"So, uuwi ka na?" lungkot na sabi ni bakla.

"Yeah, sa mansyon na kami titira ngayon" sabi ko.

"Talaga? pwede ba kaming dumalaw dun?" masiglang ni syrinne.

"Oo naman" sang ayon ko at napangiti naman ang dalawa. "Sige na, mauna nako. See you on monday" sabi ko. Nagbeso muna kami at tuluyan ko na silang iniwan.

Patuloy parin ang party kahit wala na kami. Hanggang 10PM lang yung party at 9:15 na.

Nasalubong ko ang table nila Ken diretso lang akong naglakad at hindi lumingon pero kita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin silang tatlo sa gawi ko.

Napahinto lang ako sa harap ng tabale nila ng tawagin ni Tan ang pangalan ko pagtingin ko sa gawi niya ay nakatayo na siya.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya ng makaharap ako sa kanya. Kita ko naman na nasa amin ang lahat ng mata ng mga taong nasa loob ng venue.

"Yeah, why?" nakataas kung kilay na tanong. Hindi ko kailangan magbait baitan lalo na kung kaibigan ito ng taong kinasusuklaman ko.

"Hatid na kita" yaya niya. Rinig ko namang napatikhim si Ken. Great.

Napangiti ako.

"Thanks, but no thanks" nakangiti ko paring sabi kaya kita ko sa mukha niya ang lungkot. "Sasabay kasi ako sa parents ko, next time nalang" sabi ko at napangiti naman si tan.

"Sige, sabi mo yan ah?" ngiti lang ang ganti ko at sinulyapan ang dalawa niyang kaibigan.

Nakita ko naman kung gaano ka kunot ang noo ni Ken at mahigpit na napahawak sa wine glass.

Selos?

"Bye" paalam ko at umalis ng nakangiti.

Nang makarating ako sa parking lot ay sumakay agad ako sa backseat. Tahimik lang ako sa likod habang nag uusap sila mama at daddy.

Napaisip ako kanina sa reaksyon ni Ken. Nagseselos ba siya? Gagu pala siya eh. Iiwan ako tapos magseselos. Isa talaga gagu.

Hindi ko na lang inisip yun at nakangiting pinanood si mama at daddy na nag uusap.

Ngayon ko lang nakita sa mata ni mama ang saya. Sobrang saya ko ng mabuo na ang pamilya ko at nakasama ko ang daddy ko.

"We're here" sabi ni daddy at lumabas na kami ng sasakyan. Dumiretso agad kami sa loob ng bahay. Hindi pa kami nakapasok ay sinalubong na kami isang katulong.

"Sir, nandiyan po si Maam Stella at si Maam Heven" bumalik ang galit ko ng marinig ko ang dalawang pangalan mg demonyo.

Nauna na akong pumasok at hindi na hinintay sila mama. Nakita ko naman agad ang dalawang demonyo sa sala na nanonood ng palabas sa TV.

Napabaling ang atensyon nila ng makita nilang nakatayo ako sa harapan nila.

Kita ko sa mukha ni Heven ang pagkagulat at nakataas naman ang kanang kilay ng nanay niyang demonyo.

The Innocent RevengeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum