"Pero heven, makukulong ka"

"Tatlo lang tayong nakakaalam, pwera nalang kung may magtatraydor saatin"

"No, hindi namin magagawa yun. Pero pwede ba? mamaya nalang lunch yung isa pang plano? Naloka yung utak ko eh"

"Oh sure, lets go?"

Gusto kong sumigaw ng matapos naming panoorin ang video na iyon pero hindi ko magawa tila nanghina ako sa aking mga nalaman.

Nagsimula na namang magbulong bulungan ang nasa loob ng gym. Lahat hindi makapaniwala aa nasaksihan.

"At nung gabing pagsabog sa sasakyan ay plano rin nila kaya laking pasalamat ko ng may tumulong sa akin" muling nagsalita si joyce "Dahil binigyan niya akong ng chance para ipakita sa inyo kung anong klase demonyo ang babaeng ito" sabay turo kay heven.

"Nagulat ka ba sa regalo ko sister? Now tell me" sabi niya sabay tinginsa harap ng tao "Sino ang kriminal sa aming dalawa?" walang nagsalita sa tanong niya.

"Nakakadiri ka" sabi niya sabay diring nakatingin kay heven "Kaya mong pumatay ng dahil lang sa lalaki?" sabi niya kaya napaangat ako ng tingin at biglang tumibok ang puso ko ng magtama ang paningin namin kaso siya ang unang umiwas.

Napatingin ako sa gawi ni heven. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya yun para lang saakin?

All this time akala ko mabait si heven, simula nung bata pa kami. Sobrang bait niya. Hindi ko akalain na kaya niya palang pumatay ng tao para lang sa taong gusto niya.

"Sana sinabi mo saakin na gusto mo pala siya edi sana ibinigay ko sayo ng kusa hindi yung kailangan ka pang pumata ng tao para makuha ang gusto mo" bigla ako nakaramdam ng matinding sakit saaking puso ng marinig ko yun galing sa kanyang bibig.

Deserve ko naman to eh, dapat lang sakin to. Sabi ng isip ko.

Napaupo si heven sa sobrang panghihina. Sa sobrang pagkapahiya niya hindi ako nakaramdam ng awa para sa kanya kundi galit at wala ng iba.

"Huwag ka munang maghina sister, may last gift pa ako sayo. Excited ka na ba? I guess, excited ka na"

"Pleaseee stoooppp" sigaw ng Tita Stella, mommy ni heven.

"Oh Hi, nandiyan ka pala, step mother. Hindi kita napansin." sarcastic na sabi ni anna.

"How dare yo—"

"Shut up" putol ni heven "Huwag kang magsalita dahil hindi paako tapos. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagsampal mo sa akin. Remember, nasa teritoryo kita baka i-salvage ko kayong dalawa" panakot ni joyce

"Wala kang katap—"

"I said shut up" putol niya ulit "Nabwebwesit ako sa boses mo" at hindi pa nakapagsalita si Tita Stella. "Kung naiingit ka dahil wala kang gift. Don't worry, meron ka na" aniya.

"What do you mean?" takang tanong ng tita stella. Pero ngumiti lang si joyce at tumingin sa may entrance.

"Come in" sigaw ni anna.

Kaya biglang may lumabas na naman usok kasabay nun ay ang paglabas ng isang babaeng nakasuot din ng black dress.

Si Tita Lou?

Naglakad si tita lou sa gitna ng red carpet papunta sa stage at pumwesto sa gilid ni joyce. Kinuha naman ni Tita ang microphone na hawak ni joyce.

"Good evening, students and visitors" ngiting sabi ni tita "I'm Anna Lou Montalban-Eastwood, Brazen's mother and Lester's real wife" sabi ni tita na ikinagulat ko.

"H-honey? ano 'to?" gulat tanong ni tita stella kay tito lester pero hindi ito pinansin ni tito.

"Ako lang naman ang babaeng inagawan mo ng asawa" sabi ni tita lou na nakatingin kay tita stella.

"What are you say—"

"Katulad ng anak ko ay na frame up din ako" putol ni tita "Mag ina nga talaga. Hindi na nga ako nagulat ng malaman ko iyon. Nananalaytay sa dugo nila ang pagiging kriminal" siga ni tita Lou.

"Shut up" sigaw ni tita stella

"You shut up" sigaw din pabalik ni tita lou.

"P–Please t–tumigil na kayo" nanghihinag sabi ni heven "Dad please help us" nagmamakaawang sabi ni heven kay tito lester.

"We're not done yet, kung tutuusin." singit ni joyce "Actually, nagsisimula palang kami, heven" sabi ni anna."If I were you, maghanda ka na" dugto niya.

"Please—"

"I would like tell you" naputol yung sinabi ni heven ng magsalita si tito lester gamit ang mic."That Brazen is my only daughter and heven is not my real daughter" tahimik kaming nakinig kay Tito "Last week ko lang nalaman na iyon. Na pinakasalan ako ni Stella dahil sa pera"

"That's not true" sigaw ni tita stella pero hindi lang siya pinansin ni tito.

"You heard it, right? I'm the only daughter of Mr. Leif Lester Eastwood and from now on. Ako na ang magiging tagapagmana ng paaralang ito" sabi niya.

"No, dad pleasee that's not true, right?" sabi pa ni heven na mangiyakngiyak na.

"Bingi ka ba o nagbibingi bingihan?" sigaw ni joyce kay heven "Huwag kayong mag alala, hindi naman sa kulungan bagsak niyo eh." ngiting sabi niya pa "Sabi ko nga kanina, NAGSISIMULA PALANG AKO. " sabi ni anna at humarap na sa mga estudyanteng nagbulong bulungan na hanggang ngayon hindi parin makapaniwalansa nangyari.

"Sa mga taong nagpahiya saakin, huwag muna kayong magpakasaya dahil kasali kayo sa laro ko. So be ready" ngiting sabi niya sa lahat.

Maya maya pa ay tumingin siya sa gawi ko, nagkatitigan kami. Tumibok ulit yung puso mas mabilis lang keysa kanina. Iba na yung mga titig niya keysa sa dati.

Dati kasi yung titig niya ay pinapahiwatig kung gaano niya ako kamahal at parang matutunaw ako sa mga titig na iyon.

Pero ang titig niya ngayon ay iba na. Galit ang nakikita ko dito at kinakabahan ako sa mga titig niya.

Gusto kong ngumiti pero di ko magawa.

"Enjoy the night" huli niyang sabi sabay ngiti ng nakakaloka saakin dahilan ng muntikan na akong matumba dahil sa panghihina.

To be continued . . .

The Innocent RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora