Kabanata 40

3 0 0
                                    


"IKAW pala si Chandler, bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa akin, apo?" tanong ni lola Teresa at nagbaling ng tingin kay Isabela. Kasalukuyan silang nagtatanghalian ngayon sa hapag, kasama nila si Chandler. Hindi muna siya pinauwi ni Isabela dahil gusto nitong ipakilala ang lalaki sa lola nila.

Sakto naman ang dating nina Sasa at Claire mula sa double-date nila ng mga jowabels nila. Ngunit hindi na sila sumabay sa tanghalian dahil katatapos lang nilang kumain sa labas.

"Ngayon ko lang po naisipan iyon. Kaya hindi ko na siya pinaalis kanina." sagot ni Isabela gamit ang walang gana niyang boses. Suot-suot niya na naman ngayon ang walang emosyon niyang mukha habang kumakain.

"Nabanggit kana noon sa akin nina Rex at Sasa eh. Malvar ang iyong apelyido, tama ba?" tanong ni lola Teresa kay Chandler.

Dalawang beses itong tumango,"Opo, lola. Teka? Nabanggit na ako nila?" hindi makapaniwalang tanong niya saka tumingin sa katabi niya, si Rex.

Tinaasan naman siya nito ng isang kilay habang nginunguya ang kinakain nito. Napangiti silang lahat, except kina Rex at Isabela.

"Tsaka pamilyar na sa akin ang pangalan mo, hijo. Minsan kana rin nabanggit ni Harvey, magpinsan kayo 'di ba?"

Tumango siya ulit."Opo, pero para sa inyo lola, sino ang mas gwapo? Ako o si Harvey?" ngiting tanong niya sa matanda. Nagsalubong naman ang kilay ni Isabela sa narinig niya at sinamaan ng tingin si Chandler. Si Tanya naman ay muntik nang mabulunan dahil do'n, samantalang, wala naman pakealam si Rex at tuloy-tuloy lang sa pagkain.

Marahang natawa si lola Teresa at iniling-iling ang kanyang ulo."Lahat naman ay mga gwapo at magaganda, wala namang ginawang pangit ang Diyos."

"Ako ang gwapo, ulol." sabat ni Rex habang puno ng pagkain ang bibig nito.

"Reynaldo." saway sa kanya ng matanda sabay itinuro bibig nito gamit ang kutsara. Nakapag-peace sign ito sa lola nito at nagtuon nalang sa pagkain.

Nagbaling ulit ng tingin si lola Teresa kina Isabela at Chandler. Ngumiti siya at pinagmasdan ang mga ito. Hindi nila namalayan na nakatingin na pala sa kanila ang matanda.

"Alam niyo mga apo, bagay na bagay kayong dalawa." wika niya, kulang nalang talaga ay kuminang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga ito. Nagpalitan naman ng tingin sina Isabela at Chandler at sabay ngumiti.

"Bagay na bagay po talaga, lola. Gusto ko po siyang maging asawa ko, lola. Pwede po ba?"

Nanlaki ang mga mata niya.
"Mga bata pa kayo, bakit mo naman naisip--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang magsalita ito ulit.

"Ah, kapag nasa tamang edad na po kami. Payagan niyo sana kaming magpakasal." nakangiting ani Chandler.

"Kayo ang bahala. Payag naman ako, alam ko pati na rin ang mga tito at tita niya. Kung saan sasaya si Isabela, do'n din kami. Susuportahan namin siya, 'di ba mga apo." ani lola at nagbaling ng tingin kina Tanya at Rex.

Sabay tumango ang mga ito, nagthumbs up naman si Rex. Napangisi si Chandler at sinagi ang braso ni Isabela kaya napatingin ito sa kanya.

"Hehe payag sila. Pagka-graduate natin ng college, magpapakasal na tayo ah." sabi niya at kinindatan ito.

"Sige." maikling sagot nito.

"Ako na po ang bahala sa lahat, dumiretso na  lang po kayong lahat sa simbahan." pabirong ani Chandler sa kanila.

"Gago. Yabang mo naman, Chand." natatawang sabi ni Tanya.

"Syempre, galing dapat sa bulsa ko ang gagastusin sa kasal. Sariling sikap para sa kasal namin hmp!" sabi pa niya at inikutan ng mata si Tanya, kaya mas lalo itong natawa.

Isabela(Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin