Chapter One

197 17 5
                                    

This chapter is dedicated to zyreneperez  salamat sa suporta, LLC!

=x=

Kazumi

Nagising ako at tumambad sa akin ang napakaputing kwarto. Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? Ako ba 'yong namatay? Hindi si ate? Panaginip lang ba 'yong kahapon?

Pero, bakit parang may masakit?

Napalingon ako sa kanan at nakita kong natutulog doon si Lucas. Bakit siya nandito?

Sinubukan kong umupo ngunit dahil masyado ata akong nahihirapang bumangon ay nagising ko siya. Kinusot niya pa ang kanyang mata at ngumiti. "You're finally awake."

"Sorry if I woke you up." I said with a straight face. Wala akong pake, pero alam naman naming hindi 'yon galing sa aking puso. He knows I hate him.

Inayos niya muna ang kanyang buhok na makalat dahil sa kanyang pagtulog bago nag salita. "Uh, no. No, it's okay." Aniya.

"So what are you—" Hindi pa ako natatapos mag salita no'ng nagsalit na naman siya. Kaya hindi ko napigilang mag ;roll eyes.

"I was just visiting. It's been... what? Two days since you got here. I bet you're hungry." Tumayo siya at pupunta na sana sa maliit na mesa ngunit pinigilan ko siya.

"No! It's okay, I'm not hungry." Ani ko at humiga na lamang ulit.

"Pero hindi ka pa nakakakain..." nag-aalala niyang sambit. Of course, mag-aalala siya; pinsan ko siya eh.

"I don't care! Just leave me alone! I don't need you here to take care of me. I can take care of myself." Sabi ko, nakatalikod pa rin sa kanya.

"Fine. If you want me out of here, then I will. Just please," bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit, "eat." At wala na akong narinig galing sa kanya at narinig ko na lang na bumukas at sumara ang pintuan.

Bigla naman akong naiyak noong narealize kong umalis nga talaga si Lucas. I feel like I'm alone. Pakiramdam ko ay binigo ako ng buong mundo.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng biglang bumukas ang pinto. I saw mom and dad... kasama nila ang kambal. Agad naman ako nakaramdam ng galit.

"Asaan na ang Ate ko?!" Galit na sigaw ko sa kanila. Agad namang lumapit sa akin si mommy at hinawakan ako sa braso. 

"Calm down, dear..." Malumanay na sambit niya.

Tinignan ko naman siya ng masama. "How can you be so calm?! Pinatay ng anak mo ang isa mo pang anak! That's bullshit!" 

Agad naman ako sinalubong ni Daddy, bakas din ang galit sa kanyang mga mata. "Kazumi! Don't talk to your mother like that. She's still your mother! You have to respect her!" 

Bumuntong hininga naman ako. "I'm sorry." At tinalikuran ko naman sila. 

"Kazumi... please talk to us." Narinig ko namang sambit ni Mommy.

"I don't wanna talk! I just want to be a-alone!" Umiiyak na sabi ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya at pagkatapos non, narinig ko na naman angpag bukas at sara ng pinto. 

At doon ko lang nilabas ang hinanakit ko. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Ba't kasi kailangang umabot pa dito? Pwede naman kasing walang mamatay eh. Pwede rin naman ako na lang. Bakit si Ate pa? Wala namang ginawang masama ang tao eh.

At ang hindi ko pa matanggap, bakit mismong kapatid namin ang kailangang pumatay? Hindi naman namin kasalanan na napabayaan sila hindi ba? Bakit ganoon? 

Napatigil ako sa pag-iyak ng may biglang nagsalita sa likod ko. Nagulat ako ng makita ko roon ang kambal!

"We're sorry, Kaz." sabay na sabi nila habang nakayuko.

"Why are you still here?" Malamig kong sambit.

"We just wanted to say that we're sorry." Bakas sa tono ng kanyang boses ang sinseridad. Ngunit hindi pa ako handa. I'm still mad at them.

"I don't need your apologies, Ella. Now go!" Galit na tugon ko sa kanila.

"Sorry." At agad na silang lumabas.

I felt so lonely again. Sana lang ay matapos 'tong lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kaya eh! Hindi matanggap ng sarili ko na wala na talaga si Ate. Na kahit na hindi nila sabihin, alam kong wala na siya! At hinding hindi nila maibabalik ang buhay ni ate sa paghingi lamang ng tawad.

What's done is done. Nakakainis mang aminin pero alam ko, kung andito si ate, hindi niya ako papayagan na manatiling galit sa kanila. Pero hindi ko mapihilan! Sa hirap at ginhawa, si Kazami ang parati kong kasama. At ngayon, wala na siya.

Bakit kasi napaka unfair ng buhay? Una ay 'yong katotohanang nalaman ko na pinsan ko pala si Lucas. Masyado nang masakit 'yon para sa akin, tapos ngayon, nawala na si Ate?! Nakakagago talaga ang buhay.

Kung andito lamang siya ngayon, alam kong tutulungan niya akong ayusin ang durog na durog kong puso. Pero ngayon, pakiramdam ko ay hindi lang ito durog, patay na. Patay na dahil wala na 'yong better half ko.

Napatigil ako sa pag-iyak ng makaramdam ako ng gutom. Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang katawan ko. Binuksan ko ang mini ref na nandoon. Nakakita ako ng doughnuts kaya agad ko naman itong kinuha at kinain. Napaupo ako sa kama ko at nag-isip isip.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may biglang pumasok na siyang ikinagulat ko.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt