pero ayon, sinundan niya pa rin ito.

Tinignan ko naman ang parents ko pati ang mga kapatid at kaibigan ko.

My mom gestured me to go. So nilapitan ko siya and I hugged her. Binigay ko kay Kuya ang luggage ko para siya na ang bahala ro'n. Halatang naguluhan din siya no'ng una pero may binulong sa kanya si Anne kaya parang nakuha niya na rin kung ano'ng gusto 'kong ipahiwatig sa kanya, na siya na ang bahala sa mga gamit ko.

Agad akong tumakbo sa kung saan naglakad palayo si Lucas, buti't matangkad siya at nakita ko sila agad ni Kyle.

"Lucas, wait!" napatigil naman sila ni Kyle, pero hindi niya pa rin ako nilingon ng makalapit ako. Si Kyle lang.

"I'll go ahead, bro," sabi ni Lucas at iniwan na kaming dalawa ni Lucas.

Hindi siya pinansin ni Lucas at nagsimula ulit mag lakad.

Sinundan ko naman siya, I didn't talk to him anymore bacause I can feel like he doesn't want to talk to me.

Pero teka nga, ba't ko ba siya hinahabol? Mag jowa ba kami? He's not even my boyfriend and I thought he was the one courting me not the other way around!

Tumigil lang siya sa paglalakad ng dumating kami sa harap ng kulay puting kotse. Bago na naman?

Pumasok na siya sa driver seat. Hindi ko alam kung pwede ba akonng pumasok dahil baka magalit siya, kaya tumayo lang ako do'n sa side.

Bumaba naman siya ulit at inikot ang kotse niya. Binuksan ang passenger seat.

"Get in," he said softly.

Pumasok naman ako agad at nagsuot ng seat beat. Pumasok na rin siya at nag simula na ring mag drive.

I don't know where we're going or where he's taking me. Ba't nga ba ako sumakay? Hindi ko rin alam.

"You look beautiful," sabi niya sa gitna ng katahimikan. Bigla ko naman naramdaman na pumula ang pisngi ko, kaya tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang mukha ko.

Ba't kasi ako nagpagupit pa ako, wala tuloy akong magamit pangtakip ng mukha. Pero kung hindi ba ako nagpagupit, sasabihan niya kaya ako na maganda ako?

Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na tinignan ang labas kahit wala naman talaga akong napapansin dahil iniisip lang ang sinabi niya. Hindi rin naman siya nag salita ulit.

Nakaidlip ako ng hindi namamalayan kaya naman no'ng pag gising ko, nakapark na kami sa hindi ko alam kung saan.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin, nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya, agad din naman siyang umiwas.

"Gising ka na pala," sabi niya at inalis ang seatbelt niya.

Umayos naman ako ng upo at inayos muna ang sarili ko.

"I fell asleep. Kanina pa ba tayo andito? Why didn't you wake me up?" Tumingin ako sa labas at nanlaki ang mga mata ko.

Nasa sea side kami ngayon!

"Okay lang, ang himbing ng tulog mo eh," natatawa niyang sabi.

Kinapa ko naman kung may tuyong laway ako, buti at wala naman. Pinagloloko ata ako ni Lucas.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now