Kabanata 36

9 0 0
                                    




THIRD PERSON'S POV

GRADE 8 siya nang makilala niya si Harvey, una silang magkita ay no'ng christmas party nina Rex. Magkaklase kasi sina Rex, Mia at Harvey noon. Naging crush pa muna ni Tanya si Harvey no'n, palagi siyang dumadaan sa classroom ng pinsan niya para masulyapan ang lalaki.

Mula non, napapansin na rin siya ni Harvey. Nakakahalata na kasi ito dahil palagi siyang dumadaan sa harapan ng classroom nila. Naging magkaibigan sila, alam ni Rex na crush niya si Harvey. Ito pa nga ang tumulong sa kanya para mapalapit sa lalaki. Pero nakabantay naman ito sa kanila, gusto kasi nitong makasiguro na walang gagawing kalokohan ang dalawa.

Hindi naglaon ay nagkaroon din ng pagtingin si Harvey kay Tanya. Humingi pa nga ito ng tulong kay Rex kung papaano aamin sa kanya. Sa madaling salita, si Rex ang naging tulay na maging sila. Isa pa may tiwala naman si Rex kay Harvey, dahil nga magkaibigan sila.

Ngunit no'ng maging official silang magkasintahan, hindi naging madali sa kanila ang lahat. Nandyan ang mga tagahanga nila na halos sambahin na sila.
Dahil nga nagtataglay rin ng kagwapuhan si Harvey, gaya ng pinsan nito. Maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. Isa na ro'n ang grupo ng kababaihan na patay na patay sa kanya. Ang ANGELS.

Nang malaman nila na may relasyon si Harvey at Tanya, muntik na silang sumabog sa inggit. Sa tuwing nakakasalubong nila ang dalawa, palagi nilang binibigyan ng masamang tingin si Tanya. Nagpadala nga sila noon ng mga banta. Oo, binabantaan nila ang buhay ni Tanya.

Sino ba ang hindi magkakagusto kay Harvey Malvar? Gwapo, member ng Darkness gang, 17 palang may sarili ng mga sasakyan, at higit sa lahat mayroon siyang nakakaakit na abs. Pambato rin si Harvey sa mga contest ng unibersidad.

Umabot rin ng isang taon at pitong buwan ang relasyon nila bago iyon natapos dahil sa kasamaan ng ANGELS. Sa murang edad ay natuto na silang uminom ng mga alak at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Maliban nga lang kina Harvey, Tanya, at Chandler.

Inimbitahan sina Harvey at Chandler ng isang kaibigan sa birthday. Nagpaalam naman si Harvey non kay Tanya, pumayag ito kaagad dahil nalaman nitong sasama rin si Chandler, kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Tsaka may pupuntahan din silang birthday celebration ng mga kaibigan nito.

Pero wala itong kaide-ideya na sa iisang birthday celebration sila ng pupuntahan. Kung nasaan ngayon sina Harvey.

Nag-enjoy ng sobra si Harvey sa party, walang kaalam-alam na nadito rin ang girlfriend niya. Nalunod na rin siya sa alak at nahiwalay sa kasama niya, si Chandler. May babaeng nag-abot sa kanya ng baso na may alak, ngunit lingid sa kaalaman niya mayroon iyong hinalong droga. Hindi pa niya naranasan gumamit ng droga at ayaw niyang gumamit niyon. Alam niyang magagalit sa kanya ang lolo nila ni Chandler.

Dahil sa sobrang kalasingan, ininom niya ang inabot na baso ng alak ng babae. Nakipagsayaw pa siya sandali dito at sa mga oras na iyon, si Tanya ang nakikita niya sa babae. Kaya lubos siyang nagtakha kung ano ang ginagawa ng nobya niya sa lugar na iyon.

Gumigewang-gewang na ang paningin niya at muntik na siyang bumagsak sa sahig, ngunit walang nakapansin sa kanya. Ang mga kapwa nilang estudyante na kasama nila dito sa bahay ay wala na rin sa kani-kanilang mga sarili. Para bang naging takas mental na ang mga ito. Wala rin humpay ang pagsigaw nila sa saya at tuloy-tuloy ang pag-indak nila sa nakabibinging tugtog.

Wala na rin sa sarili si Harvey kaya hinayaan niya ang sarili niya na magpatangay sa babaeng kasama niya. Hindi niya rin kayang pigilan ang babae lalo na't kamukha nito si Tanya. Pumasok sila sa isang kwarto at itinulak siya ng babae sa kama. Napahilata siya ro'n, mabilis siyang pinatungan ng babae tsaka siya sinimulang paulanan ng mga halik sa leeg at panga.

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now