Kabanata 35

5 0 0
                                    



ISABELA'S POV

HINDI ko alam kung ano ang gagawin namin ngayon dito sa mall. Kasama ko sina Chandler, ang mga pinsan ko, si Harvey, Callixto, Mia at Ernie. Sampo kaming lahat at by partner pa talaga kami, ewan ko nalang kina Harvey at Tanya.

Pumasok kami sa isang pagawaan ng mga damit, sinalubong kami ng isang lalaki na nakasuot ng kulay pink na polo shirt, brown na shorts at balat na sapatos. Napansin ko agad ang baby blue na scarf na nakapalupot sa leeg nito at ang lambot rin nitong gumalaw.

Lumuwag ang ngiti nito nang makita ang mga lalaking kasama namin. Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya sa tuwa.

"Good morning, anong maitutulong ko sa inyo?" bungad niya sa amin.

"Good morning din po sa inyo.." magiliw na bati pabalik ni Chandler.

"Magpapagawa po kami ng costume.." sabi pa ni Rex. Napansin ko na humiwalay na sa akin ang mga ugok at nagsimula nang galawin ang mga damit at kagamitan dito sa loob ng tindahan/pagawaan.

"Ohh? Ano pala ang ipapagawa niyo?" nakangiting tanong nito.

"Alam niyo naman po siguro iyong mobile game na ML?" ani Chandler.

"Oo naman, naglalaro din ako niyan. Bakit? Magpapagawa ba kayo ng mga ML heroes costume?"

"Tumpak! A-attend kasi po kami sa MLBB halloween party."

"Magkano po ba ang magpagawa?" tanong pa ni Tanya habang sinusuri ang mga telang nakasabit sa isang sulok.

Tumingin sa ito sa kanya."Hindi naman kamahalan ang singil ko, dipende sa costume na ipapagawa niyo." sagot nito.

Tumango si Tanya."Okay.."

"Kayong lahat ba ay magpapagawa ng costume?" nagbaling na ito ng tingin kay Chandler.

"Opo...Gusto ko po sana na matapos kaagad ang costume na ipapagawa namin sa susunod na linggo."

Bahagyang natawa ang binabae na 'to, hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanya, hindi naman siya nagbigay ng pangalan. Siya na si Unknown beki.

"Kung iyon ang gusto mo, marami akong mga tauhan at kayang-kaya nilang matapos ang ipapagawa ninyong costume sa araw na gusto mo." nakangiting ani Unknown beki.

"Pwede bukas?" tanong pa ni Rex. Lalo itong natawa. Siraulo.

"Kung pwede lang. Hahaha wala akong magic powers, red hair cutie." kumunot ang noo ko at pati na rin 'tong katabi kong si Mia nang marinig ang tinawag ni Unknown beki kay Rex. Red hair cutie?! Bwiset.

"Give me the list.." ani nito saka inilahad ang palad nito sa harapan ni Chandler.

"List?" takhang tanong ng Baliw. Hindi yata nakapaghanda ng listahan ng mga ipapagawang costume, ewan ko. Hindi naman ako ang nagdesisyon sa costume na isusuot ko. Hinayaan ko na si Chandler ang pipili para sa akin.

"Listahan ng mga costume na ipapagawa natin, sinabi ko na sa'yo na ilista mo yon." inis na sabi ni Callixto.

"Kingina naman, nakalimutan kong gumawa."  napasabunot si Chandler sa abo niyang buhok at nagbaling ng tingin sa akin. Oh, naalala niya pa ako. Kanina niya pa kasi ako hindi pinapansin mula no'ng dumating kami dito sa mall, ewan ko ba kung anong nakain nito. Sina Callixto at Harvey lang ang kinausap niya kanina. Tsk.

"Valentine hehe...I need help."

"Bahala ka sa buhay mo." walang gana kong sabi at inirapan siya. Napalabi ang baliw at mukhang magta-transform na naman ito sa pagiging bata. Huwag dito!

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now