Chapter Thirty Nine

Start from the beginning
                                    

Nauna na siyang bumaba at binuksan niya naman ang pinto ko.

Kaya ko namang lumabas mag-isa. Napairap na lang ako.

Tss, pa gentleman eh.

"Thank you," sabi ko na lang at nag lagkad na kami patungong dagat.

Inalalayan niya ako dahil naka heels ako tapos buhangin, lumulubog 'yong takong ko. Napag desisyonan ko namang tanggalin 'yon kaya napatigil ako. Natigilan din siya ng mapansing tumigil ako.

Lumuhod na ako para kunin ang sapatos ko pero agad din naman niyang hinablot.

Mag proprotesta pa sana ako pero tinaas niya ang kamay niya at sinabing, "Ako na."

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

Umupo na kami hindi kalayuan sa dagat. Ngayon ko lang napansin ang papalubog na araw. Ang ganda.

Sa gitna ng katahimikan, napansin 'kong nakatingin sa akin si Lucas ng seryoso, para 'bang may gusto siyang tanungin ngunit walang lumalabas sa bibig niya.

Kaya ako na lang ang unang nag tanong, "Do you want to ask something?"

He blinked twice before answering me, "Why didn't you tell me?"

"Tell you what?"

"Na aalis pala kayo. Akala ko nga ay hindi ka na babalik, kumuha pa kayo ng test before retreat, akala ko talaga..." he trailed off.

"It wasn't my obligation to tell you, is it not?" Umiwas naman ako ng tingin, halatang nasaktan siya sa sinabi ko.

Tumawa naman siya ng mapakla pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

"Oo nga naman," tumango-tango pa siya.

"Did I...m-make you worry?" mahinang tanong ko, nahihiya ako pero gusto 'kong malaman eh.

Ang kapal din ng mukha ko.

"Yes," agad niya namang sagot, walang bakas na pagdadalawang isip sa kanyang tono ng pananalita.

"Why?"

"Because I care for you, Kazumi. I love you," hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

Napangiti naman ako. I don't know if I should be happy though, but I'm happy to know that Lucas was worried about me.

"I'm sorry, I should've told you."

"Gaya ng sabi mo, hindi mo naman kailangang sabihin sa akin. Okay lang din naman basta't alam 'kong maayos ka, okay na ako do'n. I know you have your reasons and I respect that."

Hindi nagtagal ay dumilim na rin, napagpasyahan naman naming umuwi na dahil mas lalong lumalalim ang gabi, mas lalong nagiging mapanganib.

On the way home, I fell asleep again, buhat na rin ng pagod.

It has been a week since we came home and right now, andito kami sa kwarto ko, namomroblema sa mga lessons na namiss namin.

"Ah, hindi ko magets!" kahit si Anne ay nainis na rin.

"I'll explain it to you," sabi ko at binigay niya naman sa akin ang papel na hawak niya. Binasa ko muna 'yon at nang makuha ko na, agad ko namang inexplain sa kanya. Nakikinig na rin sa akin si Elle dahil magkatulad lang naman ang mga lessons namin, sadyang hindi lang kami pareho ng inaaral na subject.

"Wah, thank you, Kazumi! Gets ko na. Mag teacher ka na lang kaya?" suggest ni Anne, napailing naman ako. I have other dreams.

"Grabe, nakakapagod! Sunday ngayon pero tignan niyo, para tayong nerds na nag-aaral hindi man lang nakakapag pahinga!" sabi ni Elle at humiga na sa kama ko. Tinignan naman siya ng masama ni Anne. Agad niya namang tinaas ang dalawa niyang kamay.

"Chill! Natamaan ka ata sa nerd. Nerd ka ha? May problema sa pagiging nerd ha?"

Natawa naman ako sa kakulitan nila.

"Ay, nga pala Kazumi," tumingin si Elle sa akin. "Kailan mo balak sagutin si Lucas?"

Napaubo naman ako sa tanong niya. "We're not even talking right now, and I don't want to drag him down with me. Ayaw 'kong mapahamak siya ng dahil sa akin," sabi ko sa kanya.

"Sorry, na-trauma ka ata talaga sa ginawa namin," ang lunkot ng boses niya.

Insecure sa mga nagawa niya. Hindi naman 'yon ang ibig 'kong sabihin. Alam 'kong nahihirapan din sila, paunti-unting kinakain ng sarili nilang konsensya. Ano pa ba ang magagawa ko para masiguro sa kanilang okay na ako? At sana sila rin.

Tinabihan ko sila at inakap si Elle dahil siya ang katabi ko.

"Let's forget the past, please? I forgave you, you should also forgive yourself," sabi ko sa kanya at nakita 'kong may tumulong luha sa mata niya na agad niya namang pinunasan. Si Anne ay nakatingin lang sa amin, halatang nahihirapan din pero hindi niya lang pinapakita.

"Hindi ko kasi alam kung ano'ng iniisip ko no'n, Kazumi. Hindi ko alam paano ko naatim na gawin 'yon sa sarili ko pang kapatid." Umiyak na siya, inakap na rin naman siya ni Anne.

"Ate, let's just forgive ourselves, okay? Kazami wouldn't like that, she's too good to not forgive you and I think she also wants you to let go of the past and start anew," sabi ko naman. I wasn't the type who knows how to comfort people, gawain 'yon ni Ate eh.

"Kazumi is right, we couldn't undo the past, Elle. Kahit din naman ako ay nagsisisi, but I want to redeem myself," sabi ni Anne.

Tumango naman sa kanya si Elle, pinunasan ang mukhang puno na ng luha at ngumiti sa aming dalawa.

"Thank you, both of you. Mahal ko kayo," sabi niya at hindi na kami kumibo, nagyakapan lang kami hanggang sa tinawag kami sa baba para mag dinner.

Monday ngayon pero wala kaming klase dahil holiday ngayon. Late na ako nagising kaya gutom ako nang bumaba ako.

Pero nag taka ako dahil ang daming tao sa baba.

Ano'ng meron?

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now