Kabanata 41

5 0 0
                                    

PAGSAPIT ng alas siyete ng gabi, nagtatakha kami kung bakit hindi pa nakakauwi si tito Roger. Kanina kausap siya ni Rex sa cellphone nito noong pauwi na kami sa bahay. Nabanggit ni tito na uuwi siya ng maaga at sabay-sabay raw kaming maghahapunan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakauwi.

Nag-aalala na nga si lola at ang mga pinsan ko, pati rin pala ako. Tinatawagan na rin ni Rex ang sekretarya ni tito, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang numero ng babaeng iyon at wala akong pakealam. Ilang beses na rin naming tinawagan ang telepono niya pero ni-isa sa mga tawag namin ay hindi niya sinagot.

Nauna nalang kami kumain at hindi na namin naisipan pang hintayin si tito. Kasi baka mahuhuli lang siya ng uwi o 'di kaya nang-iscam lang siya na uuwi siya ng maaga para sabayan kami. Pero hindi pa naman nang-scam noon sa amin si tito ah.

Nandito kaming lahat sa salas, si lola humihingi na ng tulong sa mga malalayong kamag-anak namin na mga pulis. Hindi naman nawawala si tito ah.

Si Rex tinatawagan na si tita Lea sa labas ng bansa. Sina Tanya may kino-contact na mga tao na kilala nila na nagtatrabaho sa kompanya. Wala pa akong nasagap na balita mula sa kanila. Nakaupo lang ako dito sa sofa, walang ginagawa at pinapanood lang sila. Hindi ko naman kung ano ang maitutulong ko. Ayaw ko rin sabihin sa kanila na nakita ko pa kanina sa kompanya si tito, baka magtakha sina Tanya.

Hindi ko kasi sinabi ss kanila ang totoo, na pumunta ako sa Corpuz Company. Si Chandler lamang ang nakakaalam tungkol do'n. Mabuti nakaisip kami ng magandang dahilan at iyon na nga, napaniwala namin ang mga ugok. Hayss.

"Lola, nalaman ko mula kay Ella na kilala ko sa kompanya na pumasok sa araw na 'to si tito." biglang sabi ni Tanya, kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakatingin siya sa screen ng smartphone niya at may tinipa-tipa ro'n."Kaso hindi niya daw nakitang lumabas ng building si tito."

"Eh, nasaan na iyang Ella na yan?" tanong ni lola sa kanya.

"Nasa kompanya pa po. Kahit nga po ang co-C.E.O ni tito, hindi po raw nilang nakitang lumabas ng gusali...tanging si tito Anton lang daw po ang lumabas."

"Si Anton Montellones? Isa sa tatlong stock-holders ng kompanya?" hindi makapaniwalang tanong ni lola sabay tingin sa akin.

Parang may kakaiba, hindi kaya magkasama ngayon sina Kai at tito? O may ginawang ka-demonyohan na naman si Anton. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin kanina ni Kai. Kinamumuhian niya ang tatay niya at alam ko na nasabi niya ang dahilan non. Arghh.

"Baka nasa kompanya pa ang tito Roger niyo at may tinatapos lang na mga papeles kasama ang co-CEO niya. Nabalitaan niyo naman na may problema ngayon ang kompanya." magaang ani lola. Pinapagaan niya lamang ang loob namin para hindi kami mag-alala kay tito, pero siya rin naman.

Bigla akong nakaramdam ng antok, kaya tumayo na ako at tinignan silang lahat.
"Magpapahinga na po ako." paalam ko sa kanila, gaya ng ginagawa ko palagi, hindi ko na sila hinintay pang sumagot at dumiretso na ako sa kwarto ko sa taas.

Pagpasok ko sa loob, isinara ko kaagad ang pinto at ini-lock iyon para walang makapasok na ugok. Lumapit ako sa study table ko at umupo sa upuan. Pinulot ko isa-isa ang mga nalaglag na mga highlighter sa sahig at inilagay iyon sa lalagyanan.

Ah, naalala ko na hindi ko pa pala nababalutan ng wrapper ang regalo ko para kay Claire. Napatingin ako sa nakarolyong foil sa gilid ng mesa, kulay ginto iyon. May kasamang ribbon na kulay pilak.

Sa susunod na linggo na ang kaarawan niya, pero may problema kaming kinakaharap. Hindi namin alam kung may tinatapos bang mga papeles si tito o nawawala ba siya. Baka nakalimutan lang ni tito na uuwi siya ng maaga, importante ang kompanya at naiintindihan ko naman iyon. Ewan ko nalang sa mga ugok. Pero hindi namin maiwasan na mag-alala kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag namin.

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now