Kabanata 13

13 0 0
                                    




"UY! Akala namin hindi na kayo darating." nasabi ni Rex nang dumating na ang dalawa sa cafeteria. Umupo na sila sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Sasa. Naroon na sa mesa ang mga pagkain nila at kanina pa sila nito hinihintay. Sa tagal nilang dumating medyo nag-aalala na si Tanya sa kanila. Ten minutes nalang ay matatapos na ang break time nila at babalik na sila sa classroom. Pero mukhang male-late sila dahil hindi pa nakakain ang dalawang 'to.

"May sampung minutona lang bago matatapos ang break." saad ni Tanya matapos tinignan ang oras sa suot niyang wrist watch. Manlaki ang mga mata ni Claire sa narinig at napatingin kay Isabela.
"Let's eat! My gosh!" mabilis niyang kinuha ang lasagna at nilantakan iyon. Si Isabela naman ay kinuha ang malaking burger at kinain iyon. Yung paraan ng pagnguya niya ay parang hindi nagmamadali. May halong pag-iingat, para daw malasap niya ang lasa niyon. Whut? Anong ka-abnormalan yan, Isabela?

Nagpatuloy na rin sa pagkain sina Rex, hindi pa kasi sila tapos. Kasi sa tuwing kakagat o susubo sila ng pagkain, bigla nilang naiisip sina Claire. Kaya hindi pa sila masyadong busog. Ngayon nandito na ang dalawa, magiging maayos na ang pagkain nila.
Habang tutok sila sa kanilang mga kinakain, hindi sinasadya ni Sasa na mapatingin sa kanang kamay ni Isabela. Namumula ito at mahahalata talaga na may nangyari don. Parang hinampas ng kung ano.

"Ate? Anong nangyari dyan sa kamay mo?" tanong ni Sasa nang hindi inaalis ang mga mata do'n. Napatigil sina Tanya at Rex, gulat silang napatingin sa kamay nito at gumuhit sa mga mukha nila ang pagtatakha.

"Wala 'to."

"Anong wala? Halatang nasaktan ka." ani Rex. Nag-iba na ngayon ang emosyon sa mukha nila ni Tanya. Pinaghalong galit at pagtatakha na may pag-aalala. Anu daw?
"Sabihin mo sa amin, sinong may gawa niyan?" tanong ni Tanya na para bang isang matandang tao sa tapat ni Isabela. Hindi naman nagsalita si Isabela, tinignan niya lang ang mga ito saka nagbaling ng tingin kay Claire.

Napakamot si Claire sa ginintuan niyang buhok at plastik na tumawa. Hindi niya kasi alam kung papaano magsimula, tsaka hindi niya din alam kung ano ang ipinapahiwatig ng tingin ni Isabela.
"A-ahh..amm Kayla with her alalays started it."

Sabay-sabay na kumunot ang noo nilang tatlo at tinignan siya. With matching lapit ng mukha sa kaniya.
Isa-isa niya tinuro ang mga noo nila at itinulak palayo. Naamoy niya kasi ang hininga nila at amoy pagkain iyon.
"Started what? Tinambangan ba nila kayo?" curious si Rex.

"Ano ang ginawa nila sa inyo? Bakit namumula ang kamay ni Ate Isabela?" tanong pa ni Tanya.

"Sinaktan ba nila si Ate? Wala ka bang ginawa?" nakangiwi ang labi ni Sasa nang bigkasin ang mga salitang iyon. Mabilis na umiling si Claire at huminga ng malalim.

"Okay, it's story telling time!" saad ni Claire sabay irap sa hangin. Kaya ayon kinwento niya na ang lahat ng mga naganap, mula nung pagkaapak nila sa labas ng cr hanggang sa maloka ni Kayla sa pagdurugo ng ilong niya. Walang labis, walang kulang, eksaktong-eksakto. Walang halong lies at puro truth lang. Meganon?


Ilang sandali pa...


"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa ng tatlo. Nagulat ang mga kamag-aral nila na tahimk lang na kumakain sa kabilang mesa at napalingon sa gawi nila dahil sa bigla nilang pagtawa. Kanino bang atensyon ang hindi maaagaw sa nakakabinging tawanan na parang wala nang bukas. Oa kayo ah.

Nagkatinginan lang sina Isabela At Claire sabay kumibit balikat. Totoo namang nakakatawa iyon, pero naawa din sila kay Kayla. Basag na ang ilong, hindi nga sila sure kung nakakahinga pa ba ang bruhang iyon. Sa tingin ni Claire magiging maayos din iyon si Kayla, tsaka hindi nito ikakamatay ang pagno-nose bleed kapag naagapan din agad.

"Mabuti nga sa babaeng yon! Ba't si Kayla lang? Sana isinama mo ate yung dalawang alipores niya." tumatawang ani Tanya. Napahawak pa nga ito sa tiyan kakatawa.
"Ilan kayang stars ang nakita niya?" natatawang tanong ni Rex at bahagyang inatras ang plato ng kinakain niya kanina na lasagna na tulad rin kay Claire. Hindi niya na uubusin iyon, nabusog na siya sa pagtawa.

"Siguro na meet and greet niya na ang mga ninuno niya sa mga sandaling iyon! Hahaha! Sana tinuluyan mo na ate at para mabura na ang mga tulad niya dito sa earth!" sabi pa ni Sasa. Bumuntong hininga si Isabela at nagpatuloy na sa pagkain, gano'n din si Claire.

"Sayang talaga hindi natin nakita iyon! Baka pagtutulungan pa natin ang mga panget na 'yon!" sabi ni Rex at napailing-iling nalang sa naisip. Mukhang gustong-gusto din niyang saktan ang tatlong iyon.
"Naku! Pag ako nando'n, kakalbuhin ko talaga sila." gigil na saad ni Tanya sabay kuyom ng mga palad niya.

"Ako? Pagpipira-pirasuhin ko ang mga buto nila at yung laman naman nila ay ipapakai--"

"My gosh! We're eating here. Ambaboy mo." putol ni Claire sa sasabihin nito sabay umirap sa kawalaaaaan.
Napa-peace sign naman si Sasa at sumimsim sa straw ng orange juice nito. "Hayss, naiimagine ko na ngayon ang pagmumukha ni Kayla." mahinahong wika ni Rex at medyo natawa. Napailing-iling na lamang ang ulo ni Tanya at sumubo ulit ng sinangag na may hotdog at pritong itlog. Iyon ang laman ng dala-dalang blue bag ni Isabela, hindi kasi nakapag-agahan sina Tanya at Sasa. Kaya iyon ang una nilang kinain, isang bowl lang nga ang inorder nilang fries dahil may dala na silang baon.

Nang hindi na maubos ni Isabela ang kalahati ng burger, inilapag niya nalang iyon sa mesa at uminom ng tubig na hindi niya alam kung kanino. Basta niya nalang kinuha ang baso at basta na rin ininom. Pagkalapag niya sa mesa ay napatingin siya kay Rex nang mapansin na nakatingin pala ito sa kanya. Binigyan niya ito ng 'Ano?' LOOK'. Pero umiling lang ito at nagpacute, Saka umiwas ng tingin.

Dalawang minuto nalang bago magsisimula ang pang-apat na subject, ang Math. Ang pinakahate ng lahat, hindi naman as in lahat. May iilan naman na favourite subject ang Math. Nagagamit ba yon sa pagbebenta ng isda?

Nagdadalawang-isip pa nga sina Tanya kung papasok ba sila o hindi. Pero pinilit sila ni Rex na pumasok, sayang daw ang attendance. Ulol. Paborito niya ang Math kaya gustong-gusto niyang pumasok, kaya niyang isolve ang lahat ng problems kahit umabsent siya ng 3 buwan. Kaya tinagurian siyang Math wizard ng mga pinsan niya. E di sanaol. Ikaw nalang sana mag-isang pumasok! Tutal love na love mo yang Math na yan! Jusko! Sakit yan sa ulo!

Kahit nga rin si Isabela ay nagdadalawang-isip, hate niya rin ang Math. Pero minsan naiintindihan nita ito. Isa pa, sanaol. Magsama kayo ng pinsan mo!!

Pero ang ending, tumuloy din sila sa classroom. Paano ba kasi, tinakot sila ni Rex magsusumbong daw ito kay lola Teresa kung hindi sila papasok sa klase. Kaya ayon, dali-daling nagsitayuan at patakbong lumabas ng cafeteria. Magaling ka rin sa pananakot Rex ano?

•••

SHORT UPDATE!!!
SORRY, NGAYON LANG NAKAPAG-UPDATE. TAPOS MAIKLI PA. BAWI NALANG AKO NEXT UP.

IT'S MY DAY?💜

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now