Chapter Forty

17 0 0
                                    

KAZUMI

Hinanap ko si Mommy dahil alam 'kong andito siya dahil si Dad, umalis kahapon para sa business meeting pero babalik din naman agad bukas.

Nahanap ko siya sa kitchen, may kausap na parang designer? Hindi ako sure. Nang makita niya ako ay agad niya akong tinawag at pinakilala do'n sa kausap niya.

"Maria, this is my daughter, Kazumi."

Inilahad niya ang kanyang kamay at agad ko namang tinaggap.

"Nice to meet you, po," I said pero agad din siyang umiling nang marinig ang sinabi ko kaya napakunot noo naman ako.

"Drop the po! Makes me look old. Anyways, nice to meet you too pretty lady."

"Maria is going to be our designer," singit naman ni Mom.

Designer? For?

"Huh? For what mom?" nagtataka 'kong tanong.

"It's your kuya's birthday next next week! We're going to throw him a party!" excited na sabi ni Mom, napatango naman ako. Oo pala, birthday na ni Kuya. Ang tanda niya na. Hindi na siya teen, mag t-twenty one na siya!

"Is it grand? You know he hates having formal parties for him, right?"

She shook her head, a smile plastered her face and she giggled.

"I want it to be grand, he has no other choice," parang batang sabi ni mom.

"So I guess Maria is going to be the one who'll make your dress?" I predicted.

Umiling siya, "She'll make everyone's dress!" pumalakpak si mom, tumawa naman ng bahagya si Maria.

"Even the guest's?" gulat na tanong ko.

"Even the guest's!" she stated.

"Can you handle that?" I asked Maria, I'm pretty sure mom invited a lot of guest.

"She can handle it!"

"I'm sorry, I'm not underestimating you but is it not too much?"

Umiling naman si Maria, "I design the clothes, I have collegues who can sew as good as me."

"Maria is starting to grow her business, I wouldn't be surprised if years from now, maingay na ang pangalan niya. Well, you should see her designs, it's really unique and class," my mom praised Maria like a she was a goddess.

"By the way Kazumi, can you let Maria measure you now so she can also start your dress," mom said and then I let Maria measure me.

"Your body proportion is perfect," Maria praised me after she measured me.

"Of course, that's my daughter!" my mom giggled.

I looked at her in disbelief, her old hobby is still there.

"Mom!" I hissed and I stormed out of the kitchen.

I heard her calling me but I ignored her. I know she won't go look for me, she won't leave her guest.

I went out sa garden at nakita ko naman ang kambal do'n.

"Kazumi! We were looking for you, you weren't in your room," salubong sa akin ni Elle nang makita ako.

Umupo ako sa tabi ni Anne.

"I was in the kitchen, mom introduced me to someone named, Maria. Have you met her?" I asked.

"Yup! Sinukatan niya kami, para raw sa birthday ni Kazzary?" tanong ni Anne.

Tumango naman ako at sinagot siya, "Kazzary will turn twenty one next next week. He doesn't like this kind of celebration though, ayaw niya ng engrande," pag-k-kwento ko sa kanila.

"Bisto naman, sa ating magkakapatid, ikaw lang ang pinapansin niya lagi. Masyadong mailap si Kuya eh," sagot ni Elle, tumango naman si Anne at mukhang sang-ayon din kay Elle.

"He wasn't like that before though. Maingay 'yon at palabiro. Palagi akong pinipikon, but I think may pinagdadaanan lang siya."

Nag usap pa kami nang mapag-isipan kong mag jog muna sa labas dahil ang ganda ng panahon, hindi masyadong mainit.

Pumasok ako ulit sa bahay at nag palit ng gym clothes at nag suot ng rubber shoes. Kinuha ko rin ang phone ko at sinaksak ang earphones ko do'n at isinuot na sa tenga.

Nagpaalam ako sa mga kapatid ko at agad nang lumabas.

Nag jog lang ako sa buong village, nang marating ko ang gate papasok sa village, ay agad naman akong nakaramdam ng uhaw kaya lumabas muna ako. Buti at kilala ako ng guard, remember, this village is one of our business.

Nag jog na rin ako sa pinakamalapit na cafe.

Agad akong umorder ng expresso latte at umupo do'n sa pangdalawahang taong table.

Nakatingin ako sa labas at sumisimsim lang ng kape ng may biglang umupo sa harap ko. Malapit ko nang mabuga ang iniinom ko sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ko at agad namang ibinaba ang basong hawak ko at kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko.

Déjà vu 'to ah!

Umupo sa harap ko si Lucas at nang tinignan ko siya, nakangiti lang siya sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Chill! I didn't follow you here," he sounded defensive. Akala niya ba ay 'yon ang iniisip ko?

Natawa naman ako. "I didn't think about that."

Nakita ko namang namula siya kaya mas natawa ako. Alam 'kong hindi niya ako sinundan dahil hindi ko naman naramdaman ang presensya niya kanina, at wala naman siyang matataguan sa akin do'n sa village.

"I-i was just passing by when I saw you, I just wanted to say hi. U-uh, pwede na akong umalis kung ayaw mong andito ako," tatayo na sana siya pero agad ko ring hinawakan ang braso niya.

"It's okay," umayos naman siya ng upo kaya agad 'kong binawi ang kamay ko. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

Why did I do that? Hindi ko rin alam, but I know I wanted him to stay.

Hindi kami nag-uusap, ang awkward!

Nagpaalam siya na bibili muna ng maiinom at do'n lang ako nakahinga ng maayos. Ba't ganito ang nafifeel ko?

Nang makabalik siya, sumisipsip lang ako sa inumin ko.

Napansin 'kong tinanggal niya ang jacket na suot niya at nilahad 'yon sa akin, tumingin naman ako sa kanya nang nag tataka.

"Uh, baka mapasukan ka ng lamig, mag kasakit ka pa. Naka a-ano ka lang kasi," umiwas siya ng tingin, hindi makompleto ang kanyang sinasabi.

Oo ka pala, naka sports bra lang ako.

Tinanggap ko na lang ang jacket niya at sinuot 'yon. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Déjà vu talaga 'to!

"Ano pala ang ginagawa mo at napadaan ka rito?" I asked, trying to create a conversation. I don't know I could ask him that question though, I mean it's his life, I didn't have to know.

"Joy ride?" unsure niyang sabi. "Wala akong plano ngayong araw kaya lumabas na lang ako, I didn't know I will see you here," he smiled.

Nag usap usap pa kami tungkol sa mga bagay bagay. Naging magaan naman ang conversation namin. Nang sinabi 'kong uuwi na ako, sinabi niya sasamahan niya raw ako at uuwi na rin siya. Pumayag naman ako, eh magkatapat nga lang ang bahay namin, 'di ba?

"Thanks for the ride," I said while unbuckling my seat belt, lumabas siya at pinag buksan ako.

Ngumiti naman ako nang lumabas na.

"No problem," sabi niya at bigla na lang akong hinalikan sa pisngi. Agad siyang pumasok sa kotse niya at umalis na sa harap ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko, nanlalaki ang mga mata at nag iinit ang mga pisngi, hindi makaalis sa puwesto ko kahit wala na si Lucas sa paningin ko.

My mind wouldn't think straight.

Did he just kiss me in my cheek?!

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now