Chapter Thirty Four

17 0 0
                                    

KAZUMI

"What the hell, Kyle? Are you trying to kill me from a heart attack?" I shouted when I faced him.

Nakita ko si Cleo na papunta sa amin pero nang makita niya si Kyle ay hinayaan niya na kami at pina-andar ulit ang jet ski niya.

Tinignan ko ulit si Kyle na ngayon ay tawa pa rin ng tawa kaya tinalsikan ko siya ng tubig.

Tumigil siya sa pag tawa at naging seryoso.

"No joke, I thought you were drowning kaya I rushed here. 'Di ko naisip marunong ka palang lumangoy." Napaiwas siya ng tingin sa akin.

Napahiya naman ako. His intentions were sincere, but why don't I feel good? Dahil hindi si Lucas ang pumunta sa akin kung hindi ay ang bestfriend niya? Ang babaw ko naman!

Hindi ko na siya pinansin at sinubukang tumaas sa jet ski ko kaso ayon, fail! Nahulog ako dahil madulas, kaya ayon tinignan ko ulit ng masama si Kyle dahil tinawanan niya na naman ako.

"What?!" inis kong sabi sa kanya. As if may nakakatawa! Hindi niya ako pinansin at sinubukan niyang tumaas sa jet ski ko at nagawa niya nga 'yon.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya tinignan ko siya ng patanong.

"Come on, take my hand. Tutulungan lang naman kitang umakyat."

Kinuha ko na ang kamay niya at inangat niya nga ako. Umirap pa ako sa kanya at nang makita niya 'yon ay pinagtawanan niya na naman ako.

"Ako muna mag drive ah. 'Wag kang mag-alala, hindi naman kita kukunin kay Lucas," sabi niya at tumawa.

I didn't get what he was saying! Ano'ng sinasabi niya about Lucas? As if Lucas owns me.

Napatili ako ng mabilis niyang pinatakbo ang jet ski at napakapit sa bewang niya.

Nang binagalan niya ang takbo, narinig kong tumatawa siya.

"Mapapatay na ako ni Lucas kung patuloy mo pa rin akong kakapitan, Kazumi."

And because of what he said, I immediately let go of his waist.

"What are you trying to say, Kyle?"

"Just look at him and maybe you can understand what I'm saying."

I immediately searched for Lucas and I saw him standing at the bay with a killer look in his eyes looking intently at us.

I don't get it, why would he look that way at his bestfriend, and to me? Did I do anything wrong to piss him off? Sa pagkakatanda ko, we were in good terms na?

"Bakit siya nakatingin ng ganyan sa atin, Kyle? Nag-away ba kayo?" Iniwas ko na ang tingin ko kay Lucas at humarap kay Kyle.

"Nag seselos yan, Kazumi! Ikaw kasi, kumapit ka pa sa akin."

Pinalo ko siya. Ang feeling! I just didn't want to fall.

"Why would he be jealous of? Is it because of me? Ano ba yan! Hindi ko naman aagawin ang bestfriend niya 'noh," sabi ko kaya hinarap ako ni Kyle at binatukan.

"Hey what was that for?!" I asked habang hinihimas ang batok ko.

"Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang, Kazumi eh. Matalino ka 'di ba? Nagseselos siya sa akin!" tinuro niya pa ang sarili niya.

Tinignan ko naman siya ng masama dahil sa pag tawag niya sa akin ng tanga. "Bakit naman siya magseselos sa'yo?"

"Dahil kasama kita."

"Oh eh ano ngayon?" takang tanong ko.

"Tanga, Kazumi! Malamang dahil gusto ka niya!" Natigilan ako sa sinabi niya. He must be kidding. But if that's the case... "Eh ba't ka niya pagseselosan eh best friend ka niya? Does he not trust you?" naguguluhan kong tanong.

Napasipol naman siya. "Tagos 'yon ha. Pero I think not. Kita mo naman kung paano ako tignan. Masyado atang obsessed sa'yo." tumawa siya sasagot pa sana ako ng tinawag na ako ni Cleo.

Wala na kaming nagawa at ibinalik na namin ang jet ski na ini-rent namin.

"Thanks," sabi ko kay Kyle habang naglalakad kami palapit kena Gia. Kasama na rin namin si Cleo.

Nginitian niya lang ako at tumakbo sa kung saan. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang pumunta siya palapit kay Lucas.

"Kinulit ka ba ng kapatid ko, Kazumi?" salubong sa akin ni Gia.

"Hindi, wala 'yon." Napakibit balikat na lang siya sa sinabi ko at inaya na kaming mag lunch.

Nag lunch kami sa isang food stall at kumain lang kami ng barbeque. Pagkatapos naming kumain, nag pahinga muna kami saglit.

Naglakad lakad din kami at ang dami ngang shops dito. May souvenir shop pa. Babalik na lang ako dito bago kami umalis.

Hindi namin namalayan na patapos na pala ang araw. Pababa na ang sun ng mag-aya silang mag picture.

Ang dami naming shots na nakuha.

It was a day to remember.

Puro tawanan lang kami. We were teasing Gia because she said she didn't know how to swim. I offered to teach her but she declined.

Hindi ko na siya pinilit dahil masama ang pumilit sa ayaw.

Pag balik namin sa rest house, pumasok na kami sa sarili naming kwarto at nag paalam na magpapahinga.

Hindi pala kami nalamigan kanina dahil nakablazer kaming lahat. Girls scout ata 'to.

Ng pumasok ako sa kwarto namin, nagulat ako sa kung sino'ng nakita ko roon.

"Mom?"

______________________________

Sorry for the short update! I'll update two chapters again later, I think if wala akong gagawin, but I'm sure I'll be updating at least one. I hope someone's still reading? Okay good night everyone.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now