Chapter Eight

78 2 0
                                    

Kazumi

"WHAT?!" gulat na reaksyon naming lahat maliban sa dalawang kapatid ko.

"Ay, kung maka-react." umiiling na sabi ni Elle.

"Haynako, akala ko talaga matalino kayo. Kaya nga kami walang pake sa relasyon niya, hindi ba? Bakit, nandiri ba kami nun?" naningkit ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Oo nga, she has a point.

"Gutom na ako guys! Sa cafeteria na lang tayo mag usap-usap." ani Gia habang nakahawak sa tyan niya kaya napatawa naman kami, tumango at dumeretso na sa cafeteria.

Nang makabili na kaming lahat ng pagkain, agad na kaming nag hanap ng table.

Buti na lang at konti pa lang ang tao at hindi siksikan. Nakahanap agad kami ng mauupuan.

"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain.

"You never asked."

"At saka, pag i-me-mention namin si Lucas, bigla ka na lang nababadtrip, kaya hindi na kami nag try pang mag paliwanag." dagdag ni Ella.

Napatango naman ako. Naaalala ko na.

Everytime na mag o-open up sila ng topic about kay Lucas, gagawa ako ng excuse para mag-change ang topic.

"'Di mo ba siya nasisilayan?" takang tanong ni Gia.

"What do you mean?"

"Mag kaharap lang ang bahay niyo, imposibleng hindi niyo makikita ang isa't isa."

Bago pa ako makapagsalita, agad na nag-usap si Elle.

"Nako, hindi nga lumalabas ng bahay yan eh."

"Pansin ko nga. I didn't see you for the whole summer." ani Cleo.

"Ako rin! Sobrang namiss ko ang babaeng yan." malungkot na dagdag ni Gia.

"Haynako! Wag na kayong mag tampo. Babawi ako." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Siguraduhin mo lang." ngumiti rin si Cleo.

"Nag tataka ako..." ani Gia habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

"What?"

"Ano pala ang connection niyo sa isa't isa?" tumingin siya sa aming magkakapatid.

Ng hindi kami sumagot, agad siyang nagsalita ulit. "Kay Lucas, I mean." mukhang nagets niyang hindi namin alam kung anong pinagsasasabi niya kaya ayan, dinagdagan niya.

"Ah, simula bata pa lang, alam na naming mag pinsan kunu kami."

"Tapos?"

"Tapos ayun, ewan. Kinuwento kasi ni Mommy sa amin tungkol do'n." ani Ella.

Buti pa sila, nag kwe-kwentuhan kasabay ni Mommy.

Napa-iling naman ako sa naisip ko.

No, you shouldn't be jealous of you sisters. Your mom loves you.

Pag papa-alala ko sa sarili ko.

"Anong kinwento sa inyo?"

"About how our family is messed up. Kaya nga niya kami tinago dahil sobrang kahihiyan daw kami sa pamilya ng Coldsmith. Tanggap naman namin yun pero syempre, masakit pa rin sa amin na tinago kami ni Mommy. Para bang ikinakahiya niya kami sa mundo." nalungkot naman ako sa sinabi ng kapatid ko.

Alam ko namang nasasaktan sila eh, ayaw lang nilang sabihin.

Walang nag salita ni isa sa amin. Hindi kasi namin alam kung anong sasabihin.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now