Chapter Two

161 12 1
                                    

Kazumi

"What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya. "At saka, sino ka ba?"

I feel like I saw her somewhere, I just can't remember when and where. She looks like she was about to kill me.

"Ako? Sino nga ba ako?" Napatigil pa siya, tila nag-iisip. Tumingin pa siya sa kisame bago nag salita muli. "Ako lang naman ang papatay sayo." Nakangising sambit niya.

Nanlaki agad ang mga mata ko sabay tayo ng mga balahibo ko. Nakakatakot, parang anytime kukunin niya ay buhay ko. And before I know it, sumalubong na sa akin ang kadiliman.

=q=

Kakaalis ko lamang sa hospital. Dalawang araw din akong nanatili doon. Parati rin akong binibisita nina Cleo at Gia. Naging malaking tulong din sila sa pag tanggap ko sa nangyari kay ate. Hindi man naging madali para sa akin, pero sa katiting na oras na nakasama ko sila, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.

Alam kong nalulungkot din sila sa nangyari ngunit pinapatibay lang nila ang kanilang sarili para hindi ako mahawa sa kanila. I'm so lucky na mayroon akong mga kaibigan na tulad nila.

Hindi rin nagpahuli si Lucas at Kyle, bumisita rin sila dito pero hindi sila nagtatagal dahil hindi ko naman sila kinakausap.

Dalawang araw na rin ang lumipas noong nagpakita sa akin yung babaeng yun. Hindi ko siya kilala, ngunit pakiramdam ko ay kilalang kilala ko siya. Pero hindi ako sigurado na nangyari nga iyon. Pakiramdam ko kasi ay isang masamang panaginip lang 'yon. Hindi na rin naman siya nag pakita kaya binalewala ko na lang din.

Kasama ko ngayon sina Mommy, Daddy at Kuya. Hindi ko na tinanong sa kanila kung nasaan na ang kambal dahil wala rin naman akong balak na alamin. Pauwi na kami dahil andoon ang kabaong ni Ate. Hindi pa naman kami nakakarating, naiiyak na ako.

Humihikbi na ako ngunit hindi sila bumibitiw ng salita. Hinahayaan lang nila akong umiyak ng umiyak. Naramdaman ko namang may nakatingin sa akin kaya agad akong napalingon kay Kuya.

Nakita kong puno ng pag-aalala ang kanyang mata. Tumango naman ako, pinapahiwatig sa kanyang okay lang ako. Binigyan naman ako ng sinserong ngiti at binalik ang kanyang paningin sa labas ng bintana.

Saka ko lang naramdaman, tumigil na kami sa pagtakbo. We're here! Napalingon naman ako sa labas at wala sa sariling lumabas ng kotse.

Narinig kong tinawag pa nila ako ngunit hindi ako tumigil. Binuksan ko ang pintuan papasok at hindi na tumigil ang pag-agos ng mga luha ko sa aking mata.

Tumayo lamang ako sa harap ng kanyang kabaong. Hindi nakabukas ang glass kaya hindi ko siya mahawakan.

Napakaganda niya. Para lamang siyang natutulog ng napakahimbing na animong anghel sa sobrang ganda. Hindi ko napigilan ang paghulgol ko.

Napakasakit, sobrang sakit! Kung sana lang ay hindi ko siya napabayaan, sana ay hindi siya nakahiga dyan. Kung pwede lang ay ako na lang ang nasa kalagayan niya ay ginawa ko na!

"Ate, I'm so sorry... Sorry dahil napabayaan kita! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Ate. Sana naman ay biro mo lamang yan at natutulog ka lang! Ate magising ka na please! Hindi ko kaya nang wala ka ate... Wala nang gagabay sa akin. Ate naman, ba't mo ko iiwan ng ganito ganito lang?! Napakabata pa natin para mamatay ka... Ate..." Hindi ko na napigilan, wala nang lumalabas sa bibig ko, tanging pag-iyak ko na lang ang naririnig ko.

Napaupo naman ako sa aking kinatatayuan dahil nanghihina na talaga ang tuhod ko. Hindi ko na kaya. Agad naman akong nilapitan ni mommy at hinagod hagod ang likuran ko.

"Hush, Kazumi. Your sister is in a better place..." Pagpapatahan niya.

"How do you know that?!" inis na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat naman siya. "I just know..."

I hope so...

Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ko. 'Di na ako bumangon dahil kusa itong bumukas.

Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mommy. Agad naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

"How are you feeling?" Malumanay na tanong niya.

"I'm fine." Napatigil ako. Ngayon ko lang narealize, bakit nasa kwarto na ako? Nasa harap ako ng kabaong ni Ate kanina ah? Ano'ng nangyari?

Bago pa ako nakapagtanong, tila ba alam niya na ang aking iniisip kaya nag salita ulit siya. "You passed out."

"Oh. Bakit daw?" Madalang lang kasi akong nahihimatay eh. Sa mga combats ko dati ay kahit na hirap na hirap na akong tumayo ay hinding hindi ay nahihimatay.

"You're body is still in shock. You have to rest." Tumango naman ako. Napukaw ng paningin ang labas ng bintana.

Madilim na. Nag taka naman ako. "Gabi na? How long was I sleeping?" Napatingin ako ulit kay Mommy.

"8 hours, dear. Are you hungry? Dadalhan kita ng pagkain dito." Nag-aalala niyang tanong. Nawiwirduhan pa ako sa kanya. Kahit kailan, hindi siya nag-alala sa akin ng ganito. It's so weird.

Agad naman akong umiling. "I'll go downstairs." At tumango naman siya bilang sagot.

"Mauuna na ako sa baba." Ngumiti siya pero bakas ang lungkot sa kanyang ngiti. Ginantihan ko naman siya ng ngiti bago lumabas.

Napabuntong hininga naman ako. Tumayo na ako at iniligpit muna ang kama ko bago nag-ayos ng sarili.

Pinihit ko na ang doorknob pero agad naman akong napatigil.

"You can do this, Kazumi." Mahinang bulong ko sa sarili ko at bumaba na.

Napatigil naman ako habang pinapanood silang nakaupo na, na sa tingin ko ay ako na lang ang hinihintay. I smiled at them bago umupo sa upuan ko.

Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa harap ko at malungkot na ngumiti.

She used to sit there.

Nang maramdaman kong nakatingin sila sa akin ay agad ko silang nilingon. At tama nga ako, lahat sila nakatingin sa akin at hindi pa nag-sisimulang kumain. Nararamdaman ko ang awa nila. Tsk, I don't need them to pity me.

'Di ko na napigilan at nag-salita naman ako. "We should start eating." tumango naman sila ngunit bago pa may makakuha ng pagkain ay nag salita naman si Dad.

"We should pray first." Tumango naman kami lahat and we all prayed silently.

Sana lang ay nasa maayos na lugar ka nga ate. I love you so much.

At nag simula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang tumunog ang doorbell.

"Are you expecting some visitors, dad?" Takang tanong ko. Umiling naman siya.

"I'll get it." Presenta ni Mommy at lumabas naman siya ng dinning room.

Nagpatuloy ako sa pag kain ngunit natigilan ng may narinig akong pamilyar na boses.

"What are you doing here?!" Mapaklang tanong ko.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now