Kabanata 39

8 0 0
                                    

NAIKUYOM ko na lamang ang palad ko matapos panoorin ang mga kuha ng security camera ng hotel. Pagkagising ko kanina ay naipadala na ni Portino ang hinihingi ko. Pinanood ko lahat, simula no'ng dumating kami nina Eliotha sa nasabing lugar. Napansin ko kaagad ang isang kahina-hinalang lalaki na hindi naman naka-costume gaya namin kagabi. May dala-dala itong malaking bag at mukhang magche-check in sa hotel. Kaso alam naman namin na sarado ang hotel dahil sa party.

Makalipas ang dalawampung minuto ay lumabas na ito, ngunit sa fire exit siya dumaan. Pero wala na siyang dalang bag. Malinaw na sa akin na siya nga ang nagdala ng pampasabog. Pakiramdam ko may nag-utos sa lalaking ito.

Nakita ko rin ang pangyayari sa loob bago nangyari ang pagsabog. Iyong umalis sina Mia at Eliotha para mag-cr. Pero may napansin akong kakaiba sa video nang papunta na silang dalawa sa cr, may lalaking sumusunod sa kanila. Huminto rin ito nang makapasok na sila sa cr at tumambay pa muna ito sandali sa labas. Gaya namin ay nagco-cosplay din siya ng ML hero, kino-cosplay niya si Leomord.

Wala na siya sa labas ng cr nang makalabas na sina Eliotha at Mia. Kapansin-pansin ang pamumutla ni Eliotha, hindi rin siya makapakali, palinga-linga siya sa paligid. Kung hindi ko lang siya kilala, baka siya ang paghihinalaan ko na nagpasabog sa hotel.

Nang makabalik na silang dalawa sa amin, napakagulo ng mga tao sa lobby dahil sa games. Lahat ng atensyon nila ay nasa mga naglalaro ng trip to Jerusalem. Maririnig din ang sigawan at tawanan ng mga tao. Sa oras na iyon ay kinakausap na ni Eliotha ang mga pinsan niya, sa aming lahat na naroroon, sila lamang ang napakaseryoso ang mga reaksyon sa mukha. Nakuha rin sa video ang pagmamatigas ng mga pinsan niya. Ako sa kanya iniwan ko na ang mga iyan, haha. Pero alam ko na hindi iyon magagawa ni Eliotha. Ako rin 'no, hindi ko kayang iwan do'n si Harvey kapag alam kong may mangyayari.

Kung nakinig lang sina Tanya sa kanya, edi sana hindi nagkasugat sa tuhod si Eliotha. Kawawa naman ang Valentine ko. Hmp.

Pero ang nagpagulo sa utak ko ay ang huling kuha ng security camera sa lobby. Ang mabilis na pagtakbo ng lalaki na sumusunod kanina kina Eliotha na cosplayer ni Leomord at may bitbit itong bag. Kapareho sa bag na dala-dala ng kahina-hinalang lalaki na pumasok sa hotel at balak yatang mag-check in. Tinignan ko rin ang kuha ng camera sa main door ng hotel pati na rin sa malaking puno na nasa harapan ng gusali.

Nang makalabas ang lalaki sa pinto, luminga-linga pa muna siya sa paligid. Sa mga oras na iyon ay walang mga tao sa labas at lahat ay nasa loob ng hotel. Malayo ang parking-an ng La Mendez at sigurado na may tao ro'n. At dahil natataranta na siya, wala siyang nagawa kundi ang ihagis ang bag sa malayo. Mga ilang metro rin ang layo mula sa hotel. Gano'n siya kalakas?

Sumunod niyon ay ang malakas na pagsabog na ang nangyari. Iyong lalaki, tumalsik sa main door at nawasak iyon dahil sa lakas ng pagsabog at hanggang doon nalang ang nakuha ng mga camera. Nag-black out na. Hindi ko nga alam kung nakaligtas ba ang lalaking iyon. Napabilib niya ako sa katapangan niya, isa siyang bayani. Iniligtas niya ang mga tao sa hotel kasama na kami.

Isi-nent ko kay Harvey at Callixto ang mga video sa security camera. Kailangan ko ang tulong nila p







THIRD PERSON'S POV

ARAW ng undas ngayon, kasalukuyan na naghahanda sina lola Teresa at Roger. Pupunta sila sa sementeryo para dalawin ang mga namayapa nilang mahal sa buhay. Dadalhan din nila ang mga ito ng mga magagandang bulaklak. Si Sasa at Claire lamang ang sumama sa kanila, sila lang kasi ang gustong sumama. Mananatili naman sa bahay sina Rex, Tanya at Isabela.

Gustuhin man ni Isabela na sumama, ngunit pinagbawalan siya nina Rex at Chandler na lumabas dahil nga sa natamo niyang sugat sa magkabilang tuhod. Nalinisan naman ang mga iyon at tinakpan ng gasa.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon