Chapter Forty Three

18 0 0
                                    

KAZUMI

Nagpapanic na ang mga tao dahil nga nawalan ng ilaw.

Hahakbang na sana ako ng may biglang tumakip sa bunganga ko at humila sa akin.

Sumisigaw ako pero hindi 'yon maintindihan.

Sinubukan 'kong magpumiglas ng ang higpit ng hawak sa akin eh. Tingin ko dalawang tao 'to.

Hindi ko alam kung saan ako hinihila dahil madilim, wala akong makita.

Nagulat ako nang biglang bumalik ang ilaw. Nag adjust pa ang mata ko sa ilaw at nang makakita na ako ng maayos, nagulat ako sa nakita ko.

Lahat ng guest ay nakatali at nakatape ang bibig. Nandito ako sa harap kaya kitang kita ako ng lahat, nakikita ko rin sila.

Nakita ko sina Lucas at ang mga kaibigan ko, bakas sa mga mukha nila ang pag-alala.

Tumingin din ako kena mom, dad at kuya, gano'n din sila.

Ano'ng meron? Bakit ganyan sila makatingin sa akin?

Eto na ba 'yon? Ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina?

Tumingin ako sa tabi ko, at do'n ko nakita ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang tingin ng mga tao sa akin.

Tumingin ako sa babae. Naka glasses siya tapos naka brain ang buhok niya.

May hawak hawak siya na baril na nakatutok sa ulo ko.

Hawak naman ako ng dalawang lalake, kasama niya ata 'to.

Pinagmasdan ko ang babae. Siya na 'yon! 'Yong babaeng binisita ako habang nasa hospital ako!

'Yong babaeng nasa picture. 'Yong babaeng nasa labas ng bahay namin no'ng gabing 'yon.

Parang may kamukha siya, hindi ko lang masabi kung sino ba.

Napangisi siya nang makita niyang tinitigigan ko siya.

"Ano, Kazumi, ano'ng magagawa mo ngayon?" bumulong siya sa akin.

Ngayon ko lang napansin na naka gown pala siya.

Isa sa mga guest?

Umalis siya sa tabi ko at kumuha ng mic do'n sa tabi.

"Listen, people! Gusto 'kong makita niyong lahat, kung ano'ng gagawin ko kay Kazumi. Gusto 'kong mawala siya sa mundong 'to! Gusto 'kong makita ng lahat ng taong malapit sa kanya ang pagkawala niya!"

Tumawa siya na parang baliw.

Natawa ako sa kanya. She's very confident she could kill me, really, in front of these people?

Kung wala lang silang mga baril, kanina pa ako nanlaban. Hindi ako takot mabaril, ayaw ko lang na mapahamak ang mga bisita at sila ang paputukan.

Narinig ko ang pagtutol ni mom, pero hindi ko siya maintindihan dahil nakatape nga ang bibig niya.

"What do you want?" tanong ko nang tinanggal na no'ng lalake ang kamay niya sa bibig ko. Ang pangit ha, ibang amoy ng kamay niya.

"I want you to die!" sigaw niya sa mic kaya sumakit ang tenga ko.

"Then?" bored 'kong tanong, mukhang mas lalo naman siyang nainis.

"Ayaw mo no'n? Sige, pamilya mo na lang ang papatayin ko para walang wala ka na!" sigaw niya ulit na ikinabigla ko.

Kinabahan naman ako, mukhang hindi naman siya nagbibiro.

Patayin niya na ako, 'wag lang ang pamilya ko! Hindi ko makakayanan 'yon. I'd rather die than lose them.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now