"Ano?" gulat kung sigaw kaya napatingin yung mga katabi namin table. "I mean, bakit?" hiya kung bawi.

"Sabi ko naman sayo may gusto ako sa kanya" ngiting sabi niya na parang nag i-imagine.

"Ligawan agad?" ngayon pa nga lang bumalik si Joyce ligawan agad?

"Oo, bakit? May gusto ka pa ba sa kanya?" natahimik ako sa diretsong tanong niya. Gusto ko sabihing 'Oo' pero wala akong lakas na sabihin iyon.

"Alam ko namang naka move on ka na kaya liligawan ko siya" sabay tapik sa braso ko.

Yun ang akala mo pero siya parin ang laman ng puso ko, hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya.

"Kung sino ka man, lumabas ka sa katawan ni Tan" parang baliw na sabi ni Rhyz habang niyuyugyog si Tan.

"Baliw"

"Iba pare, ang haba ng sinabi mo. Grabi yung improvement, ikaw ba talaga yan?" kahit ako hindi makapaniwala na nakasalita ng ganun kahaba ang isang Ystan Ley Vistal.

"Inlove eh" ngiti pang sabi niya na nakapahinto sa aking pag-iisip.

"Grabe, ganyan din noon si Ken nung nainlababo kay joyce eh" natahimik ako sa sinabi ni Rhyz at muli kong naalala ang mga memories na nabuo naming dalawa ni Joyce.

Napatingin ako sa gawi nila Joyce, kita ko sa mukha niya na masaya na siya sa bagong siya ngayon.

Ganyan na ganyan yung tawa niya noong kami pa ang magkasama.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang kita iniwan nung gabing iyon, sana nakinig nalang ako sayo.

Ang tanga ko talaga.

"Pare? umiiyak ka ba?"

"Ha?" tanong ko agad kay rhyz. Nang mapagtanto kung ano ang tanong niya ay agad akong napahawak sa pisngi ko.

Hindi ko pala namalayang tumulo na ang luha ko.

"Ahh.. Hindi,, napuwing lang ata ako" tangi ko agad at tumayo "Cr lang ako" mahinang sabi ko dahil malapit ng mabasag ang boses ko.

Umalis agad ako sa table namin at nagtungo sa banyo. Nadaanan ko pa ang mesa nila joyce. Kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat except kay Joyce.

Ngumiti lang ako at diretso ng tumungo sa banyo. Baka di ko mapigilang mayakap siya kung tumagal ako sa pwesto nila.

Hindi na niya magawang tingnan ako o sulyapan man lang. Sobrang miss ko na siya.

Parang ang layo na niyang abutin ngayon. Kung dati ay mahahawakan ko pa siya ngayon ay hanggang tingin nalang ako sa kanya.

Tuluyan ng tumulo ang luha kung kanina pang pinipigilan. Kung akala niyo babae lang umiiyak, akala niyo lang yun.

"Deserve mo yan, ang tanga mo kase" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"Sinong kinakausap mo pare?" rinig kong sabi ng isang lalaki kakalabas lang ng cubicle.

"Si Ken pala 'to. Oh, bat umiiyak ka?" tila nag init ang ulo ko ng sabay tawa niyang sinabi iyon.

"Nakakatakot namang tingin iyan, Mr. Lee." tawa ulit niyang sabi. "Sige iyak ka lang, ganun talaga basta bading" tatalikod na sana siya kaya inambahan ko ng suntok.

"Gago" sigaw ko at sumuntok din siya pabalik tumama iyon sa may bandang labi ko.

"Pare tama na yan" pigil ng dalawang lalaki kakalabas lang ng banyo, mukhang kasama niya.

"Eh gago to, bigla biglang nanununtok." napahawak ako sa labi ko at kita ko sa daliri ko na may dugo roon.

"Buti nga sayo. Iiyak iyak ka diyan pagkatapos mong siyang saktan. Isa kang malaking tanga, gago" sigaw pa niya saakin kaya natahimik ako.

Wala man siyang binanggit na pangalan ay nasisiguro kung si Joyce ang ibig niyang sabihin.

Yeah, isa nga akong malaking tanga.

"Tara na nga" yaya niya sa dalawang kasama niya at tuluyan ng lumabas sa banyo.

Naiwan naman akong tulala at ng matauhan ay lumabas na din ng banyo.

Pabalik na ako sa table ko ng makasalubong ko si Joyce. Nanlumo ako ng lampasan niya lang ako na parang hindi ako nakita.

Lumingon ako sa aking likuran at tinanaw siya.

"Joyce" tawag ko at napahinto naman siya't tumingin sa gawi ko.

"Yes?" I miss that voice.

Hindi ko alam kung bakit tinawag ko siya tila nawalan ako ng sasabihin ng tignan niya ako.

Ang lamig ng tingin niya, iba ang tingin niya noon sa akin at ang tingin niya ngayon.

"What?" tanong niya ulit ng makitang hindi ako nagsalita.

"Ano.." hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang lakas kung tumawag pero wala naman pala akong sasabihin.

"Ano?" ulit niya sa sinabi ko na parang naiirita "Look, my time is precious and I don't want to waste it. Now, if you're not going to say something then excuse me." sabi niya sa isang mataray na paraan at tinalikuran ako.

Natulala naman ako nung sinabi niya yun at naiwan ako nakatingin sa kanya habang papalayo siya.

Nang matauhan ako ay dun ko lang nalaman na lahat pala ng tao sa loob ng gym ay saamin nakatingin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya.

Kaya dali dali akong lumapit sa pwesto namin at umupo.

"Nag-usap kayo?" bungad saakin ni Rhyz at umiling lang ako.

"Anong nangyari diyan sa labi mo?" tanong naman ni Tan.

"May nakaaway lang" pag amin ko.

"Sino yun? Resbakan na ba namin!?" napatayong sabi ni Rhyz.

"Okay na, nasuntok ko naman" umupo nalang tuloy siya ulit.

Natahimik kaming tatlo habang nanonood ng banda sa harap namin. Na baling lang ang atensyon ko ng bumalik sa table nila si Joyce.

Nag-iba na siya. Sobra ba talaga siyang nasaktan sa nangyari? hays.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now