Chapter Thirty

20 0 0
                                    

KAZUMI

Wala namang masyadong sinabi sa amin si Miss Em nang lshat na kami ay nasa baba. Sinabi niya lang ay kumain na raw kami ng lunch sabay sabay at mamaya niya na sasabihin ang schedule namin.

Ngayon ay kumakain na kami. Ang daming pagkain na nakahain. Iba't iba cuisine rin ang meron. Italian, France, may Japanese cuisine rin at naiintindihan ko 'yon dahil Japanese naman ang tatay ni Cleo which is also the owner of our school and this rest house.

Marami-rami rin ang kinain ko. Gutom ako eh! Hindi ako nakapag breakfast, remember? 'Tsaka, ang sarap ng pagkain, sino'ng hindi matatakam?

Napansin ko rin kanina habang kumakain ako ay tingin ng tingin sa akin si Lucas, nauna siyang tumingin ha. At first I felt like someone was staring at me and I got uncomfortable so hinanap ko kung sino ang tumitingin sa akin at nahuli kong si Lucas na tumitingin.

Hinayaan ko na lang siya dahil malayo-layo rin naman ang seats namin. Nasa isang mahabang table kaming lahat and surprisingly, we all fit there. May extra chairs pa nga eh.

Tapos na halos lahat kumain at hinihintay na lang namin si Miss. We wouldn't want to leave the table without her leaving first because that's disrespectful.

When Miss Em stood up, akmang tatayo na rin ang iba naming mga kaklase but Miss immediately shut them up.

"Please stay where you are because I still have things to say."

We all settled down and listened to what Miss has to say.

"You'll have this free time all afternoon. Dinner will start at seven so be sure to be here. Just don't do what I told you a while ago. I know some of you has a jetlag and I hope you'll be wise as to how you want to spend your free time. Of course you can go outside and do whatever you like. Just be careful at kung magpapagabi man kayo, 'wag na 'wag kayong pupuntang mag-isa sa kung saan dahil pag may mangyari sa inyo, malalagot ako at ang school," she said without having a breather. Fighter eh, ang hilig magsalita ng dere-deretso hanggang sa wala nang hininga.

Halos lahat ng mga classmates ko ay na-excite, kahit ang mga kaibigan ko.

Dumeretso kami sa kwarto nila Elle dahil 'yon ang napagkasunduan.

"Anong plano niyo? Lalabas ba tayo o ano?" tanong ni Gia pagkarating naming lahat sa kwarto.

Tumingin sa kanya si Cleo tapos pinasadahan kaming lahat ng tingin. "What do you guys think?"

"Boring if mag stay tayo all afternoon dito lang at walang ginagawa," sabi na man ni Jazz kaya tumango ako. Wala kasing tv dito sa kwarto kaya walang masyadong magawa. Tapos useless din ang phones namin dahil wala namang signal dito ang internet.

"Why don't we rest for a bit tapos mag picnic tayo sa may beach?" suggest ni Elle at pumayag naman kami.

Nagpahinga muna kami and by two o'clock, napag disesyon naman namin na bumaba na.

"I'll change my clothes first," I said and they all agreed and said they would change too.

Sabi nila ay magkita nalang daw kami sa porch in ten minutes.

Bumalik ako sa kwarto namin pero hindi ko nakita si Emily do'n. So I locked the door and closed the curtains at kumuha ng damit pamalit. I decided to use a white flowy dress na off shoulders. Nag slippers na lang din ako.

Bumaba na ako at lumabas. Sina Gia at Cleo palang ang nandoon.

Naka dress din sila na may floral na patterns.

"Wow, ang ganda mo, Kazumi!" pagpupuri na man sa akin ni Gia nang makita ako. Nakita ko namang napairap si Cleo sa sinabi ni Gia kaya natawa ako.

"Thank you, kayo rin namin." I smiled at parang kinilig pa si Gia pero agad din kaming napatingin kay Cleo dahil may binubulong ito.

"May sinasabi ka, Cleo?" tanong sa kanya ni Gia.

"Nothing! Pinupuri mo si Kazumi tapos ako, hindi! Ang sama mo, Georgia!" parang batang nagmamaktol si Cleo kaya natawa naman ako.

"You're also beautiful, Cleo," I told her kaya namula naman siya.

"Shut up, Kazumi! Edi ikaw na maganda!" sabi niya sabay flip hair kaya natawa na lang kami ni Gia.

Hindi nag tagal, dumating na rin sina Angel at Jazz na naka dress din. May hat pa si Jazz habang si Angel naman ay nakashades.

"Ang tagal naman ng mga kapatid mo, Kazumi," inip na sabi ni Cleo.

Sasagot na sana ako nang dumating na ang kambal. Nagulat kami dahil ang dami nilang karga! Kaya siguro natagalan sila.

"Sorry! Humingi pa kami ng foods sa chef para sa picnic natin na andito sa loob ng basket," sabi ni Elle habang tinuturo ang picnic basket na dala niya.

Nakadress din silang dalawa habang may bandana sa ulo nila.

May dala-dala naman si Anne na ice chest at picnic mat. Agad ko silang tinulungan at gano'n din si Angel.

"Ako na, Anne," sabi ko at kinuha sa kanya ang dala niyang mat bago pa siya maka hindi.

Tinulungan din ni Angel si Elle sa pag buhat ng ice chest at si Cleo naman ay tinulungan si Anne sa pagbubuhat ng ice chest.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang dalampasigan.

May mga classmates din kami sa may malapit sa amin. Ang iba ay naglalaro ng beach volleyball.

Ngayon ko lang din napansin na marami palang cottage at may bar pa sa hindi kalayuan! May mga shops din at parang mga food stalls.

Nilapag namin ang mat sa hindi masyadong matao. Sa harap namin ayon, naglalaro sina Akira at mga friends niya ng beach volleyball.

Inayos na namin ang pagkain at umupo na.

"Hayst, sana ganito na lang ang buhay palagi!" sabi ni Gia habang tinatanggal ang slippers niya at nilaro ang paa sa buhangin.

Pag kasi galing sa rest house, buhangin na agad ang sasalubong sayo after mong malakaran ng konti ang labas.

Sumang-ayon naman sa kanya si Elle. "Kaya nga eh, ang relaxing."

Kumain lang kami ng ininvite kami nina Akira mag volleyball. Pumayag naman kami.

Umalis ang ibang friends ni Akira kaya si Mae at Pat lang ang naiwan, 'yong kasama dati palagi ni Cleo tuwing inaaway ako.

Nagseparate kami kaya kasama ko sa team sina Elle, Anne, Mae at Gia. Sa kabila naman ay sina Jazz, Cleo, Akira, Pat, at Angel.

Nagsimula na kaming maglaro at tawang-tawa naman kami kay Gia dahil natatapilok siya ng walang dahilan! Ang cute.

Dahil nahihirapan ako sa off shoulder kong dress, nag excuse muna ako at pumunta sa lugar namin kanina kung saan kami nag picnic dahil andoon pa rin ang mga gamit namin.

Tinanggal ko ang dress ko at nakarinig ako ng mga sipol. Naka bikini ako sa loob kaya okay lang! Naka white strapless bikini ako tapos sa baba normal na swimwear lang naman na white.

"Sexy mo, Kazumi!" natatawang sabi ni Gia at nag simulang maghubad! Naka bikini rin siya! Color pink pa ang cute talaga.

Dahil sa ginawa nila Gia, naghubad na rin sina Cleo na nakabikini rin!

Nagulat pa ako dahil naka one piece si Anne pero may butas sa likod. Tsaka rin si Angel! Akala ko ba ayaw nila ng ganyan, bakit parang ang ready nila?

Nakita kami ng ibang classmates namin na lalaki kaya napalapit sila sa amin at nag cheer habang naglalaro kami.

Napatingin ako sa harap ko nang umikot ang players kaya si Akira na ang nasa harap ko. Nagandahan naman ako sa kanya. Nakalugay ang black niyang buhok tapos may bangs din siya na bagay lang sa mukha niya. Naka red bikini siya kaya mas lalong gumanda ang kutis niyang puti.

Natapos kaming maglaro ng dumilim na.

Nag dinner na rin kami at nag pahinga na.

Pagkabukas, nagulat ako sa nangyayari at hindi man lang maprocess sa utak ko.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now