Kabanata 10

9 0 0
                                    


NAWALA ang gana ni Sasa kumain at nilalaro-laro niya nalang ang mga pagkain niya sa plato. Parang gusto niyang maglaho ngayon sa araw na ito. Sa dinami-rami ba naman ng gawaing bahay na ipapasa sa kanya, ang paglilinis pa talaga ng kubeta ang nasalo niya. Feeling niya tuloy kinakawawa siya ng pamilya niya, pakiramdam niya sampid lang siya. Bigla niya tuloy naalala yung babaeng schoolmate nila na may super laking problema. Parang gusto niyang magpatiwakal nalang kaysa maglinis ng kubeta. Ang oa naman neto.

Hindi na siya nagsalita pa, para magreklamo at sana bawiin ni lola Teresa ang gawain na iyon. Alam niyang final na iyon at magiging permanent na. Hanggang sa mategi siya. Tss.

"Kailan po ba kayo aalis, ma?" tanong ni Tanya.

"Sa miyerkules." sagot nito saka nagpatuloy sa pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Tanya.
"This week?" sunod niya pang tanong.
Tumango-tango ito, kaya sumimangot siya. Wawa man. Nalulungkot na siya ngayon, iiwan na siya ng mama niya.

"Grabe naman! Excited ba kayong umalis?" matabang na saad niya. Medyo natawa si Lola Teresa, dahil nahahalata niya sa boses ni Tanya na nalulungkot ito.
"Kailangan talaga namin agahan ang pag-alis. Kailangan ng mga tito at tita niyo ang tulong namin." mahinahong tugon ni Lea matapos mailunok ng kinakain niya.

"Ikaw, anak? Malulungkot ka ba 'pag umalis na ang mommy mo?" tanong ni Roger kay Rex.
Umiling ito at tinignan sila. "Hindi noh. Mabuti nga 'yon." sagot nito at ibinulong ang mga huling salitang sinabi.

"May sinasabi ka Rex?" si Lea na ngayon ang nagsalita. Umiling-iling ito at ngumiti ng malaki.

"Wala po. Ang sabi ko po mag-iingat kayo." tugon niya at napatango-tango naman si Lea.

"Ikaw Tanya? Malulungkot ka ba sa pag-alis ng mama mo?" tanong pa ni lola Teresa sa dalaga. Umismid ito at sumandal s inuupuan dahil tapos na itong kumain.
"Ako? Malulungkot? Duhh." aniya at inikot ang mga mata niya. Tumawa lang ang lahat, except ulit kina Sasa at Isabela.

"Osige ah. Sumama ka sa amin sa airport. Ihatid niyo kami ro'n, huwag ka talagang iiyak." sabi ni Ana at bahagya pang natawa, dahil nai-imagine niya na ang mangyayari.

"Tse! Hindi ako iiyak noh! 'Di na ako baby."

"Sigurado ka? Hindi ka iiyak?" tanong ni Ana at binigyan nang napang-asar na tingin ang anak. Nag-cross arms si Tanya at umirap ng todo sa kawalan.
"Hindi noh! Pustahan pa tayo, 500." tugon niya at inilapag ng palad niya sa mesa.

"Mukha ka talagang pera." sabat pa ni Rex. Ayon nakatanggap siya ng matinding irap mula kay Tanya.

"Hoy Tanya, ngayon aalis na ang mama mo. Tandaan mo hindi ka na makakagimik pa." sabi pa ni lola Teresa na ikinagulat rin ni Tanya.
"Ano?! No waaaay!" reklamo niya.

Sinamaan siya ng tingin ni lola Teresa at pinamewangan pa siya.
"Yes waaaay!" singhal nito. Kaya napabusangot ang mukha ni Tanya at nilingon ang kanyang ina. Tumatawa lang ito at nagkibit-balikat.

"Last na ang paggimik mo nung isang buwan. Naalala mo 'yon? Yung nag-jump over the bakod ka? Tas sumabit ka sa isang bakal? Kaya pumunta ka sa bar nang punit ang likod ng damit mo."

Napasalampak ni Tanya ang kanyang kamay sa noo at iniling-iling ang ulo niya. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin 'yon. Ang isa sa mga nakakahiyang nangyari sa buhay niya. Hindi niya kasi namalayan na sumabit yung damit niya sa bakal nung lihim siyang umalis ng bahay para gumimik. Napahiya siya sa bar nang may lalaking nakapansin sa punit niyang damit, parang nagsuot siya ng backless na loose shirt nung gabing iyon. Haha!

"HAHAHAHA!"

Nabigla ang lahat sa biglang pagtawa ni Sasa, na para bang nasisiraan na ng utak. Kani-kanina lang ay ang tahimik nito. Parang nakabawi na nung maipasa sa kanya ang paglilinis ng kubeta. Tanggap na ata niya ang magiging kapalaran niya.

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now