Kabanata 42

3 0 0
                                    



SUMIMSIM siya sandali sa straw ng milktea niya at tumingin sa labas ng milktea shop. Napansin niya ang biglang pagdating ng tatlong magagarang sasakyan at pumarada sa mismong harapan ng shop. Kumunot ang noo ni Isabela nang bumaba ang apat na lalaki sa unang sasakyan.

Parehong nakasuot ng itim na suit at naka-sun glasses. Maganda ang ayos ng kanilang mga buhok at napakaganda rin ng kanilang tindig. Nawala si Isabela sa sarili niya dahil sa mga ito. Ang mga tao sa loob ng shop ay napatulala nalang sa mga bagong dating.

Mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa mga ito at nagbaling sa pangalawang sasakyan nang bumukas ang pinto niyon. Napangiwi si Isabela nang makitang bumaba ro'n ang isang matangkad na lalaki. Tantya niya nasa 35-39 ang edad nito, kapansin-pansin ang itim na itim nitong buhok, matangos na ilong at mapupulang labi. Gaya ng mga bodyguards nito, nakasuot din ito ng sun glass kaya hindi makita ni Isabela ang mga mata nito.

"Sino kaya ang mga ito?" tanong ni Isabela sa sarili.

Lumapit ang isang bodyguard sa lalaki at saka ito pinayongan. Nakagat na lamang ni Isabela ang ibabang labi niya nang maglakad  ang mga ito papasok ng milktea shop kung nasaan siya ngayon.

Nakasuot ang lalaki ng white long-sleeve na polo at pinatungan ng gray coat, gray din ang kulay ng suot nitong slacks at itim na leather shoes. Napalunok si Isabela nang alisin ng lalaki ang sun glass nito at nakita niya ang magagandang mga mata nito.

Sumandal siya sa inuupuan niya at sumimsim ulit sa milktea niya. Pasimple niya pang inipit ang kulay ginto niyang buhok sa tenga at bumuntong hininga. Kailangan niyang umakto ng normal. Hindi dapat siya magpapakita ng kahit anong reaksyon sa mga tao dito.

"Excuse me, miss."

Nag-angat siya ng tingin sa lalaking nasa gilid niya, isa iyon sa mga bodyguard.

"Bakit?" mataray niyang tanong dito.

Napansin niya na nakatayo ang mga bagong dating sa harapan ng table niya at lahat ay diretsong nakatingin sa kanya.

"Are you Isabela Corpuz?" tanong bigla ng lalaki na mukhang boss ng mga nakaitim na lalaki.

"Yes, and you are?.." ani Isabela at pinanliitan ng mga mata ang lalaki.

"I am Akie Mendez." simpleng sagot nito. Halata na nagulat si Isabela pero sinikap niya pa rin na huwag magpakita ng kahit anong reaksyon sa mukha niya.

Napangisi siya sa isipan niya."You may seat there.." wika niya sabay turo sa upuan na nasa tapat niya.

Narinig niya pa ang pag-ismid ni Akie bago ito umupo. Nanatili namang nakatayo ang apat sa magkabilang gilid nila.

"You looked exactly like your father." ani Akie.

Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o hindi. Ngunit isang pekeng ngiti lamang ang ibinigay niya rito.

"Hindi ko inaasahan na mas bata pala ang CEO ng Mendez kaysa kay tito Roger." panimula niya saka ngumiti. Totoong ngiti yan ah.

Bahagyang natawa si Akie,"Hindi ko rin inaasahan na ganito pala kaganda ang anak ni tito Renato. Hm..nabanggit niya sa akin noon na bughaw raw ang buhok mo...then what happen to your hair?" tanong nito sabay tingin sa kulay gintong buhok ni Isabela.

"Mahabang kwento. Dumiretso tayo kaagad sa problema na kinakaharap ng kompanya namin." walang kaemo-emosyong wika ni Isabela. "At teka, papaano mo nakilala ang papa ko?"

"I knew your parents, I met them since when I was 11 years old. My mom and your parents are great friends. Isa nga si mom noon sa mga stock holders ng kompanya niyo."

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now