Kabanata 7

12 0 0
                                    


MAKALIPAS ang ilan pang minuto ay dumating na rin ang adviser nila na si Mrs. Ituralde. Matangkad pa ng kaunti kay Isabela dahil sa suot nitong heels, maganda, may mala-porselanang balat at nakalugay ang itim nitong buhok na hanggang kili-kili lang. Napatitig si Isabela sa ginang mula nung makapasok ito sa pintuan hanggang sa makarating ito sa harapan ng white board.

"Magandang araw sa inyo." bati nito s lahat at ngumiti ng marahan. Hindi na kailangan pang tumayo ang mga students kapag babati sa teachers, magsasayang lang sila ng segundo sa pagtayo. Kaya nanatili silang nakaupo.

"Magandang umaga rin po, Mrs. Ituralde." bati ng lahat pabalik, hindi na sumabay sa pagbati si Isabela tinitigan niya nalang ang ginang.
Inilapag na ni Mrs. Ituralde ang bag nito sa mesa pati ang iba pa nitong mga gamit. Isa-isa niyang tinignan ang mga estudyante sa loob ng classroom para bang may hinahanap siya, hanggang sa huminto ang mga mata niya kay Isabela.

"Ma'am, wala pa po si Chandler." sabi ni Kenneth at napaayos ng upo.
"Late na naman ang batang iyon. Hay ewan, palagi nalang. Bakit ba siya nalelate ng pasok?" inis na tanong niya kay Kenneth. Nagkibit-balikat lang ito saka nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

"Tanungin niyo po siya." biglang sabi ni Sasa kaya nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa ginang.
"Tse!" asik niya at inirapan sila. Umiinit na naman ang ulo niya, ke-aga aga kumukulo na ang dugo niya.

"Teka! Parang may bagong mukh sa klase ko." sabi niya at nagbaling ng tingin kay Isabela. Biglang gumuhit sa labi niya ang isang napakatamis na ngiti saka dahan-dahang lumakad papalapit sa row nina Isabela.
Walang emosyon ang mababasa ngayon sa mukha ni Isabela, para siyang patay na muling nabuhay.

"Magpakilala ka sa lahat." saad ni Mrs. Ituralde saka itinuro ang mesa niya kung saan nakapatong ang mga gamit niya. Tumayo kaagad si Isabela at pumwesto sa harapan. Ngayon kitang-kita niya na ang lahat at ang mga mata nila'y nakatutok ngayon sa kanya.

Inilapit ni Sasa ang bibig niya sa tenga ni Rex at nagsalita.
"Kinakabahan ba siya? Check mo nga." bulong nito kaya tinignan ni Rex ang kabuoan ni Isabela, ngunit wala siyang nakitang senyales na kinakabahan ito. Umiling lang siya.

"Talaga? Sanaol."

"Im Isabela Corazon Eliotha Corpuz, 17. You guys are freely to call me Isabela." pagpapakilala niya sa sarili, gamit ang seryoso niyang tinig. Lahat ay nag-aalinlangang ngumiti, yung iba nag-iiwas na ng tingin, at mayroon din ay napapalunok ng laway. Wala eh, natakot sila sa paraan ng pananalita ni Isabela. Tinig palang niya nakakapanindig balahibo na, pati na rin ang prisensya niya. Para bang nababalutan siya ngayon ng itim na mahika. Witch ka sis?

"Oww! Maaari ba kitang tawaging Eliotha? Ayaw ko kasi sa Isabela." pakiusap sa kanya ni Mrs. Ituralde. Bigla nalang naestatwa si Isabela sa kanyang kinatatayuan nang banggitin ng ginang ang ika-tatlo niyang pangalan. Nilingon niya ito at sinikap niya na panatilihing walang emosyon ang kanyang mukha, kunwari hindi siya nagulat sa pagbanggit nito sa pangalan niya.

"Maaari ba?" tanong pa nito ulit at ngumiti ng marahan. Hindi siya sumagot, tinapatan niya lang ang tingin ni Mrs. Ituralde. Nagtaas ng kamay si Tanya, kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Ma'am, kaming apat po ay may Eliotha sa pangalana. Baka malito po kami kung sino ang--"

"Tsk, hindi niyo naman ginagamit ang Eliotha, saka hindi naman iyon sa inyo. " saad ng ginang. Kumunot ang noo ng lahat dahil sa sinabi ng ginang, maliban na nga lang si Isabela na wala pa ring reaksyon sa mukha.

"Po?"

Humugot ng hininga si Mrs. Ituralde at pinamewangan si Tanya.
"Manahimik ka muna riyan, Tanya---"

"GOOD MORNING MA'AM! GOOD MORNING GUYS! LATE NA NAMAN AKO!!!"

Sabay silang lumingon sa may pintuan nang marinig ang sigaw na iyon at nakita ro'n ang Vice President ng klase nila, late since June 1.
Walang iba kundi si Chandler Gregorio Malvar.

Magkasing-tangkad lang sila ni Rex, umaapaw ang kagwapuhan. Mayroon siyang perpektong hugis ng mukha, matangos na ilong, makakapal na kilay na kilabot sa mga girls at malabunot na buhok na kulay abo. Nakakahalina ang itim niyang mga mata pati na rin ang mahahaba niyang pilik mata. Ang mapupula't manipis niyang labi na bawat minuto ay kinakagat niya, paminsan rin ay binabasa. Kaya isang ngiti lang ay laglag na ang panga ng mga babae.

"Halaka! Patay ka ngayon, Chand!" pananakot pa ni Kenneth at medyo natatawa.

Napahampas sa armchair si Veronica at natutuwang tinuro ang kaibigan.
"Yan tayo eh!" kantyaw nito.

"Late as always hehe" sabi ni Chandler at ngumiti sa ginang na tiyahin niya. Masama na ang tingin nito sa kanya, pero chill lang siya dahil alam niyang papalagpasin niya ito gaya nung mga nauna.

"Hindi yon nakakatuwa, Chandler! Porket pamangkin kita aaraw-arawin mo ang pagiging late! Makailang beses ko ba--"

"Ika-lima na po ito." putol niya sa mga sasabihin pa nito. Napapikit nalang ng mariin si Mrs. Ituralde at huminga ng malalim.

"Gusto mo bang makarating 'to sa Daddy mo?" tanong ng ginang at ngumisi. Namilog ang mga mata niya at umiling-iling. Ayaw niyang malaman iyon ng ama niya tiyak ay hindi na siya nito bibigyan ng allowance.

"Huwag naman po sa gano'n. Promise hindi na po ako male-late. Last na po 'to." sabi niya at ipinakita ang hinliliit niya. Tinaasan siya ng isang kilay ng kanyang tiyahin, idinaan niya iyon sa pagpapacute. Alam niya kasing marupok ito sa kanya.

"Hmp! Tse!" kitams.

"P.R.O.M.I.S.E, promise po talaga." nakangiting aniya at nagpuppy eyes pa.

"Kapag naulit pa ito, Chandler. Hmp! Magdasal kana." saad nito at inirapan siya.

Napatalon-talon siya sa tuwa at nagthumbs up sa mga kaibigan. Pero napatigil siya sa ginagawa niya nang mapansin niya ang babaeng may bughaw na buhok na nakatayo ngayon sa harapan. Tila ba'y huminto ang pagtakbo ng mundo sa sandaling pagtapat ng kanilang paningin. Unti-unting nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya, ang kanina'y masayang Chandler ay bigla na lamang naglaho. Bumigat ang puso niya nang maramdaman ang malamig na tingin ng babae. Napalunok siya ng laway at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang totoong nararamdaman niya ngayon. Pinaghalong lungkot, saya at pangungulila ang nagbabanggaan ngayon sa loob ng puso niya.

Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso, bigla kasi iyon kumirot. Kahit na may kaunting bumago sa panlabas nitong anyo, alam niya na ito pa rin ang babaeng nakilala niya. Hindi niya talaga aakalain na magkukrus uli ang kanilang landas.

"Chandler! Hindi ka pa ba papasok? Gusto mo ata na maging Supervisor ng unibersidad?!" biglang sigaw ni Mrs. Ituralde dahilan para maputol ang kanilang titigan ni Isabela. Nag-aalinlangang ngumiti si Chandler sabay kamot sa abo niyang buhok.

"Ito na po, p-papasok na hehe." hindi niya na tinignan pa muli si Isabela at pumasok na sa classroom. Sa ilang segundo na pagdaan niya sa tapat nina Isabela at Mrs. Ituralde. Nasindak ang lahat sa biglang pagbagsak ng temperatura sa loob ng classroom. Napayakap ang iba sa kanilang mga katabi, yung iba niyakap ang mga jowa nila at iba naman ay niyakap nalang ang sarili. Love yourself daw eh.

Narinig nila ang iilang daing ng mga  kakaklase nila dahil sa lamig. Huminto si Chandler sa paglalakad nang tumapat na siya sa kanyang armchair. Ibinaba niya na ang bag niya ro'n at nilingon si Isabela. Napag-alaman niyang nakatingin pala ito sa kanya, napalunok siya ulit at kumabog na naman ang puso niya sa kaba.

Napababa siya ng tingin sa mga nakakuyom nitong palad. Napakagat siya sa ibabang labi niya nang itinago ni Isabela ang mga nakakuyom nitong palad sa likuran nito. Kaya nang mag-angat si Chandler ng tingin sa dalaga, naglakad na ito pabalik sa upuan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito at hindi manlang inalintana ang pag-iba ng temperatura sa paligid.

Maya-maya pa ay bumalik na sa dati ang lahat. Naging normal na ang temperatura sa loob at nawala na ang takot sa mga kakaklase nila.
Umupo na rin si Chandler sa upuan niya at sinulyapan pa ang dalaga.

•••







Isabela(Completed)Where stories live. Discover now