Kabanata 11

13 0 0
                                    

PAGKABABA ni Isabela sa salas, nadatnan niya ro'n ang lola Teresa at tito Roger niya na sumasayaw ng cha-cha. Pero ang ipinagtatakha niya ay kung bakit sumasayaw sila ng walang tugtog. Ang weird lang, mukhang nage-enjoy pa sila sa ginagawa nila.

Ito ang unang pagkakataon ni Isabela na makakita ng isang pares ng mananayaw na sumasayaw ng walang tugtog.

"Oh! Mabuti gising kana. Halika, mag-almusal ka muna." bigla nalang sumulpot sa kung saan si Lea at namalayan niya na lang na tinangay na pala siya nito papuntang kusina.
Tatanungin niya ito kung bakit gano'n ang lola at tito niya, eh mukhang mas weird pa ang mga ito kaysa sa kanya.

"Bakit po sila sumasayaw ng walang tugtog?" tanong niya dito. Hinila ni Lea ang isang upuan at sinensyasan siya nito na do'n umupo. Kaya umupo rin siya at tumingin sa tita niya.

"Ewan ko rin diyan, basta ang alam ko lang eh mahilig sumasayaw sina Mama at ng tito mo nang cha-cha ng walang tugtog." tugon nito. Mukhang hindi niya malalaman kung bakit ang weirdo nila. Eh kung tanungin mo ang lola mo?

"Nakakabilib din sila noh? Sumasayaw ng walang kanta haha." tumatawang dagdag pa ni Lea. Siyempre, hindi tumawa si Isabela. Seryoso lang siyang nakatingin sa tita niya na ngayo'y pinagtitimpla siya ng kape. Lihim lang siyang umirap sa kawalan at tinignan ang lola at tito niya. Kita niya ang saya sa mga mukha nila habang sumasayaw.

"Paano kaya kung nalaman 'to ni Marcelo? Na ang mga apo niya sa tuhod ay ganito kaweirdo." sabi ng kaniyang isipan.

"Himala ah, ikaw ang naunang nagising sa mga pinsan mo." ani Lea at ngumiti.

"Si Rex po?" tanong niya pa.

Nakita niya ang pag-ikot ng mata nito nang banggitin niya ang pangalan ng anak nito. Ganyan talaga yan si Lea, mahal niya naman ang anak niyang si Rex, pero ayaw niya ang pag-uugali nito. Na sabi ni lola Teresa ay minana raw nito sa lolo Joselito nito. Hindi niya rin masasabi na minana nga ni Rex ang ugali ng lolo nila, kasi hindi niya naman nakilala si Joselito, ang asawa ni lola Teresa. Matagal na kasing nategi.

"Tulog pa ata. Hayaan mo na sila, huwag mo na silang hintayin. Bahala na sila sa mga buhay nila." saad nito at inusog papalapit sa kanya ang tinimpla nitong kape.

"Pero sina lola at tito Roger po?" tanong niya pa at sinulyapan ang mga ito sa salas. Umiling-iling si Lea at hinainan ng sinangag ang plato niya.

"Mamaya pa sila. Ikaw muna ang kumain. Pagsisilbihan kita." wika nito saka ngumiti ng malawak. Napatulala saglit si Isabela sa mukha ng kanyang tita, bigla nalang kumirot ang puso niya nang maalala niya ang kanyang ina.

Pero napailing-iling ang ulo niya, bakit niya naman naalala ang babaeng nagluwal sa kanya. Hindi niya nga ito nakita o naramdaman ang pag-aalaga nito. Lumaki siya nang wala ang mga magulang niya, at ang mga lolo at lola niya sa ina ang gumabay sa kanya. Ngunit nang bawiin na ng Diyos ang dalawa, napaisip siya na baka masaya na silang pareho sa langit. Baka nagkita-kita na ang lolo at lola niya pati ng magulang niya sa taas at marahil isinumbong na siya ng mga ito sa pagiging taong bato niya. Pero kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin siya at mayroon pa siyang pamilyang natitira.

"Kaya ko naman po ang sarili ko." aniya at umiwas ng tingin. Nabigla siya nang tabihan siya nito at marahang hinawakan ang kanan niyang kamay. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Lea. Hindi niya maintindihan, bakit nakikita niya ang isang pamilyar na ginang sa mga mata nito.

"Gusto kong alagaan ka sa mga huling sandali bago kami umalis. Nais kong iparamdam sayo ang kalinga ng isang ina." mahinahong wika nito at dahan-dahang hinaplos ang kamay niya.
Hindi siya nakapagsalita, tumitig lang siya sa mga mata nito habang pinapakinggan ang pagdaungdong ng puso niya.

Isabela(Completed)Where stories live. Discover now