Kabanata 22

8 0 0
                                    

NAKAPAHALUMBABA sa bintana ng sasakyan si Isabela. Sa passenger seat na naman siya nakaupo, nasa back seat naman yung tatlo: Rex, Tanya at Claire. Si Sasa naman ang nagmamaneho sa kotse. Papunta na sila sa Unibersidad, unang araw ng first quarter exam nila. Dalawang araw ang exam nila, hinahati ang walo nilang subjects.

First day-Filipino, Math, English at Mapeh.

Second day-Science, Values, T.L.E at History.

Ngayon lang naging excited sa exam ang magpipinsan, except kina Tanya at Isabela. Wala silang kaalam-alam na nag-review yung tatlo kagabi. Kaya ang aliwalas ng mga mukha nila.

Bumuntong hininga si Isabela at umayos ng upo. Tumingin siya sa likuran niya para tignan kung ano na ang ginagawa ng mga pinsan niya. Malapit na silang makarating sa school.

At yon nga, wala naman nagbago sa morning routine nila. Si Tanya na may earphone na nakasalpak sa tenga. Si Rex na nagi-scroll sa epbi at nagre-react at nagse-share ng memes. Si Claire na nagre-retouch ng make-up sa mukha, hindi pa ata satisfied. At si Sasa na driver nila. Syempre, hindi siya mawawala. Si Isabela na taong bato na may pusong yelo na palaging nago-observe sa mga pinsan niya.

Ibinalik niya nalang ang paningin niya sa kalsada at pinagmasdan ang mga kapwa estudyante nila na naglalakad papuntang Z.U.

Marami rin silang nakakasabay na magagarang sasakyan sa kalsada, pagmamay-ari ang mga iyon ng mga mayayaman na estudyante ng unibersidad. Yung iba pagmamay-ari ng mga teachers at iba pang staffs ng university. Half day lang sila ngayon, kaya uuwi sila ng maaga para makasabay sa pananghalian kay lola Teresa.

"Here we go guys! Nandito na tayo!" masayang anunsyo ni Sasa at saka pinihit pa-kanan ang manibela. Papasok na sila ng gate ng Z.U. Kaya inayos na ni Isabela ang strap ng bag pack niya.

"Hay salamat. " sabi ni Tanya na halatang walang gana. Mukha rin siyang nanghihina, ayos pa naman 'to kagabi. Baka nanghina siya dahil exam na nila ngayon. Wala kasi siyang isasagot.

"Mukhang hindi ka excited sa exam Tanya." sabi ni Rex saka ngumisi. Nakatanggap siya ng matinding irap sa pinsan."Excited ako, hindi lang obvious." tugon ni Tanya at sumilip sa labas ng bintana ng sasakyan.

Ipinarada na ni Sasa ang kotse sa dating parking-an ng sasakyan niya. Pagkatapos ay isa-isa na silang bumaba at kanya-kanyang ayos ng sarili. Malayo palang kasi, tanaw na tanaw na nila ang mga fanboys at fangirls nila. May hawak-hawak pang mga balloons at banners ang mga yawa. Nakasulat ro'n ang (Goodluck Corpuz Cousins!) Meron din sa kabilang banner na nakasulat na (Mag-aral ka ng mabuti bebe Rex para sa future natin muah!).

"Nag-review ka?" tanong ni Sasa kay Tanya. Umiling ito at ngumiti ng todo.

"Bakit pa ako magre-review? Hindi naman natin yon gawain diba? Magkokopyahan naman tayong lahat mamaya, gaya ng mga nakasanayan." confident na sagot ni Tanya. Medyo malakas ang pagkasabi niya no'n, kaso wala siyang pakealam kung meron man ang makakarinig dahil yun naman ang totoo.

Nagtakha si Tanya nang biglang humagalpak ng tawa sina Sasa, Claire at Rex. Yung tawa nila parang may halong pang-aasar na ewan. Hindi mo maintindihan. Nagsimula na silang maglakad papuntang campus B. Ngayon, lalagpasan na naman nila ang mga tagahanga nila, wala naman silang pakealam sa existence ng mga yawa eh.

"Kopyahan? Tsk. Wala ng ganon! Hahaha!" tawa ni Rex at napakumpas pa ng kamay sa ere.

"Wala nang kopyahan na magaganap ngayong grade 10 na tayo. Change is coming ika nga." sabi pa ni Sasa at bahagyang iniling-iling ang ulo.

Kumunot ang noo ni Tanya at hindi makapaniwalang tinignan ang mga mukha ng pinsan niya. Sinusubukan niyang basahin ang mga mukha nila at para malaman niya kung nagjo-joke lang ba sila. Well, kilala niya talaga ang tatlong 'to. Hindi as in never silang nag-review para sa exam. Nagkokopyahan yan sila mula pa no'ng elementary. Kaya malabong nag-review ang mga 'to at saka kung magre-review nga sila edi sana nagsabi ang tatlo sa kanya. O baka sinadya nilang hindi ipagbigay-alam sa kanya dahil gusto nilang lumagapak ang scores niya. Bad.

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now